ika-labing pito

5.5K 171 2
                                    

"You and I Kath, it was real.."

Pinahid ko ang luhang pumatak sa mga mata ko habang pinapanuod siya maglakad palayo. Nasaktan din naman ako. Pero hindi pa talaga ako handa nung panahon namin noon. I have Miggy to take care of. Pero hindi ko din alam kung magiging handa pa ako.

Umalis si Troy at hindi ko alam kung saan siya pumunta. His eyes were cold and inpain. Alam ko naman nasaktan siya eh, why is he asking my sorry? Ala naman talaga akong kasalanan sa kanya. Can he blame me? Hindi naman kasi nag karoon ng totoong kami. Minahal ko si Troy. And I still love him. Pero hindi kami pwede ngaun. We both have scars that needs to heal.

Nang matapos ang gawain ko ay pumasok ako sa kwarto para ayusin ang mga gamit ko. Kailangan kong tiisin ang pagtira dito. Alang ala pa ako. Physically, emotionally, I'm literally drain.

"Magpapahinga lang kami Kath, feel at home iha.." Ngumiti ako kay Tita Zenny. She's the nicest person I've met in my entire life. I envy the siblings for having tita as their mom.

"Thank you, tita.." Huminga ako ng malalim habang nakatitig sa jar nang ash ni Miggy. Palagi kong pinagdadasal na bantayan ako Miggy. Siya nalang ang natitirang lakas ko.

I blow dry my hair after I took a bath. Medyo naiilang pa ako at naninibago sa bahay. I should be use of living here, together with Troy.

Dinampot ko ang cellphone ko at napasinghap nalang ako sa sunod sunod na pagtunog. I never change my number. But he doesn't called or texted me either. I smiled bitterly. Umasa din kasi ako. Umasa ako na susundan niya ako or tatanungin kung ano ba ang nangyari sa akin. He didn't do that. Kasalanan ko naman.

From: Andi

-I heard you're back. Mind if to see you now?

From: Tricia

- We want to see you Kath.

Hindi ko alam kung sino ang pagbibigayan ko. I decided na kay Andi nalang muna ako makipagkita. Hindi pa ako handa sa mga tanong na ibabato sa akin nila Tricia.

Nag ayos ako at nag paalam sa kanila na aalis muna. Pumayag naman sila tita basta umuwi din daw ako agad. Tumango nalang ako. Maaga pa naman.

Pagbaba ko ng taxi ay medyo naninabago ako. Nakakatawa lang isipin na nasanay na ako sa hangin ng France. Masyadong malaki ang difference ng hangin doon at dito. Pero kung ako ang tatanungin, mas gusto ko dito.

"Oh-My-God---" Napatingin ako kay Andi na nakaupo sa isang bench sa labas ng coffee shop. Nakangiti siya sa akin habang nakataas ang kilay at nagbubuga ng usok galing sa sagiralyong hawak niya.

Tumayo siya at mabilis na yumakap sa akin. Napaatras pa nga ako dahil sa biglang pagyakap niya.

"God, you really such a pain in the ass, Kath.." Naiiling si Andi habang nakatingin pa din sa akin. Nagbago ang features ni Andi. He looked more manly now.

"Can you just say you missed me? At kelan kapa natuto manigarilyo?" Tinakpan ko ang ilong ko kaya naman agad itinapon ni Andi ang sigarilyong hawak niya.

"I'm still pissed at you.. You leave us.. And I'm kinda heartbroken now." Ngumiti siya ng tipid. Maybe I should tell Andi what really happened to me in France, after all he's my friend. At pakiramdam ko ay hindi ako makahinga sa dami ng naipon sakit sa puso ko.

"What--" pinutol ni Andi ang sasabihin ko. Tatanungin ko pa naman sana kung bakit heartbroken siya ngaun. Tinitigan niya ako na para bang sinusuri ang emosyon na nadadama ko ngaun. And I hate Andi for that, kayang kaya niya kasing mahuli ang nararamdaman ko by just looking at me.

Two Lost Hearts (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon