Simula

19.9K 309 9
                                    


"Pareng Troy ma-mimiss ka namen." ngumiti ako sa kanila. Isa isa ko silang nilapitan at niyakap. A part of me felt a liitle bit sad. Sa loob ng sampung taon ko dito sa loob ay sila ang ngaging pamilya ko.

"Mag-ingat kayo dito, dadalawin ko kayo palagi." Sagot ko.

" Masaya kami para sa iyo Troy, dalawin mo lang kami ah? Wag ka nang babalik.." Natatawang sabi ni Taski. Yung naging kalapit ko dito. Umiling ako sa kanya, of course. Hinding hindi na ako babalik dito.

Ten years ago, nakagawa ako ng kasalanan na hindi ko inakalang magagawa ko. That mistake ruined my life. Lalaya na ako. Pasalamat nalang at napatawad ako ni Enzo at Tricia sa kung ano man ang ginawa ko noon.

Noong una, hindi ako makapaniwala na buhay talaga si Enzo, gabi gabi akong binabagabag ng konsensya ko sa pag aakalang namatay siya noon. I'm not the one who literally killed him, but, I'm  part of it, though. At iyon ang pinagbayaran ko sa mahabang panahon.

"Mag-iingat kayo dyan' dadalawin ko kayo." Ngumiti ako sa kanila at binitbit ang mga gamit ko. Kitang kita ko ang lungkot at ingit sa mga mata nila. Tumalikod ako at nagsimulang maglakad. Hindi na ako lumingon pa. Hinding hindi ko na ibabalik ang sarili ko sa loob niyan mga heras na bakal.

"Enzo, Tricia.." alanganin akong tumingin sa kanila. Kahit naman alam ko na napatawad nila ako ay hindi ko pa din maalis ang hiya sa kanila.

I envy Enzo, after all, kahit na inakala namin lahat na wala na siya mayroon pa din siyang binalikan na Tricia, ako? Sino ang babalikan ko? I shooked my head. Seriously? Yun agad ang inisip ko? Gusto kong matawa.

Lumapit si Tricia sa akin na malaki ang ngiti. She's still the Tricia I fell inlove before.. Stop what you are thinking man, damn.

"Are you ready to see them?" Bahagya lang akong napatango. I'm speechless. Pakiramdam ko pa nga ay maiiyak ako sa harap nila. Tangina! Why am I so emotional?

Sumakay kami sa sasakyan ni Enzo. Napapaiwas pa nga ako ng tingin kapag naglalambingan sila. They are happy now. At masaya ako para sa kanila.

Huminto kami sa isang grave bago pumunta sa place ni Zion. Napakunot ang noo ko ng lumabas si Enzo na may dalang bulaklak. Tumingin ako sa lapida na nilapitan niya.

Kol Martin Altamirano?

Tanya Marie Altamirano?

Who are they? Kahit nagtataka ako ay ipinagkibit balikat ko nalang.

"Ok ka lang?" Nakita ko ang pag-aalala sa mukha ni Tricia. I awkwardly smile at her. She still the same.

"Yes.." nahihiya pa din ako. We were close before, but that was decades ago. I need to keep my distance to them. Specially to her.

MABILIS kaming nakarating sa place ni Zion at nang kapatid ko. Bahagyang lumawak ang ngiti ko. I never thought Shin will be this succesful, sa amin kasing dalawa noon, mas grade concious ako. I'm the achiever and she's the happy go lucky. But look at her now. I'm so proud of her.

"Stay here ok lang? Isu-surprise ko kasi sila.." napasinghap ako ng bigla ulit nagsalita si Tricia. Pareho silang nakatingin sa akin kaya medyo kinabahan na naman ako. Fuck this feeling! Kailan ba mawawala ang hiya ko para sa kanila. I feel that kahit pinagbayaran ko na iyon ay nakadikit pa din iyon sa pagkatao ko. And I hate feeling it.

Tumango ako sa kanila. Kahit alam kong nagtataka sila sa akin ay pinagwalang bahala ko nalang. Hindi na kami magiging katulad noon. As long as my guilt feeling is inside me, things will never be the same again. They forgave me for what I did to them, but, I cannot forgive myself. Pakiramdam ko ay naliligaw ako mula sa mundo na nilabasan ko. I'm lost. I'm nothing.

"Come in.." malakas na sigaw ni Tricia mula sa loob. I'm shaking. Tons of nervous are inside my chest. What if hindi sila matuwa sa presence ko? What if ipagtabuyan nila ako? What the fuck Troy! Just go.

Marahan akong pumasok sa loob ng gate. Nakayuko lang ako. I don't want to see how will they react if they see me.

"Omg!"

"K-kuya.."

Doon ako nag-anagat ng tingin, narinig ko kasi ang boses ni Kenneth Shane. Oh, God knows how much I missed my little sister.

Umiiyak siyang patakbong lumapit sa akin. Hindi ko pa din sila tinitignan. Na kay Kenneth Shane lang ang mga mata ko.

Halos matumba ako ng bigla niya akong sungaban ng yakap. Doon na ako natawa ng bahagya. Tumanda lang siya pero she's still my little sister.

"You're still dramatic Shin." I patted her head. Ngumuso siya at umiiyak pa din. I'm fighting my self not to cry. Hindi ko kinaya. A tear fell from my eye.

"H-how did you get here?paano?sino?" Sunod sunod na tanong niya. I smiled.

"Tricia and Enzo.." sagot ko sa kanya. Kaya lalo siyang naiyak.

Hinila niya ang kamay ko at halos patakbong lumapit sa kanila. HIndi ko na kinaya ang pag-iwas ng tingin kaya lahat sila ay iniisa isa kong tignan. Ganoon pa din sila. They are smiling to me. I can't smile back dahil nahihiya talaga ako. What the hell Troy? You used to be one of them.. I smiled bitterly. Yeah, not after I betrayed them.

"You made me happy guys.." binitawan ako ni Kenneth Shane at niyakap si Tricia at Enzo. Napatingin ako kay Zio ng bigla niyang tapikin ang balikat ko.

"Welcome back, dude." Ngumiti siya. tumango lang ako nng bahagya. I have to remind myself to keep distant. We can never be the same again. I lost them years ago.

"Am I late?" napatingin ako sa babaeng dumating na may hawak na batang lalaki. Her smile. Damn. Pakiramdam ko ay bigla nalang bumilis ang tibok ng puso ko. Nag-iwas ako ng tingin ng bigla siyang tumingin sa akin. What the hell Troy, she just looked at you.

"Katherine.." sabay sabay sabi nila. So Katherine is her name? Sino naman yung batang kasama niya?is she single? Tangina naman naiisip mo Troy. Natatawa ako habang sumisimsim ng alak.

"Palagi ka namang late eh." Natatawang sagot ni Sunny sa kanya. Bumalik ang tingin ko sa babae.

"Sorry, dinaanan kasi namin si Kol.." sagot ni Katherine. Kahit nakangiti siya ay may bahagyang lungkot na dumaan sa mga mata niya. Kol? Parang nakita or narinig ko na yun ah?

Umiwas ulit ako ng tingin ng bigla ulit siyang napatingin sa akin. Damn. My heart is racing so fast. Bigla nalang ako napaayos ng lumapit si Enzo at akbayan ako.

"He's Troy." Maikling pakilala niya sa akin doon kay Katherine. I saw how her face turns into crimson red. Gusto kong mangiti dahil sa reaksyon niya. She's pretty.

"And that kid is her son Miggy." My smile slowly fades away. So she's not single anymore?she has a kid. So it means she have a husband? Damn. Eh ano naman ngaun? Umiling ako.

Masaya akong nakatingin sa mga batang masayang naglalaro. Napagiwanan na nila ako. They are all happy with their lives now while I'm still stuck and lost here.

Nakita kong nilapitan ni Katherine ang anak niya para lagyan ng sapi ang pawisang likod. She's really pretty. Damn. She's married Troy. So stop what you are thinking. I noted it mentally.

Halos mawalan ako ng kulay ng lumingon si Katherine sa akin ng malaki ang ngiti. Fuck her smile. Umiling ako. This is wrong. Papalapit sana siya sa akin pero mabilis akong tumayo at tumalikod. Damn. Keep distant Troy.

Two Lost Hearts (Completed)Where stories live. Discover now