Chapter 37

11.3K 279 6
                                    

"We're here..."

Napaangat ang aking likod mula sa pagkakasandal ko sa sandalan ng upuan ng kotse ni Zev nang bigla syang magsalita matapos ang mahabang minuto sa byahe.

Marahan akong bumaba nang pagbuksan nya ako ng pintuan.

"Preparado na po lahat,Sir!"

Sabi nung isang lalaki na maagap na nakalapit sa aming kinaroroonan.

"Okay!ikaw na ang bahala sa sasakyan ko.."Sagot ni Zev sabay abot ng key doon sa lalaki.

Hindi ko maintindihan kung bakit parang may kahulugan yung saglit na pakikipagtitigan nila sa isa't-isa.

"Let's go Yezza..."

Napasunod nalang ako kay Zev nang marahan nya akong hawakan sa aking kamay para igiya sa hagdan.

Oh wait..bakit may hagdan?

Napaawang  ang aking bibig nang bigla kong tingalain yung higanteng yate na ngayon ay nasa harapan namin ni Zev.

It was a yacht?oh my god!dito kami magdi-dinner ni Zev?

"It's our first date,Yezza..at gusto kong magiging memorable ang gabing ito,kasama ito sa counting...dahil pagkatapos nito ay anim na araw nalang ang natitira.Alam ko at naiintindihan ko na gusto mo ng matapos kaagad ang mga natitirang araw na yan..i promise you,pagkatapos ng pitong araw?palalayain na kita..hindi na kita guguluhin pa,just seven days Yezza..unless- you want to stay..."

Mariin akong napalunok at ewan..parang sumisikip yung dibdib ko dahil sa narinig.Ihinakbang ko nalang ang aking paa para akyatin ang hagdan habang nakaalalay naman sa aking likuran si Zev.

Pakiramdam ko kasi ay nawalan ako ng sasabihin.O,di kaya...talaga namang ayaw kong sumabad sa usapan dahil tumututol yung kalooban ko sa nais na mangyari ni Zev?

Napalinga-linga ako sa paligid nang sa wakas ay makatuntong na ako sa taas..pero bakit wala yatang tao?

Shit!

Talaga bang pinaghandaan nya ang dinner na'to?

Hindi ko kasi maiwasang hindi mapa-wow sa aking isip nang bumungad sa akin ang nakahandang table na syang nag-iisa lang naman sa loob ng yate na ito.

Pinaghila ako ni Zev ng upuan bago sya naupo sa kanyang pwesto.

"Bakit mo ba ito ginagawa,Zev?makatarungan ba itong ginagawa mo?inamin mo na may asawa kana...pero hindi ba,parang ikaw naman itong nangangaliwa?it's fine with me for dating someone because i am a widow but you-"

"You're not a widow,Yezza!at hindi ako nangangaliwa..."

Nagtataka akong napatitig sa kanya..ano bang ibig nyang sabihin?palibhasa kasi,namatay ang kanyang Tito na hindi nya nasilayan kaya nakatatak parin siguro sa kanyang utak na buhay pa din yung matanda..tss...

"Let's eat...don't ruin the moment because of that nonsense conversation!"

Napabuga nalang ako ng hangin bago itinuon sa kaharap na pagkain ang atensyon.

Katahimikan na naman ang bumalot sa pagitan namin ni Zev habang kumakain.

May bago paba?kung ngayon ay nababalutan na naman ng matinding awkwardness ang atmosphere namin?

Haist!

Hindi ko maiwasang hindi mapailing nang biglang sumagi sa aking isipan yung pangyayari sa loob ng presidential suite day's ago.

Bakit ko ba naiisip ang bagay na yon?wala sa loob na dinampot ko ang wine glass na nasa harapan ko at marahas na tinungga iyon.

Wow!it feels great!!

Dealing with my Husband's NephewWhere stories live. Discover now