Chapter 23

10.2K 277 9
                                    

Pagkalipas ng isang Linggo ay muli naming nakaharap si Attorney Reyes para pag-usapan ang pangatlong kondisyon na nasa last will and testament.

As usual,magkaharap na naman kaming tatlo sa loob ng living room ngayon.

Palihim kong sinulyapan si Zev na kasalukuyang abala sa kapipindot sa kanyang hawak na phone.

Matapos kasi ang engkwentro namin sa loob ng sala nitong nakaraang araw ay napapansin ko ang biglang pagdistansya ni Zev sa akin.

Hindi ko alam kung ano ang problema nya..

Nakapagtataka lang,kasi biglaan naman yata ang kanyang pagbabago.

Ni hindi nya ako kinikibo o inaasar man lang.

Dapat nga magbubunyi na ang aking kalooban dahil sa saya..syempre,pinatahimik na nya ang buhay ko kahit papano.

Pero hindi eh!hinahanap ko yung kakulitan ni Zev...nakaka-miss yun,sa tototo lang!

"Okay,dahil natapos na ni Zev Yvan ang first step na pinagawa sa kanya,magpapatuloy parin sya sa pamamahala ng lahat ng businesses habang ipagpatuloy ang mga susunod na natitira pang kondisyon!"Basag ni Attorney Reyes sa katahimikan.

"And now,we will proceed to the next conditions..."

Napansin kong nakuha na ni Attorney Reyes ang buong atensyon ni Zev dahil nagawa na nyang isantabi ang kanyang hawak na phone kanina.

"The third conditions is..."

Haist!bakit ba ako kinakabahan?

"Yezza Montana,pinahintulutan ka ni Don Marcio na magkaroon ng boyfriend-"

"WHAT KIND OF CONDITIONS IS THAT!?"

Hindi ko alam kung alin dun ang ikinagulat ko...

Sa ibinunyag ba ni Attorney Reyes ngayon?

O

Sa marahas na pagbalikwas ni Zev mula sa kanyang upuan at malakas na pagsigaw ng kataga na kanyang binitawan ngayon.

"Zev Yvan,please calm down..."kalma parin ang boses ni Attorney Reyes. 

"How could i calm myself down?damn it Attorney Reyes!naririnig mo ba ang sinasabi mo?inilista ba talaga yan ni Don Marcio sa kanyang last will and testament?o baka naman pakana mo na ang lahat ng ito!?"

Biglang dumilim ang anyo ni Attorney Reyes.

"What are you trying to say Zev Yvan Zallera?don't accuse anything if you don't have testifying the proof!"

Ngayon ko lang nakita na umasta ng ganito si Attorney..siguro talagang napikon na sya sa pagkawalang-galang ni Zev.

"How could i stay longer with this job if I'm against with the rules and regulation of my profession?"

Napa-facepalm nalang si Zev..at inaasahan kong hihingi sya ng sorry kay Attorney Reyes dahil sa kanyang inasta pero nagkamali ako ng iniisip.

"Forget about the third conditions...we can't do that!"

"Hindi pwedeng ikaw ang masusunod dito Zev Yvan!kasali ito sa limang kondisyon na dapat nyong malampasan,hindi naman natin pwedeng i-skip ang third conditions para-"

"JUST CANCEL IT!!"Putol nya sa sasabihin pa sana ni Attorney.

"Okay fine!kapalit ng mamanahin mo?"

Halos nahigit ko ang aking paghinga habang inaantay ko kung ano ang magiging kasagutan ni Zev.

Did he sacrificed everything just to cancel about the third conditions?

Dealing with my Husband's NephewWhere stories live. Discover now