ika- labing siyam

5.5K 159 3
                                    


Huminga ako ng malalim bago pumunta sa gawi nila Tricia. Masyado nang maingay ang gabi pati na rin sa gawi nila Troy. Nang matapat ako sa kanila ay bigla nalang akong ngitian ni Patrick at ininguso si Troy na ngaun ay may nakandong na babae habang sinisip sip ang asin na ibinudbod niya sa dibdib nito.

Bumilog ang kamao ko dahil sa inis na bumalot sa akin. Why is he doing this to me? Alam kong nasaktan siya, hindi ba niya kayang hintayin ang tamang panahon para sa amin? Or nag aasume lang ako na gusto pa din ako ni Troy? Na gusto pa din niya na magkaroon ng kami?

"Geez, so it's true, you're so back.." Salita ni Sunny sabay lakad palapit sa akin. I looked at them one by one. Nang mahinto ako sa mata ni Kenneth Shane ay bigla itong nag iwas. I know she's Troy's sister, pero mali naman yata na magalit siya sa akin. Una, hindi naman talaga naging kami. Ni hindi ko nga alam kung ano kami. We do flirting. Pero ala talagang kami. Why is she weird?

"Hello?" Tipid akong ngumiti habang hawak pa din ni Sunny ang palapulsuhan ko. Titig na titig sila sa akin kaya naman hindi ko maiwasan mailang.

"Welcome back, Katherine.." Unang tumayo si Tricia at tsaka mabilis akong niyakap. Nanliliit ako sa sarili ko sa bigla nalang pag iwan sa kanila.

"I hope you're fine.." Naramdaman ko ang sympatya sa boses niya kaya naman napapikit ako ng madiin. Does she know? I felt the warthm in her arms. She's the nicest talaga.

Kumawala ako sa yakap ni Tricia at ngumiti ng tipid sa kanya." Of course.." Lumakad ako papunta sa kanila. Hindi pa man ako nakakaupo ay bigla akong inabutan ni Maico ng isang baso ng beer.

"Bottoms up, Kath.." Kinindatan niya ako kaya bahagya akong napairap.

"Malandi ka talaga Maico.." Halos maibuga ko ang beer na iniinom ko ng batukan siya ni Sunny. Kamot ulo lang si Maico habang nakanguso. Hindi pa din nagbabago ang samahan ng dalawa, at naiingit ako sa kung ano man ang meron sila.

Tumabi ako kay Tricia at Enzo na parehong nakamata sa akin. Ang weird ng mag asawa nato.

"Excuse us.." Napatingin ako kay Kenneth Shane ng hatakin niya si Zion. Mabilis sila tumalikod at pumunta sa hindi ko din alam. Tumayo din si Sunny dahil tinawag siya ng isang staff, si Maico naman ay umalis para sundan ang asawa.

"So, the three of us left. Mind to tell us the truth, Katherine?" Mabilis ang tibok ng puso ko ng biglang nagsalita si Enzo ng seryoso. Napalingon pa nga kami sa gawi nila Troy ng biglang maghiyawan ang mga kababaihan. Para akong tinusok ng kung ano ng makita siya na ibobody shot yung babae kanina sa stage.

"He's like that simula umalis ka.." Panimula ni Tricia. Kinuha ko ulit ang isang shot at mabilis na linagok. Ngumiwi ako agad ng gumapang ang init nito sa lalamunan ko.

"So, mind to tell us the truth?" Ngumiti ako at umiling. Binabaling ko nga ang usapan sa iba pero eto ang mag asawa at pinipilit ako magsalita. I guess hindi ko naman talaga matatakasan ang totoo. I leave them without any words. They deserve an answer.

"Bakit bigla ka nawala? Bakit hindi ka nagpaalam?" Ramdam ko ang pag aalala sa boses ni Enzo. Magkahawak ang kamay nila Tricia habang nakatingin sa akin ng diretso.

"Nagka problema lang." Tipid na sagot ko sa kanila. They both looked at me na parang hindi kumbinsido sa sinasabi ko.

"Anong problema?" Patuloy na tanong ni Enzo. Bumababa ang tingin ko sa baso na hawak ko.

"Miggy passed away.. Kailangan niya ako pero nandito ako para punuan ang needs niya. When I stepped in at France, he's gone.." Halos pumiyok ako ng maalala ko ang tagpo na iyon. Tumayo si Tricia at lumapit sa akin sabay hawak sa kamay ko.

Two Lost Hearts (Completed)Where stories live. Discover now