ika-pito

6.5K 193 8
                                    

Bahagya akong gumalaw ng maramdaman ko na may mabigat na nakadagan sa akin. Ngumiwi pa nga ako ng maramdaman ko ang bahagyang kirot ng noo ko. Bumalikwas ako ng dahan dahan. Nagpigil ako ng hininga ng makita ko na si Troy ang nakayakap sa akin. Damn.

Hindi ko alam kung bakit hindi ko tinanggal ang kamay niya na nakayakap sa akin. Ang himbing himbing kasi ng tulog niya. Yung itsura niya pa parang ang bait bait.

Napaayos ako ng higa ng biglang dumiretso si Troy ng higa. Napapangiti pa ako sa itsura namin. We look like a newly wed couple. Gosh! Nanaginip ka pa din ba Kath?

Gustong gusto kong hawakan ang pisngi ni Troy. Para kasi siyang maamong bata na masarap alagaan.

"Staring is rude.." napaiwas ako ng tingin ng bigla siyang dumilat. Jusko! Hindi ko napansin na titig na titig na pala ako sa kanya.

"Bakit ikaw ang katabi ko?" Pag iiba ko ng usapan. Alam na alam ko kasi na namumula ako sa sobrang hiya. Hindi ko maiwasan tignan si Troy na halos hindi pa maidilat ang mga mata. Tapos ang gulo gulo pa ng buhok niya. Bakit gwapo pa sin siya kahit bagong gising? Where's justice?

Umayos siya at isinandal ang ulo sa headrest. Halatang halata pa sa kanya ang sobrang antok.

"Can't remember anything huh?" Ngumisi siya at niyakap ang sarili. Kumunot ang noo ko. Bwiset! Pag katapos niya ako pakiligin kagabi eh hindi na siya bumalik hanggang nakatulog na kami ni Zeta. And speaking of Zeta, asan siya?

"I was about to check on you and Zeta," napahinto siya saglit tsaka ngumisi na parang nakakaloko. Ako naman ay parang tangang naghihintay ng sasabihin niya

"And?" Sagot ko sa kanya. Humarap siya sa akin. I feel that I lost my self because of that. Grabe ang abong mga mata niya. It  doesn't look cold now. Ang daming emotion na pinapakita ng abong mata niya. Pero nangingibaw yung happiness doon. Anong nangyari sa kanya?

"You suddenly pulled me and hugged me tight, so I stayed.." nagkibit balikat siya at tumingin ulit sa akin. Damn. nagpakawala ako ng mahinang pagmumura kaya napahalakhak ako. Parang hindi ako makapaniwala na ginawa ko iyon.

"Pinagloloko mo ba ako?how can I do that, e tulog nga ako?" Umirap siya sa akin. Ay, ang sunget.

"Ask yourself then, ikaw kaya ang nanghila sa akin." ako naman ang umirap sa kanya. Kahit kasi masungit siya ay masaya siya. Ano namam nakain nito?

"Grabe ka! Edi sana umalis ka!" Ngumuso ako at akmang na tatayo ng bigla siyang dumukwang sa harap ko. Pinipigilan ko pa nga huminga dahil ang lapit lapit na niya sa akin. Yung labi niya na kulang nalang ay dumikit sa labi ko. Grabe siya. Palagi nalang akong binibigla.

"Why would I do that? Gusto ko naman." Awww.. ramdam na ramdam ko ang ang pagiinit ng pisngi ko.

"Ang landi mo." Umirap ako at tinulak siya kaya napahalakhak naman siya. My Goodness! Ano ba ang nakain ni Troy?bakit ang saya niya?

"Yes, malandi talaga ako." Lalo siyang napahalakhak kaya mabilis akong tumayo. Medyo natamaan ko pa nga si Zeta na nalaglag na pala sa kama. Jusko! di manlang binuhat yung pamangkin niya. Gagalawin ko sana si Zeta pero ngumiwi agad ang bata kaya hindi ko na ginawa. Baka kasi magising pa ito eh magwala na naman bigla.

"Ang saya mo din." Pinusod ko ang sabog sabog ko na buhok. Nailang pa nga ako kasi nakatitig lang si Troy.

"Ofcourse, happy moments are sweeter when kept in private."

"Bahala ka nga!"

Tumalikod ako at tuluyan ng lumabas. Nang makalabas ako ay hindi ko mapigilan lumawak ang ngiti. Hindi ko alam kung seryoso ba siya sa mga pagpapakilig sa akin. Pero, kinikilig talaga ako. At kung naglalandi lang siya. Magpapalandi nalang ako. Hays! Nababaliw kana Katherine.

Pumunta ako sa kusina para magluto ng almusal. Kahit naman may kasambahay si Kenneth Shane ay mas gusto ko pa din na ako ang magsilbi sa kanila. Grabe Katherine, feel na feel mo naman.

Isinuot ko ang apron, nagsimula akong tumingin ng maluluto sa pantry. Medyo napapakanta pa nga ako dahil maganda ang mood ko ngaun. Honestly, nabawasan ang stress ko dala ng trabaho.

Nang makaluto ako ay pinatawag ko sa kasambahay sila Troy para kumain na nang almusal.

"Mam, ayaw po tumayo ni sir Troy, kayo daw po ang magdala ng pagkain niya." Napayuko ang kasambahay pag kasabi noon.

"Tita Kath, is tito Troy's ok?" Mabilis na sagot ni Zeta habang puno ng gatas ang kanyang bibig. I looked at Kreon na busy na naman sa cellphone niya.

"I don't know baby, I'll just check him.." tumango lang si Zeta sa akin at nagpatuloy kumain. Alanganin pang tumingin sa akin s Kreon, marahil ay natatakot dahil nakita ko siyang nagcecellphone habang kumakain. That's the first on the list ng dont's ni KS. Well, di naman niya malalaman.

"It's ok Kreon.." kumindat ako sa kanya kaya nakita ko ang malalim na buntong hininga niya.

"Cool..thanks tita.." ngumiti ako sa kanya. Tumuloy ako sa kitchen at hinanda ang pagkain ni Troy. Ang arte! Pag talaga nalaman ko na niloloko ako nun ipapasubo ko sa kanya itong isang jumbo hotdog! Walang nguyaan ah.

Nang makarating ako sa kwarto ay huminga ako ng malalim. Pinagwalang bahala ko nalang na suot ko pa din yung apron. Inamoy amoy ko pa nga ang sarili ko.

Pag pasok ko ay napakunot ang noo ko ng makita ko si Troy na naglalaro at apura ang halakhak. Parang bata. Ano nga kaya ang nangyari sa kanya at masayang masaya siya? Ni hind niya nga naramdaman ang presensya ng pagdating ko.

"Masama pakiramdam mo?" Natigil siya sa kung ano man ang nilalaro niya ng makita niya ako. Kumunot ang noo ko ng ngumisi siya.

"Were you worried?" Nakangisi pa din siya at nag indian seat sa kama. Hindi ko inakala na may ganitong side pala ang taong yelo na ito. And it's cute..

"Nagpapacute kaba?"

"Hindi, nilalandi kita.."

Humalakhak na naman siya kaya medyo nainis ako! Kahit ang totoo ay halos sumabog na ang dibdib ko sa bilis ng tibok ng puso ko.

Hindi ko mapigilan tumakbo at umibabaw sa kanya. Hinablot ko ang damit niya kaya kitang kita ko ang pagkagulat sa mukha niya.


"Siguraduhin mo lang na sasapuhin mo ako kapag nahulog ako sa kalandian mo!!"

Ngumisi siya siya at tinitigan ako nang seryoso.

"Wag kang mag alala, bago ka mahulog nasa baba na ako para sapuhin ka."

Two Lost Hearts (Completed)Where stories live. Discover now