ika- dalawamput siyam

5.5K 142 0
                                    

Mabilis kong binigay sa taxi ang bayad ng makarating ako kung saan nakalibing si Kol at si Miggy. Last month kasi naisipan kong itabi ang ash ni Miggy sa grave ni Kol. Kahit manlang sana sa ganitong paraan ay makasama ni Miggy ang papa niya.

Patakbo akong pumunta sa kung saan man sila nakapwesto. Nang makarating ako ay humagulgol na ako ng iyak habang napaupo sa harap nila. Ni hindi ko na ininda na nandito din ang kay Tanya.

Hinaplos ko ang lapida ni Miggy at Kol.

"Miggy...." Hindi ko pa alam kung ano ang gusto ko sabihin. Gustong gustong yakapin at magsumbong sa anak ko pero ala pa akong lakas. Masakit ang nadadama ko ngaun. Pumunta lang naman ako dito para maramdaman ko kahit papano na mayroon akong akin. Mine alone. Walang kahati.

Nang matapos ang mahabang pagluha ko ay lumapit ako sa lapida ni Kol. I smiled bitterly sabay punas sa kanyang lapida.

"I miss you.." Unti unti na naman pumatak ang luha ko. Parusa ba ito ng langit sa akin? To live alone? Na palaging masaktan? Alam ko naman na hindi ako perpektong tao pero hindi naman ako masama. 

Akala ko magkakaroon na ako ng maayos at panibagong buhay with Troy. Pero bakit tuwing maayos kami ay palaging may gulo? Palagi nalang pinaparamdam na hindi pwedeng maging kami.

"Kol, sabi mo sa akin noon na mabuti akong tao, that I don't deserve the life na mayroon ako? Bakit ganito? Ito ba ang deserve na buhay para sa akin?" Nagsimula na naman aking umiyak. Hindi na yata mauubos ang luha ko. Simula ng nalaman ko na nakabuntis si Troy ay hindi ako umiyak. Pinakita ko sa kanila na malakas ako at kaya ko.

Hindi ko pala kaya maging matatag. Hindi ko kaya na mahalin siya gayong alam ko na may masasagasaan ako.

"She's Katherine ma, and she's having our child." Pakilala ni Kol sa akin sa parents niya. Nakatingin ako sa magulang ni Kol na naghuhumiyaw sa karangyaan sa buhay. At ako? Isa lang akong hamak na pa extra extra ng trabaho sa Singapore noon. Bata palang ako namatay na ang parents ko. I live my life the hardest way. Nagtrabaho ako at nagsikap para mapag aral ko ang sarili ko.

Until I met Kol Martin Altamirano. Nagtatrabaho ako noon sa isang malaking bar sa Singapore as waitress. Palagi noon nagpupunta si Kol kasama ang mga barkada niya. We became friends hanggang nahulog kami sa isa't isa. nakilala ko noon si Tanya dahil palagi siyang nagpupunta doon to tell stories about Sydney. How much she hated her and and how much she envy her cousin.

"Kath, Sydney's gone.. I killed her.. Wala na siya!! Ala na akong kakumpetensya!" Tumindig ang balahibo ko kay Tanya ng isang gabi na pumunta siya sa bar. Hindi ko alam kung nagloloko ba siya or nasisiraan.

"You w-what?" Halos mabitawan ko ang tray na hawak ko dahil sa pagkagulat.

Week after ay hindi na nagpakita sa akin si Tanya pati na din si Kol. Isang gabi sa bar ay gusto ko nang maiyak dahil ala pa din si Kol. Nabuntis ako pero hindi siya nagpakita.

"Katherine, your boyfriend is here.." Napatigil ako sa pag iyak ng tawagin ako ng isang katrabaho ko. Mabilis kong inayos ang sarili ko at nagmamadaling lumabas ng silid.

"Kol.." Niyakap ko agad siya at ganon din siya akin. Kitang kita ko ang pagod sa mga mata niya.

"Sshhh..hush sweetheart." Masuyong sabi ni Kol sa akin. Kumawala ako sa pagkakayakap sa kanya.

"Where have you been?akala ko iniwan mo ako? Akala ko di kana babalik.." Napanguso ako ng biglang ngumiti si Kol.

"Babalikan kita Kath, alam mong parati akong babalik seyo.." Naupo kami sa rooftop ng building kung saan ako nagtatrabaho. Sa mga oras na iyon ay wala na akong pakialam kung hanapin ako. All I want now is Kol.

Two Lost Hearts (Completed)Where stories live. Discover now