ika-walo

6.4K 194 5
                                    


"Wala kabang pasok?" Tinignan ko si Troy na prenteng nakaupo sa sofa habang naglalaro na naman sa cellphone niya. Nakakainis! Mas madalas pa niyang hawak ang cellphone niya kesa tignan ako. Eh sana pala naging cellphone nalang ako.

"I'm on leave." Sagot niya pero hindi pa din ako tinitignan.

"Blah..blah.." padabog akong tumayo habang nakatingin pa din sa kanya. Ngumisi siya at bahagyang tumingin sa akin at tsaka bumalik ulit sa kung ano man ang ginagawa niya sa cellphone niya. Ika apat na araw na simula umalis ang mag asawa.

Bukas ay nandito na ang dalawa. Bigla akong nalungkot. Pakiramdam ko kasi ay nasanay na ako na kasama si Troy at mga bata. Talagang nababaliw na ako.

Isa pa, nakakainis si Troy.. malapit na talaga akong mahulog sa kalandian na pinag gagawa at pinagsasabi niya sa akin. Minsan nga naiisip ko na baka pinagtritripan niya lang ako or malandi lang talaga siya. Paano papakiligin ako tapos biglang parang wala lang ako sa kanya. Ang grabe niya diba?

Mag aalas nuebe na ng gabi pero pakiramdam ko ay inip na inip ako at ayaw pa dumalaw ng antok sa akin. Umakyat ako sa kwarto na gamit ko dito para magpalit ng two piece. Makaligo na nga lang sa pool. Tutal simula dumating ako dito ay hindi pa ako nakalubog doon ni minsan.

Mabilis akong lumabas ng silid. Sinadya ko talagang hindi magsuot ng kahit ano dahil ala naman ng tao. Tulog na ang lahat maliban sa amin ni Troy na apura naman ang paglalaro sa cellphone niya.

Ngumisi ako ng makababa ako ng hagdan. Nakita ko kasi ang pagtingin sa akin ni Troy. Ngumisi din ako ng mapansin ko ang pagkatulala niya.

"What the fuck.." rinig na rinig ko ang mahinang pagmumura niya. Oh, anu siya? Mas pipiliin pa din ba niya ang cellphone niya?

"What are you doing?" Umupo kasi  ako sa sopa na kaharap sa kanya. Napansin ko ang paghahabol niya ng hininga.

"Mag suswimming.."malaki ang ngiti ko sabay kindat sa kanya. Kunot noo ang lang tanging nasagot niya sa akin.

"Wearing that?"he arched his brow kaya nangingiti ako.

"Ano ba dapat soot ko?duh!" Hindi na siya nagsalita at binalik sa cellphone ang paningin niya. Waahh!grabe siya! After kong ilabas ang cleavage ko sa harap niya ala pa din? Isalaksak ko cellphone niya sa bunganga niya eh..

Padabog akong tumayo habang titig na titig pa din sa kanya. Ngumisi siya ng bahagya kaya umirap ako at padabog naglakad papunta sa pool.

Tumingin ako sa kalangitan at hindi ko mapigilan mamangha sa dami ng bituin. Huminga ako ng malalim ng dumaan sa isipan ko si Miggy. I hope he will be fine. Para naman sa kanya ang lahat ng ginagawa ko. For him to be ok.

Nagdive ako sa ilalim ng tubig. Mabilis gumapang ang lamig sa katawan ko kaya gumaan agad ang pakiramdam ko. Gosh! I can't remember the last time I felt this so relax.

Nilangoy ko ang magkabilang dulo ng hindi umaahon. Nang makalapit ako sa kapitan ay bigla akong nakalunok ng madaming tubig.

"What the hell?" Ngumisi si Troy sa akin tsaka siya mabilis lumundag sa tubig. Waahh.. nakalitaw na naman ang naghuhumiyaw na abs niya. Tapos nakaboardshorts lang siya. Humawak ako sa gilid habang pinapanood ang paglangoy niya. Damn. He's so good at swimming.

Nakatitig lang ako sa kanya habang lumalangoy siya pabalik sa akin.

"W-what are you doing?" Palapit kasi siya sa akin kaya eto na naman ang puso ko na apura ang pagwawala.

Lumapit siya sa akin at tsaka hinablot ang beywang ko. Napamura pa ako sa isip ng biglang dumaan ang libo libong boltahe ng kuryente sa katawan ko.

Ipinwesto niya ako sa harap niya habang nakayakap siya sa akin mula sa likod. Nanatili lang siyang nakatayo sa gilid. Habang ako ay parang nanigas dito.

"You looked cold. You need a hug." Bulong niya sa akin kaya nagtayuan na naman ang balahibo ko.

" have you fallen inlove?" Kumunot ang noo ko sa tanong niya. Seryoso kasi ang pagkakasabi niya.

"Yes.." mahinang sagot ko. Isa lang naman ang lalaking minahal ko ng sobra. Si Kol. Pero ganun talaga siguro. May mga bagay na hindi pwedeng maging seyo.

"Where is he?" Lalong kumunot ang noo ko.

"Why are you asking me?" Humiwalay siya sa akin at umahon. Iniabot niya ang kamay niya sa akin para tulungan akong umahon.

Nang makaahon kami ay mabilis niya akong inabutan ng robe kaya isinuot ko agad iyon. Pumunta siya sa gazebo at mabilis nagsindi ng sigarilyo. Umupo ako sa tabi niya habang tahimik siya sa paghitit ng sigarilyo.

"I want to know more about you Kath." Seryosong sabi niya sabay buga ng usok.

Napangiti ako dahil doon. God! He looks hot.

"I' m Katherine Pierre, twenty seven, single mom and still hot." Tumawa ako sa kanya. Napatingin siya sa akin. Napaayos ako dahil sa tingin niya. Grabe naman. Ang sungit niya talaga. Bipolar ba siya? Paiba iba kasi ang mood niya.

"Seryoso Kath.." napalunok ako. Ang seryoso niya. Yung parang gusto niya sumagot ako ng maayos kung hindi eh sasakalin niya ako.

"I'm a single mom, I lost my husband," natigilan ako sa husband thing ko. Gaya ng sabi ko hindi naman kami nabuhay na mag asawa ni Kol kahit ikinasal kami. Kol's family doesn't want me for their son. Isama mo pa na ginulo kami ni Tanya noon.

"Where is he?" Patuloy na tanong ni Troy habang seryoso ng nakatingin sa akin. Lumunok ako. Pakiramdam ko kasi ay may kung ano na bumara sa lalamunan ko.

"He's dead.." nag iwas ako ng tingin sa kanya.

"He saved Tricia.." napakunot ang noo niya. Kitang kita ko ang pag ngiti niya ng mapaet. Alam ko din naman kasi ang ginawa niya noon kila Tricia. Kaya nga siya nakulong diba? But I can't blame him. Kung si Kol nga binigay niya ang buhay niya kay Tricia. I wonder why these guys got crazy over Tricia. Ang swerte niya.

Nagulat ako mg tumayo si Troy ay lumapit sa akin. He hold my hand. Napatingin ako sa kanya. Seryoso siya kasi at nakatingin sa malayo.

"Tricia.. I used to love her.." ngumiti ulit siya habang umiiling. Nakikinig lang ako sa kanya. Hindi kasi akalain na maguusap kami ng ganito ni Troy.

" then what happened?" I asked curiously. Gusto ko kasi marinig ang part niya.

"Kinain ako ng feelings ko for her, I loved her to the point na kaya kong sumira ng buhay para sa kanya. I made a mistake na pinagbayaran ko sa mahabang panahon. I was selfish when I'm inlove Kath."

Tumingin siya sa akin.

"I lost myself so many times, that I don't know who I am anymore.."

Humawak siya ng mahigpit sa kamay ko. Yung hawak niya ay parang takot na ayaw akong pakawalan.

"I like you Kath, and it scares me.. I don't want to be the old me back then. I'm so damn scared."

Hindi ako makasalita. Nakakaiinis kasi palagi niya nalang akong binibigla. Gusto kong sabihin sa kanya na gusto ko siya. Pero bakit ala akong masabi? Pakiramdam ko ay may kung anong saya na nabuo sa pagkatao ko. Natatawa ako, simula kasi nagsama kami ni Troy sa bahay na ito ay puro landian ang nangyari sa amin. I never thought na aabot kami sa ganito. Besides hindi na din naman kami mga bata.

"I'm at point where I don't care if what people think of me anymore, if you like me too, then it's cool, if you don't," ramdam ko ang panginginig ng boses niya. "It's okay."

Tatayo sana si Troy ng bigla ko siyang hilahin at mabilis na hinalikan sa labi. Bahagya pa siyang nagulat pero hindi ko iyon pinansin. He kissed me back kaya naguumapaw ang init na nararamdaman ko. He is carresing my bare back while kissing me passionately. Humiwalay ako sa kanya at ngumiti.

"Je commence 'a  vous aime bien, Troy.."

Two Lost Hearts (Completed)Onde as histórias ganham vida. Descobre agora