ika-dalawamput dalawa

5.5K 143 7
                                    


Kinusot kusot ko ang mata ko ng may marinig akong ingay sa labas ng sasakyan ni Troy. Tumingin pa nga ako kay Troy na payapang natutulog pa. When I totally opened my eyes ay bigla akong napasigaw ng malakas.

"Ahhhhhhhhhhhhh!!!!!!" Takot na takot ako. Bigla naman napabalikwas si Troy ng bangon kaya bahagyang naumpog siya at abot abot ang pagmumura.

"What the fuck, Kath!" Hindi pa niya tuluyan nabubuksan ang mga mata niya pero himas himas niya ang ulo niyang naumpog kanina.

"Look, nasaan ba tayo?sino sila?" Kabang kaba ako habang nakatingin sa mga tao sa labas na nakabahag lang  at may nakasabit na pana sa likod nila. Naiisip ko pa naman yung napanood ko na movie last week sa HBO, what is the title nga ba? Urrrgh! It's Wrong Turn!

Nang tuluyan na dumilat si Troy ay kumunot ang noo niya. Bahagya siyang napailing sa akin.

"They're one those tribes here," nakatingin pa din siya sa labas habang tinitignan ang mga taong literal na nakatingin sa sasakyan namin. Bakit ba kasi hindi tinted ang sasakyan ni Troy?

Lumunok ng bahagya si Troy at kitang kita ko ang pawis sa kanyang noo. "Maybe?"

"Anong maybe?akala ko ba alam mo ang kung saan tayo pupunta?" Kinakabahang tanong ko sa kanya.

"Pwede bang kumalma ka? Hindi ako makapag isip ng maayos." Iritableng sagot niya. He tried to open the engine pero walang nangyari.

"Fuck! Out of gas.." Mahinang bulong niya. This what I'm thinking lastnight! Mamatay naba kami?

Tumahimik ako at kinalma ang sarili. Tinignan ko ang phone ko na may one bar of signal pero 2% nalang ang battery life. Mabilis akong nagdial ng number ni Patrick. Nang makaapat na ring ay sinagot niya pero agad itong nawala dahil nalowbat na ako. Ilang mura na ang nasabi ko sa isip sa sobrang inis.

"Where's your phone?" Baling ko kay Troy na tila malalim ang iniisip. Tamad niyang inabot sa akin ang phone niya na dead batt na rin pala.

Tok!tok!tok!

Sabay kaming napasinghap ni Troy ng biglang may kumatok sa window ng sasakyan niya.

"Are we going to die, Troy?" Kumapit ako sa braso niya. Para kasi kaming prey sa loob ng sasakyan habang madaming predator na nag iintay sa labas.

"I don't know.." Seryosong sabi ni Troy sa akin. Lalo akong napakapit sa braso niya.

"Gago kaba? Anong I don't know?" Hindi na siya nagsalita. Humigpit lalo ang kapit ko sa kanya ng biglang may kumatok na naman.

"Sir, mam, saan po ba ang tungo niyo?" Mahinang salita galing sa labas. Nagkatinginan kami kami ni Troy na tila ba nag aagawan sa hangin sa loob ng sasakyan! Pakiramdam ko ay kaonting oras nalang ang mauubos na namin ang oxygen dito sa loob ng sasakyan niya.

Huminga ng malalim si Troy.

"I'm gonna open the window." Kumalas ako sa kanya. Huminga kami pareho ng malalim na tila ba hinahanda ang sarili namin sa kahit anong pwedeng mangyari.

Napapikit ako ng sinimulan ng ibaba ni Troy ang bintana. Nang nabuksan na ni Troy ang bintana ay nakahinga kami ng maluwag. Unti unting lumayo ang mga taong nakapalibot sa sasakyan namin. Gosh! I can't believe na masyado akong naging judgemental, or should I say na napraning lang ako?

Tumango si Troy sa akin at inunguso na lumabas na ako. Inayos ko ang gulo gulo kong buhok at sabay kaming bumaba.

"Magandang umaga po." Alanganin akong ngumiti sa mga taong nakapalibot sa amin na tila ba namamangha sa amin. May isang matandang lalaki ang lumapit sa akin kaya tuluyan na akong nastatwa. Nakakaintimidate naman kasi ang itsura niya. Halos mapatili ako ng biglang may humapit sa beywang ko. Sinamaan ko ng tingin si Troy habang nakangisi sa akin.

Two Lost Hearts (Completed)Where stories live. Discover now