ika-sampu

6.5K 189 6
                                    


Sinama ako ni Troy sa The Crib. After nung nangyari kanina ay umalis na ulit kami sa lugar. Nagtext nalang ako kay Andi saying my sorry pero ala naman akong nakuhang reply sa kanya.

Pagpasok namin sa loob ay medyo madami ng tao. Umikot pa nga si Troy sa kabilang dulo habang hawak niya ang kamay ko.

"Breaking news.." sigaw ni Maico sa amin. Napayuko ako ng pumwesto si Troy sa harap nila Kenneth Shane na nakatingin sa amin or should I say sa kamay namin na magkahawak.

"Dito ka muna.. I have something to do.." bulong ni Troy sa akin. Dinig na dinig ko ang kantyaw nila sa amin pero parang ala lang kay Troy. Umirap ako kay Maico na panay ang putak sa amin.

" okay. ." Alanganin akong tumingin sa kanya. Masyado kasi ang mga mata niya. Nakakalunod.

"I'll be back Kath, wait for me." Ngumiti siya at hinalikan ako sa pisngi na ikinasigaw nilang lahat. Tumalikod na si Troy at pumunta sa isang crew niya at may sinabi na kung ano.

Hindi muna ako humarap sa kanila. Damang dama ko kasi ang pag iinit ng pisngi ko dahil sa ginawa ni Troy.

Huminga ako ng malalim at nagkunwaring seryoso sabay upo sa tabi ni Kenneth Shane. Lahat sila ay nakatingin sa akin at nakangiti lang ng nakakaloko.

"What's the thing between you and Troy, Kath?" Umpisang pang uusisa ni Sunny. My God! Thing? There's no thing between us. We're just urrghh-- I can't even answer myself kung ano talaga kami.

Tinignan ko lang si Sunny. Lahat sila ay napahalakhak sa itsura ko. Even me ay natatawa sa sarili ko.

"Ang pabebe mo Kath, highschool ba?" Ngumiwi si Maico sabay lagok ng alak sa harap niya. Umirap ako. Panay kasi ang tawa nila kahit ala namang nakakatawa.

Nang hindi ko sila sinasagot ay nabaling ang atensyon nila ng nagsimula nang tumugtog ang live bands. Mabuti naman.

Nagsimula ng magkaroon ng kanya kanyang mundo ang kasama ko kaya naman naiinip ako. Hindi pa din naman kasi bumabalik si Troy mula ng umalis siya kanina.

Tumawag ako ng waiter to order some drinks, alcoholic drinks to be exact. Tumayo muna sila Sunny at Tricia kasama ang mga kasama nila. Nagpustahan kasi sila na kakanta sa harap ang mag partners. Ang madaming palakpak ang panalo. Grabe sila diba? Trip nila 'yon eh. Bahala sila.

"Wait, are you going to drink?" Kumunot ang noo ni Kenneth Shane ng nakarating na sa harap ko ang waiter na tinawag ko. Is she serious about her question?

"Two shots of Bourbon.." ngumiti ako sa waiter. Nagtaka pa nga ako kasi inaaninag ng waiter ang mukha ko. Naagaw pa ng atensyon ko ang biglang pagtawa ni Kenneth Shane at Zion.

"Mam," nakatitig pa din ang waiter sa akin na tila ba may gusto sabihin na hindi ko malaman kung ano.

"What?" I am waiting for him to say something pero hindi siya nagsalita. Nagulat nalang ako ng biglang si Troy ang lumapit sa akin.

"You are Katherine Pierre right?" Ngumisi si Troy kaya naman napairap ako. Panay ang kantyaw ni Kenneth Shane pero hindi ko na ininda.

"What the hell.." inis na sagot ko kay Troy. Lalo siyang ngumisi sa akin kaya lalo akong nairita.

"You are banned to buy drinks Miss Katherine. Sorry for the inconvenience, but you cannot drink when you are at my sight."

Nalaglag ang panga ko. Literal. What happened?mabilis tumalikod si Troy at nagkibit balikat.

"Damn it! He's almost back." Natatawang sabi ni Zion habang umiiling. My God! Nakakairita pala.
Wala akong ginagawa kung hindi tumunganga lang dito dahil sa sobrang inip. Pakiramdam ko nga ay nainom ko na lahat ng klase ng drinks na mayroon dito. I mean, lahat ng klase ng juice. Urrgh! He is so unfair!

Two Lost Hearts (Completed)Where stories live. Discover now