ika-lima

7.3K 204 2
                                    

"Je t' aime, Miggy.." huminga ako ng malalim at ibinaba ang tawag. I missed Miggy so much. Kung pwede lang talaga. Umiling ako at pinunasan ang luhang tumulo sa mga mata ko. Bakit kailangan siya pa?

Natigil ako sa pag iyak ng napaharap ako kay Andi, he's so damn serious habang may dalawang bulak na nakapasak sa butas ng ilong niya.

"What was that?" Nakatingin pa din ako sa kanya habang nakakunot ang noo. Bahagya pa ngang nakabuka ang bibig niya. Inalis niya ang bulak na nakapasak sa ilong niya sabay nagpakawala ng isang malakas na buntong hininga.

"Damn French, you made my nose bleed everytime, hindi ba marunong magtagalog si Miggy?" kunot noong sabi ni Andi. Yung kaninang lungkot ko ay napalitan ng tuwa. Nakakatawa kasi ang itsura ni Andi. Umiling lang ako sa kanya at bahagyang ngumiti.

"Marunong.." tipid na sagot ko. May sasabihin pa sana si Andi pero biglang dumating si Vina kaya pinili na lang niya manahimik.

"Ano naman tinitingin mo?" Masungit na bungad ni Vina sa kanya kaya napailing ako. Kailan kaya mag uusap ang dalawa na ito na hindi nagsusungitan or nag aaway?

Umirap si Vina sa kanya at dumiretso sa akin sabay lapag ng files about sa gagawing building sa BGC, ang alam ko ay ngaun iyon sisimulan.  Enzo wants to be there pero pinigilan ko. Nandito naman kasi kami nila Andi to do the job. Naiisip ko palang na makakasama ko ang arrogante na si Troy ay natatakot na ako.

Hindi ko pa makalimutan yun gabi na hinatid niya ako. I was only looking at him the whole time. Actually, nakwento na siya sa akin noon nila Kenneth Shane, and what he did-- never mind, ibang iba na siya sa lalaking  nabuhay sa kwento ni Kenneth Shane sa puso ko. The warm and the lovable boy was gone.

Kilala ko si Troy sa kwento nila, alam niyo bang nahulog ako sa kanya. Pakiramdam ko ay nainlove ako sa isang fictional character sa kwento.

Until one day ay dumating siya bigla, I tried to be friends with him kaso ang sungit niya, mayabang, at proud.

Looking at him that night, I think the boy is lost. Well, you can't blame him. Matagal siyang nawala sa totoong mundo. When you looked at him, hindi mo makikita na may isang lalaki na nabuhay sa katauhan niya. He look like a boy who's lost in the forest. Minsan hindi ko mapigilan na sungitan siya. Ayoko lang kasi mahalata niya na interisado ako sa kanya. Still, I'm not ready, madami pa akong kailangan ayusin. Para din akong tupa na iniligaw sa malawak na kagubatan.

Ako na ang pumunta sa site para tinignan ang nangyayari dito. At saka ayoko muna sa office at nalulungkot ako. Sometimes, naiisip ko kasi si Miggy, at naalala ko si Kol.

Pag baba ko ng sasakyan ko ay mabilis kong sinuot ang shades ko at dumiretso sa site kung saan nandoon na si Troy.

"Hi .." I cheerfully said. Sanay naman kasi ako na tinatago ang nararamdaman ko.

Natigil si Troy sa kung ano man ang sinasabi niya ng marinig ako. Tumabi ako sa kanya. Lumingon pa nga siya sa akin habang masama ang tingin.

"What are you doing here?" Kunot noong sabi niya.

"Good morning, Troy.." binalewala ko ang pagsusungit niya. Tinignan ko siya mula ulo hanggang paa tsaka ako ngumiti sa kanya. Grabe? Bakit ba pakiramdam ko ay lalo ako nagiging interasado sa kanya dahil sa pagsusungit niya.

Agad nag igting ang panga ni Troy. Bumaling ako sa mga kausap niya na pare parehong nakatingin sa akin. I waved my hands on them..

"Hello.."

"H-Hello." Nauutal na sabi ng isa kaya napahalakhak ako.

Nagulat nalang ako ng bigla akong hawakan ni Troy sa palapulsuhan at hinila pabalik sa sasakyan ko.

Two Lost Hearts (Completed)Where stories live. Discover now