dalawamput tatlo

5.8K 159 7
                                    

Mabilis akong napatakbo sa banyo nang umatake na naman ang pagwawala ng sikmura ko. Nanghihina akong napasadal sa sink. I am not sure pero iba na talaga ang hinala ko. Umagang umaga pero naiiyak ako. Hindi ako sanay ng palaging umiiyak pero bakit ang emosyon ko ngaun ay basta basta nalang dumadagsa?

Paglabas ko ng cr ay hinanap ko ang cellphone ko na kanina pa tunog ng tunog. Nanlaki pa nga ang mata ko ng makita ko na alas nuebe na pala ng umaga. Nakatulog ako ng hanggang ganitong oras?

"Where the hell are you?" Iritableng bungad sa akin ni Andi. Gosh! Kahit iretable siya ay nakuha ko pa din ngumiti kahit di niya nakikita. Naiimagine ko kasi ang iritableng mukha niya. At bakit ba ako natutuwa sa pag kairita niya?

"Sa pad pa din, kakagising ko lang.." malaki pa din ang ngiti ko habang binubuksan ko ang ref para kumuha ng orange juice. Nang wala akong makita ay bigla nalang naiiyak na naman ako. Seriously?

"Oh, Jesus Kath! Nandito na kami sa OB." Isang buntong hininga ang pinakawalan ni Andi. I sighed.

"I'll be there.." Binaba ko ang tawag at bahagyang pumangulambaba. Gusto ko talaga ng orange juice!!

Nag decide nalang akong maligo at ayusin ang sarili. Sa daan nalang ako bibili ng orange juice. Nang matapos ako mag gayak ay humikab pa ako dahil sa antok na nararamdaman ko. Tinapik tapik ko ba ang pisngi ko para magising ang kaluluwa ko.

Palabas na sana ako ng pad ng biglang may nag doorbell. Mabilis akong tumungo sa pinto.

"Wala akong order." Sagot ko ng tumambad sa aking delivery boy na nakakunot ang noo.

"Are you Ms. Katherine Pierre?"

"Yes.."

"Then this is yours ma'am.." Nalaglag ang panga ko sa dami ng orange juice ang binigay niya sa akin. Wait! Sino naman ang magbibigay sa akin nito?

"Kanino galing 'to?" Tanong sa delivery boy na nagkibit balikat lang.

"Ala pong nakalagay ma'am eh, anonymous lang." Mabilis na tumalikod yung delivery boy at ako naman ay naiwan naka nga-nga. Sino naman ang magpapadala sa akin nito?

Bumalik ako sa kitchen para iref ang 10 pouch ng fresh orange juice na natanggap ko. Inalis ko nalang sa isip ko kung sino man ang nagpadala nito. Malaki ang ngiti ko habang nagsasalin ng orange juice sa baso at mabilis na nilagok. Ahh.. I feel instantly okay kapag nakakainom ako nito.

Pagdating ko sa lugar na sinasabi ni Andi ay wala naman siya. Kinuha ko ang cellphone ko para magtipa ng mensahe kay Andi nang namataan ko si Troy papasok ng hospital. Kumuunot ang noo ko. What is he doing here? Naka cap kasi siya tsaka wayferer kaya hindi ako sigurado kung siya talaga. Tsaka ang alam ko nasa Sheperd yun kasi minamadali nila ang renovation ng mall.

To Andi: where are you?

Bumaba ako ng kotse at mabilis pumasok sa loob. Napahawak pa ako sa gilid ng makaramdam na naman ako ng pagkahilo. Huminto ako saglit at huminga ng malalim.

Habang nakatayo ako ay nagvibrate ang cellphone ko. Mabilis ko itong kinuha at tinignan.

From Andi: Still here, just go here, now.

Nakakairata kang Andi ka! Kung hindi  ka lang nakabuntis malamang iisipin kong bakla ka! Mabuti nalang natutuwa ako sa kanya lately kaya hindi ko pinapatulan ang mga pagsusungit niya. Siya na nga may kailangan siya pa masungit? Sampalin ko to mamaya eh, kaliwa't, kanan.

Nagdiretso ako sa lift ng medyo okay na ako. Pero not totally, medyo hilo pa din ako at bumabaliktad na naman ang sikmura ko sa amo'y ng ospital. Napahinto ako saglit at nagmuni. Eh kung magpacheck na din kaya ako? Kung--- ahhh! Ayoko! It is nothing Kath! Pagod at stress lang nararamdaman mo. Isama mo pa na medyo broken hearted ka ngaun. Magiging okay ka.

"Ma'am? Sasakay ba kayo?" Nabalik ako sa realidad ng nagsalita yung isang lalaki na nakasay na sa lift. Nag iwas pa nga ako ng tingin sa mga taong nakangiwi na tila ba kanina pa ako hinintay. Sorry naman sila! Hindi ko naman sinabi na hintayin nila ko. Naiirita na naman ako!

Tumango ako at sumingit sa mga taong nakasakay sa lift. Omg! Hindi ko mapigilan mapaubo dahil sa pagpipigil ng suka na nararamdaman ko. Yung kuya kasi na katabi ko amo'y - uurgh! Amo'y sinigang na baka sa bayabas siya! Pag dating ko sa floor ko ay halos di na ako makahinga sa sobrang pagikot ng tiyan ko. Isama mo pa na nahihilo ako.

Pag liko sa kabilang side ng floor kung saan naroon ang OB ay natigilan ako. Pumwesto ako sa gilid at tinago ang sarili ko. Why the hell is Vicky's here at kasama si Patrick?

Ang tanga ko talaga! Kaya ko siguro nakita si Troy kanina dito. Of course nandito si Vicky. At bakit ba ako nagtataka kung magkasama sila ni Patrick? Eh kaibigan siya ni Troy diba?

"What are you doing here?" Halos mapalundag ako kay??

"Troy?" Tinanggal niya ang wayferer na suot niya at minwestra ang daliri niya para tumahimik ako. Ang weirdo niya! Tapos lumapit siya sa akin kaya nasa likod ko siya. Pakiramdam ko nga yung pagbaliktad ng tiyan ko kanina ay bahagyang kumalma. Ang bango naman kasi ni Troy tapos ang init ng katawan niya na nasa likod ko. Nakatingin siya sa gawi nila Vicky habang ako naman ay nakatingala sa kanya at napalunok. Yung adams apple kasi niya gumalaw. Uurrgg! Halos mapasabunot ako sa naiisip ko!

"Wag mo ako nakawan ng tingin.." Salita niya habang nakatigin pa din sa tinitignan niya  ramdam na ramdam ko ang pamumula ng pisngi ko at tibok ng puso ko na parang tumakbo ako ng 2000km sa bilis.

"E-eh umusad ka kaya!" Bahagya ko siyang itinulak kaya napaatras siya. At bakit ba nandito pa din ako? Dapat eh nasa loob na ako dahil hinihintay na ako ni Andi. Bakit pakiramdam ko ayaw ko na umalis sa kinatatayuan ko?

"Bakit ba nandito ka?" Iritado niya akong tinignan. Yung mata niya. Napalunok ako kasi galit ang mga mata niya.

"Kasama ko si Andi," umiling ako. At bakit ba nagpapaliwanang ako sa kanya?

"Eh, ikaw bakit ka nandito?" Pag iba ko ng usapan. Bahagyang tumaas ang sulok ng labi ni Troy kaya halos mahampas ko ang ulo ko. Syempre nandito si Vicky. Tanga!

Hindi niya ako pinansin at narinig ko nalang ang sunod sunod na pagmumura niya. Hindi ko na masyado siya kinausap dahil nanlalabo na ang paningin ko sa sobrang hilo.

Nakatayo lang ako dahil sa panghihinang nararamdaman ko. Nagulat nalang ako ng kinuyom ni Troy ang kamao niya sabay takbo. Susundan ko sana siya dahil kitang kita ko ang galit sa mga mata niya.
He's so damn mad.

"Troy...." Huling salita ko. And everything went black.

Two Lost Hearts (Completed)Where stories live. Discover now