ika- dalawamput lima

5.8K 168 1
                                    

"Tandaan mo ang sinabi ko iha.." Ngumiti sa akin si Apo habang pareho kaming nakatingin kay Troy na chinecheck ang makina ng sasakyan niya. Maayos na maayos na ang panahon. Nakabili na din ng gas para sa sasak nya.

"Mahal ko po siya Apo.." Nag iwas ako ng tingin kay Troy ng biglang kumunot ang noo nang mahuli niyang nakatingin ako sa kanya. Dammit! Yung bituka ko ay parang hinahalukay sa sobrang kaba na nadadama ko. We're okay now. We already have labels. Eeerr..

"Alam ko iha, sana ay makadalaw kayo dito kapag nakabuo na kayo ng sariling pamilya. Malugod ang aming pagtanggap kung makakabalik kayo." Nakangiti ang Apo kaya ngumiti din ako at tumango.

"We'll make sure of that, Apo." Napasinghap ako ng biglang lumitaw si Troy sa harap ko at nakangiti. Mabilis na tumango si Apo. Hinawakan ni Troy ang kamay ko kaya nag init na naman ang pisngi ko. Hindi pa din ako nasasanay sa mga actions niya. Pakiramdam ko ay bago pa din ang lahat sa amin dalawa.

Pumwesto kami ni Troy papasok sa sasakyan. Sabay kaming tumingin sa tribo na masayang nakatingin sa amin. May bahagi sa akin ang biglang nalungkot. Sa ilang araw namin pamamalagi dito ay napamahal na ako sa kanila. They were all good to us.

"They are here!!" Hindi pa man kami nakakalabas ni Troy ng sasakyan ay narinig ko na ang malakas na sigaw ni Kenneth Shane. Hindi ko alam kung may ano dito sa bahay nila Troy pero ang dami ko kasing napansin na nakaparada na sasakyan. 

"You okay?" Malambing na bumaling sa akin si Troy. Kitang kita ang pagod sa mga mata niya. Marahil siguro ay sa haba ng byahe namin.

"Very okay." Ngumisi siya at umiling sabay lumabas ng sasakyan. Huminga muna ako ng malalim. How can I tell tita about us? Naiisip ko palang ang saaabihin niya ay nakaramdam na ako ng libong kaba.

Lumabas na din ako sa sasakyan dahil mukhang naiinip na si Troy. Ngumisi pa nga ako dahil sa iritadong itsura niya. I missed that look. Ang gwapo niya kasi lalo kapag masungit siyang tignan. Though, he's not cold now.

Hinawakan ni Troy ang kamay ko. Bahagya ko pa nga itong binawi pero lalo lang niyang hinigpitan. Gusto kong magmura dahil doon. Para kasing may kung ano sa sikmura ko ang bumaligtad ng dumaan sa isip ko kung ano ang magiging reaksyon nila.

Mapanuring mata ni Kenneth Shane ang bumungad sa amin. Agad bumagsak ang mga mata niya sa kamay namin ni Troy na magkahawak. Lumingon pa nga ako kay Troy na seryoso lang at parang walang pakialam.

"You already got the girl?" Natigilan kaming lahat ng mabilis lumitaw si Patrick sa likod ni Kenneth Shane. Malaki ang ngisi niya sa aming dalawa. Ngaun ko lang napagtanto kung bakit hindi manlang nag alala si Troy nung nawala na sa harap namin ang sasakyan nila Patrick. Damn, planado pala niya lahat. Oh well, not the pagkaligaw part.

Humagalpak ng tawa si Patrick. Ngumisi nalang ako ng panay ang mura ni Troy sa kanya. Boys, sometimes hindi mo maintindihan.

"Congrats.." Yung seryosong mukha ni Kenneth Shane kanina ay wala na ngaun. The witty girl came back. Maharot niya akong nginisian. Alam kong mapulang mapula na ako ngaun dahil sa sobrang hiya at pagkailang.

"Finally." Yumakap siya ng mahigpit sa akin kaya nabitawan ni Troy ang kamay ko. "I'm officially welcoming you to the family." Kumunot ang noo ko dahil doon. Bahagya akong lumunok ng makarinig ako ng malakas na halakhakan mula sa loob ng bahay nila.

"Miss hot---" yayakap sana sa akin si Patrick ng bigla akong hilahin ni Troy. Napahagalpak kami ng tawa ni Kenneth Shane dahil sa pagnguso na ginawa ni Patrick.

"Damn men!why so possessive?" Umiiling na sabi ni Parick kay Troy.

"I'm not possessive, I'm just protecting her." Nagkibit balikat lang si Troy at hinila na ako papasok. Ang puso ko ay humahataw na naman dahil sa mga salita niya. Panay ang talak ni Patrick sa likod namin kaya natatawa nalang kami ni Kenneth Shane. Mukha kasi siyang tanga! Ala naman kasing pakialam si Troy sa lahat ng sinasabi niya.

Two Lost Hearts (Completed)Where stories live. Discover now