Chapter 20

10.9K 277 12
                                    

Mas lalong lumala ang awkwardness na namamagitan sa amin ni Zev matapos yung pangyayari na naganap sa loob ng swimming pool kahapon.

Actually,ako lang naman yata itong sobrang naapektuhan..

Seeing Zev in front of me right now ay parang normal lang naman sa kanya ang lahat.

Sa tingin ko ay nakalimutan na nga nya yung kapangahasan na ginawa nya sa akin kahapon.

Ganoon lang yun...

Parang wala lang...

Haist!Yezza...kaya itakwil mo narin mula sa iyong imahinasyon ang kaganapang iyon!

Nag-concentrate sya sa paghigop sa kanyang kape habang mariing nakatitig sa akin.

Hindi ko na tuloy alam kung ano ang gagawin ko..pakiramdam ko ay matutulos ako mula sa aking kinauupuan.

Pulang-pula na ang aking mukha dahil sa pagkapahiya.

Inaalala kaya nya yung malakas na pag-ungol ko kahapon habang nakahawak ako ng mahigpit sa kanyang braso?

Damn!Yezza...damn!

Stop thinking about it!!

Nangako kana sa sarili mo na dumistansya sa kanya.

Nakahinga ako ng maluwag nang marahan na syang tumayo matapos nyang ilapag sa mesa ang mug ng kape.

Sa wakas ay magkakaroon na naman ng katahimikan ang buhay ko dahil buong araw na naman syang wala sa bahay.

Bigla akong nataranta nang mapansin ko ang biglang pag-ikot nya sa gilid ng mesa para tunguhin ang kinauupuan ko.

Anong kailangan nya?

Hindi naman dito ang direksyon ng pintuan ah!

Mabilis syang dumukwang nang mapatapat sa may gilid ng upuan ko.

At gayon na lamang ang aking pagkagulat nang kintalan nya ako ng matunog na halik sa aking pisngi.

"I'm off to work,Yezza..."

Bulong pa nya sa akin bago sya umayos ng tayo at saka walang lingong-likod na lumabas ng pintuan.

Naiwan akong nakatulala parin...

Marahan kong hinaplos ang aking pisngi...

Oh god!Zev...

Bakit ako nakakaramdam ng kilig?diba dapat magalit ako?mainis?

Pero hindi eh...kinikilig ako,oo...ang lakas nga ng kabog sa dibdib ko..shit!

Napasabunot na naman ako sa aking sarili.Ang sarap iuntog-untog sa semento itong bungo ko para magising sa katotohanan!

Ano itong ibang nararamdaman ko para kay Zev?

Galit ako oo...

Pero hindi iyon tumatagos hanggang sa kasulok-sulukan ng aking puso!

Yung galit ko ay parang artificial lang...walang pwersa!ganoon lang..

Pero itong kilig na nararamdaman ko ngayon ay umabot na yata hanggang langit!

Umaapaw ako sa saya..grabe!

Teka...hindi kaya nanibago lang ako?

Kasi ito yung first time na maayos syang nagpaalam sa akin bago umalis ng bahay!

Haist!Yezza...you only need a cold shower!para bumalik yang katinuan mo!!

*

*

Dealing with my Husband's NephewWhere stories live. Discover now