tatlumput isa

5.6K 144 3
                                    


"Okay ka lang?" Ngumiti ako ng tipid kay Andi. He's always worried about me to the point ay minuminuto niya akong tinatanong. Of course, I'm fine. That's how it should be. Ala naman akong choice. Pinili ko kung ano man ako ngaun kaya dapat lang maging maayos ako.

"Okay, lang ako Andi.." Binalik ko ang paningin ko sa laptop na nasa harap ko ngaun. Maya maya lang ay nakaramdam ako ng hilo. Marahil ay sa sobrang pagod at stress.

True enough, Troy didn't bothered me anymore. Isang buwan na simula ng maghiwalay kami pero pakiramdam ko ay kanina lang iyon nangyari. Lumipat ako sa condo ni Enzo. Ayaw nga akong paalisin ni Troy sa condo niya at siya nalang daw ang aalis. No,hindi ko iyon tinanggap. Sobra sobra na ang ginawa ko para tanggapin pa iyon.

Pinipilit kong bumangon. But the pain haunted me. Lalo na pagnakikita ko si Troy. It pains me na kahit tignan ay di na niya ako magawang tignan. Bumalik na siya sa firm nila Zion. Siya ngaun ang nag susupervise ng renovation nitong main branch ng Sheperd. We continued our life like nothing heppened. Sumuko na din siya para sa amin. Minsan naiinis nga ako sa mga naiisip ko. Ako ang bumitaw pero sa huli ako pa rin pala ang nakakapit. I heard that Troy's  doing great. Masaya ako doon. Kahit papano ay nabawasan yung burden.

"Kath, ummmh.." Nakuha ni Andi ang atensyon ko ng tinawag niya ako. I look at him and waited to spill something na ilang araw ng bumabagabag sa kanya. Alam kong may problemang dinadala si Andi ngaun eh. I just don't know kung ano.

"What?are you gonna say it? Or are you gonna say it?" Natatawang ani ko sa kanya. Bahagyang kumunot ang noo ni Andi at tila nagdadalawang isip pa kung magsasalita or what.

"Ano??--" napahawak ako sa bibig ko ng bigla nalang nakaramdam ng pangangasim ng tyan ko.

"Are you okay?" Napatayo si Andi at mabilis na lumapit sa akin. Tinatantsya ko pa ang sarili ko kung ano ang gagawin ko. In the end ay mabilis akong napatayo.

"I'm going to puke." Pinadaan ako ni Andi. Mabilis akong tumakbo sa common cr sa labas dahil sira ang nasa loob ng office. Hawak ko pa din ang bibig ko habang mabilis ang lakad. Natigil pa ako saglit ng naabutan ko si Troy na may sout na matigas at kulay puting sumbrero habang may ipinapaliwanag ng kung ano. Nang nagtagpo ang paningin namin ay kumunot ang noo niya at tinignan ako. I instantly looked away at nagdiretso na sa banyo.

Naghilamos ako ng malamig na tubig at tsaka tinignan ang repleksyon ko sa salamin. What the hell is wrong with me? Alam na alam ko ang mga nangyayari sa akin. The last time I felt this is when I was pregnant with Miggy. Oh--

Napatakip ako ng bibig ko. This can't be. Dinukot ko ang cellphone ko para tignan ang sked ko ng menstration. God! Ang bilis ng tibok ng puso ko ng makita ko na delayed na ako ng tatlong linggo.

Paglabas ko ng cr ay naabutan ko si Troy sa labas na bigla naman pumasok sa loob ng cr ng panlalaki. Lalo akong kinabahan. What if? Umiling ako. It shouldn't be. Not because I don't want. Uuurrrrghhh! I need to confirm first.

Nang bumalik ako sa loob ng office ay mabilis akong dinaluhan ni Andi.

"Are you okay? You look pale.."

"I'm okay.." Mahinang sagot ko pero ang totoo ay sobra sobra ang kaba ko. Nagkibit balikat si Andi at nagpakawala ng malalim na buntong hininga.

"Ano nga ulit sasabihin mo?" Pinapakiramdaman ko pa din ang sarili ko. I feel umh- weak, and sleepy. Gosh! Pagod ka lang Kath. Kinuha ko ang orange juice sa gilid ko habang hinihintay magsalita si Andi.

"How can you know if the girl is pregnant?" Seryosong seryosong tanong niya kaya naman naibuga ko ang juice na iniinom ko. Ang puso ko ay mabilis na naman nagtambulan na hindi ko naman malaman kung bakit.

Two Lost Hearts (Completed)Where stories live. Discover now