tatlumput' lima

7.3K 163 7
                                    

"Kenneth Shane.. Do you know where is your brother?" Pinuntahan ko si Kenneth sa hospital nila na malapit lang sa ospital na pinang galingan ko. Takang taka si Kenneth Shane habang nakatingin sa akin. Saglit siyang nag paalam sa pasyente na kausap niya tsaka lumakad papunta sa akin. I felt that I needed to see him now. We need to talk. I know the feeling of being betrayed. I know that he needs me now.

"What happened to you?" Nilapitan niya ako at kitang kita ko ang pag aalala sa mga mata niya. "Are you okay?" Tumango lang ako sa kanya.

"Do you know where is he?" Ulit ko sa tanong ko. Pakiramdam ko ay hindi matatahimik ang kaluluwa ko kapag hindi kami nag kausap ngaun. He's going to be a father.. At this time, totoo na.

"Wait, I just call him.." Sagot niya. Nasapo ko ang noo ko ng sinabi niya iyon. How stupid of me para hindi maisip iyon. Ang tanong, kaya ko ba? Lumunok ako ng bahagya dahil pakiramdam ko ay umiikot na naman ang sikmura ko sa excitement na nadadama ko. This time hindi na kami maghihiwalay pa.

Nang matapos si Kenneth Shane makipag usap sa cellphone niya ay bigla akong kinabahan. Seryoso kasi siya masyado at bumaling sa akin na nakakunot ang noo.

"Why do you want to see, Troy?" Bigla akong kinabahan sa tanong ni Kenneth Shane. Do I have to tell her? Well, malalaman din naman niya ang totoo so better say it now.

"Coz' I want him back." Nangilid ang luha ko. I want him back pero ang tanong, he want me back ba? Sa dami ng sakit na binigay ko sa kanya. Sa dami ng beses na iniwanan ko siya, babalikan paba niya ako? Mababawi ko paba siya?

Nakita ko ang pagsilay ng ngiti sa mukha ni Kenneth Shane. "Ahuh," tumango siya ng bahagya at bigla nalang akong niyakap. "Take him back, and this time, keep him. Love him like you own him, and tell him that you're having his child.." Natigilan ako sa huling sinabi ni Kenneth Shane. Napasinghap pa ako ng hawakan niya ang tiyan ko.

"He maybe cold at asshole at times, but when he fall inlove, he love hard. Take him back  so he can have the family that he ever wanted." Sagot ni Kenneth Shane, somehow naalala ko si Patrick sa kanya.

Naiiyak ako sa mga sinabi ni Kenneth Shane. So all this time alam nila na buntis ako? Alam din ni Troy? Kaya ba weird sila? Siya kaya ang nagpadala ng juice sa akin kanina? Urrghh! Bakit ba iyan ang naiisip ko ngaun. I need to find him. As in now.

"Get him Kath, he's at the airport. He's leaving.." Natigilan ako sa sinabi ni Kenneth Shane. Leaving? Saan siya pupunta? Bakit iiwanan niya ako?

"Go!" Hindi ako nakasagot sa salita ni Kenneth Shane. Yumakap nalang ako sa kanya at mabilis lumabas ng ospital. As I am waiting for a cab ay nakakita ako ng bata na nagtitinda ng kung anik anik na accesories sa gilid.

"Bata, magkano ito?" Kumuha ako ng isang sing sing na plastic na kulay itim. I don't have time para mag shopping pa. This will do for the mean time.

"10 pesos po ate." Sagot ng bata. Naglabas ako ng 100 pesos and handed it to the kid.

Panay ang mura ko sa isip ng ma stuck ako sa traffic! Panay pa ang tingin ko sa wrist watch ko. 5:00 ang flight ni Troy. And God knows where is he going. Kahit si Kenneth Shane kasi hindi din alam.

"Kuya, matagal paba?" Panay ang tanong ko sa driver na mukhang naiirita na sa kulit ko. I don't mind. Kailangan kong mahabol si Troy.

"Ma'am, konti nalang po, traffic talaga eh.." Tumingin ulit ako sa wrist watch ko. It's 4:20 kaya medyo nataranta ako. Nang makita ko ang bukana ng departure area ng terminal two ay bumaba nalang ako sa taxi para maglakad nalang. Pakiramdam ko kasi ay mabilis pa akong makakarating doon pag nilakad ko nalang. Syempre, dahil sa kundisyon ko ay may bahagyang ingat pa din ako. I can't lose my baby.

Two Lost Hearts (Completed)حيث تعيش القصص. اكتشف الآن