ika-dalawamput tatlo

5.8K 176 2
                                    


"Ano ba ang relasyon niyong dalawa?"  Sabay kaming nasamid ni Troy dahil sa tanong ng matandang lalaki. Mabilis na inabot sa akin ni Seryo ang bao sa gilid na may lamang tubig. Tanghali na kasi ng makarating kami sa lugar nila. Nakilala namin si Apo Budin bilang pinakamatandang myembro ng tribo nila.

Hindi ko nga maiwasan na mamangha sa lugar nila. Alam mo yung may maliit na community sa loob ng bundok. Hindi sila moderno pero makikita mo na masaya ang pamumuhay nila dito. Si Seryo ang batang lalaki na alalay ni Apo Budin.

Mabilis akong lumagok ng tubig. Bahagya pa ngang natapon ang tubig dahil sa biglang pag agaw ni Troy doon at mabilis na uminom.

"Mag-asawa ba kayo?" Tanong ulit ni Apo. Nagkatinginan kami ni Troy. Hindi kasi ako makasagot dahil hindi ko naman alam kung ano ba talaga kami. Pakiramdam ko din ay hindi kami magkaibigan. So ano ba ang tamang salita para sabihin ko?

"Opo. Mag-asawa po kami." Lalo akong nasamid ng si Troy ang sumagot. Napatayo pa nga siya dahil halos hindi ako makahinga. Pakiramdam ko ay bumara ang tubig sa lalamunan ko.

"Kath, are you okay?" Kitang kita ko ang pag aalala sa mukha ni Troy habang hinihimas ang likod ko.

"Nakakatuwa naman pala kayong mag asawa, marahil ay bagong kasal kayo."  Ngumiti ako ng tipid kay Apo. Si Troy naman ay napahalakhak ng mahina kaya naman sinamaan ko siya ng tingin.

"Opo, mag hohoneymoon po sana kami sa Benguet." Sagot ulit ni Troy na tila ba ligayang ligaya sa pakikipag usap sa matanda.

"Ano yung honeymoon?" Litong tanong ni Apo. Bumaling ako kay Troy na malawak ang ngiti.

"Mag sisiping po, yung magtatalik." Biglang napahalakhak ang Apo pati na din ang iba namin kasabay kumain. Palihim kong tinapakan ang paa ni Troy kaya bahagya siyang ngumiwi. Napakabastos talaga!

"Ay ganoon ba? Nako Seryo, ibigay mo muna sa kanila ang kubo nila Amorao para doon nila ituloy ang kanilang honeymoon.." Nanlaki ang mata ko sa sinabi ni Apo. Si Troy ay humagalpak ng tawa habang ako ay napayuko dahil ramdam na ramdam ko ang pag iinit ng aking pisngi.

"I'm starting to enjoy talking to Apo.." Bulong sa akin ni Troy habang nakangisi. Kinurot ko siya sa tagiliran.

"Ang landi mo talaga! Dinala mo pa hanggang dito." Hindi pa din ako makatingin kay Troy. Alam na alam ko kasi na pulang pula ang pisngi ko sa sobrang hiya.

Tinulungan ko ang mga kababaihan sa pagliligpit ng pinagkainang mga bao. Nakakatuwa ang mga tao dito. Simple lang ang pamumuhay nila pero makikita mo na kuntento at masaya sila.

"Manang Kath-" napalingon ako sa isang batang babae na tila ba nahihiya sa akin. Lumapit ako sa kanya at ngumiti.

"Ate Kath nalang.." I tapped her head kaya mabilis siyang tumalikod at iniabot lang sa akin ang ilang piraso ng damit. 

Umupo ako sa isang malaking kahoy dito na malapit sa sapa. Bahagya palang naman kasi ang patak ng ulan. Napalingon ako ng makita ko si Troy na malakas ang pagtawa habang kasama sa sapa ang ilang bata. Napalunok agad ako dahil sa lantad na katawan niyan.

"Manong Troy, marunong kang gumuhit?" Halos matawa ako sa pagkunot ng noo ni Troy. Hindi niya siguro maintindihan ang lalim ng salita ng bata.

Hindi mawala ang ngiti ko sa scenario. I never see Troy this happy. I mean, iba kasi eh, kita mo sa kanya na masaya siya ngaun. Sa ilang buwan ko kasi sa kanila ay hindi ko siya nakita tumawa ng ganyan. Madalas lang makikita mo sa kanya ay ang pagsusungit niya. Well, isama muna ang pangmamanyak niya.

Napatingin sa akin si Troy. Nag iwas pa nga ako ng tingin ng sumeryoso ang mukha niya. Jusko! Ang puso ko na ilang buwan na nanahimik ay humahataw na naman ngaun. Tinaasan niya ako ng kilay tsaka nagbuhos ng tubig sa katawan. Umirap ako at lumapit sa kanya.

Two Lost Hearts (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon