Chapter 40

11.8K 279 13
                                    

Yezza's POV

DAY TWO..

*

*

*

Namalayan ko ang aking sarili na nakaunan sa braso ni Zev pagkagising ko kinabukasan.

Marahan kong inangat ang aking mukha habang nakasubsob sa ibabaw ng kanyang balikat kanina.

Pinagmasdan ko ang kanyang maamong mukha habang mahimbing na natutulog.

I wonder kung ano ang ginawa nya kagabi kung bakit para syang napuyat masyado sa paningin ko.Sa pagkakaalam ko ay maaga syang nagigising every morning.

Marahan kong hinaplos ang kanyang pisngi...

Ngayon alam ko na...ang lalaking ito ang nagdudulot ng kaligayahan sa buhay ko!

Lihim akong napangiti sa sarili..sino ba kasi ang mag-aakalang matutunan kong mahalin si Zev na sa unang pagkikita palang namin ay puro mga mura na ang inabot nya mula sa akin?

Oo,inaamin ko..mahal ko na sya ngayon!

"Mahal kita,Zev..."

Napatutop ako sa aking bibig nang bigla ko nalang nasambit ang katagang iyan..

God!he's still sleeping,right?

Marahan akong bumangon mula sa pagkakahiga at dahan-dahang bumaba mula sa kama.

Shit!bakit ba ako binundol ng matinding kaba?

Matapos akong magsipilyo at makapanghilamos ay naisipan ko nalang na tumuloy sa kusina.

Nagpasya akong maghanda ng breakfast since tulog pa naman si Zev.

Eksaktong nakahain na ako sa mesa nang-

"Good morning!"

Nakailang lunok pa ang ginawa ko bago ako pumihit paharap sa kanya.

"G-good morning..."

Shit!bakit ba ako nauutal?

Humakbang sya papalapit sa akin bago ikinulong nya sa kanyang palad ang aking magkabilang pisngi.

Wala akong nagawa kundi makipagtitigan nalang sa kanya.Maaliwalas ang mukha ni Zev...hindi maikukubli sa kanyang tantalizing eyes ang nakausling tuwa roon.

I wonder kung ano ang meron kung bakit maganda ang gising ni Zev.Napansin ko lang talaga na ever since na nakasama ko sya dito sa isolated island na ito ay lagi kong nababanaag sa kanyang mukha ang matinding kaligayahan.

"Let's eat?"

Sabi ko nalang dahil pakiramdam ko ay wala ng paraan pa para matakasan ko ang mga titig nyang ito sa akin.

"You are blushing Yezza...hmm...bakit kaya?"May panunudyo sa kanyang mga ngiti.

"Zev,gusto mong kumaing mag-isa?sige ka..."Pinandilatan ko sya..inaasar ako eh!

"Oo na po!sabi ko nga kakain na tayo,my dearest beautiful wife!"

Nanlalaki ang aking mga mata dahil sa narinig pero hindi na ako muling nakapagsalita dahil naramdaman ko nalang ang aking mga paa na umangat sa sahig.

Pagyakap kasi nya sa akin ng mahigpit ay sya namang pagbuhat nya sa akin para dalhin sa hapagkainan.

He's just kidding,right?

Oh my god!baka ini-imagine ni Zev na ako yung asawa nya!!huhu...

Ang sakit sa pakiramdam...ano pala ang papel ko dito?substitute wife?

Dealing with my Husband's NephewWhere stories live. Discover now