ika- anim

7.4K 208 6
                                    

Isang buwan na ang lumipas ng magsimula na ang pag gawa ng mall sa BGC. Minsan nga ay naiisip ko kung taong robot ba si Troy. Kung nakakapag pahinga paba siya sa mga ginagawa niya? Engineer sa umaga at bar owner sa gabi. San kapa?

"Katherine are you going to site?" Ngumiti ako kay Andi at umiling. Ok naman na ang mga tao doon. Ang totoo nga ay pang-gulo lang ako doon. Kaya nga madalas ay sungitan ako at hilahin ni Troy dahil naiistorbo daw ang trabaho ng mga tao doon. Muntanga! Wala naman ako ginagawa.

"No, mag leleave ako ng one week.." Halos mapatayo si Andi dahil sa gulat. Ako naman ay natatawa dahil sa itsura niya. Minsan ang OA din nitong si Andi.

Aalis kasi si Zion at si Kenneth Shane papuntang Singapore for some matters. Wala naman sila mapagkatiwalaan kay Kreon at Zeta kaya ako ang nagprisinta. Ok naman din kila Enzo dahil simula pumasok ako dito ay ngaun lang ako humingi ng pahinga. Ang tanong, mapapahinga ba talaga ako?

"What?wait paano ang trabaho mo? My God Katherine, you know you can't leave.." nangingiti ako habang diretso pa din ang salita ni Andi. Pasimple kong kinuha ang bag ko at tumayo.

"Bye, Andi! See you soon.."

"I hate you Katherine.."

"That's fine, I still love you Andi.."

Tumalikod ako ng napansin ko ang pamumula ng pisngi ni Andi. Ke landing lalaki.. Tumingin ako sa wrist watch ko habang nakasakay ako sa lift. Mag aala tres palang naman. Meroon pa akong sapat na oras para pumunta kila Kenneth Shane. Madami daw siya ibibilin na do's and dont's. Grabe lang diba? Marunong kaya ako mag alaga ng bata.

Nakarating ako sa mansion ni Zion ng bandang mag aalas singko na. Grabe ang trapik sa Pilipinas! ala na talagang lunas.

Kumunot ang noo ko ng makita ko ang isang pulang sasakyan na nakapark malapit sa garden, kay Troy to ah? I just shrugged, maybe magpapaalam lang din si Kenneth Shane sa kanya. Nasa France din yata ang parents ni Kenneth Shane.

"Katherine.." napairap ako ng biglang tumakbo sa akin si Kenneth Shane. Lumapit siya sa akin sabay beso sa aking pisngi. Grabe lang talaga siya.

"Hi tita Katherine.." ngumiti ako kay Zeta and patted her head. How can be this kid looks like a goddess at her young age? Ang galing nila gumawa ng bata. Sana paglaki ni Miggy si Zeta ang makatuluyan niya. Ay ano ba sinasabi ko?

Pagpasok namin sa loob ay nakasalubong ko si Zion dala ang luggage nila. Tumango lang sa akin si Zion kaya ganoon din ang ginawa ko sa kanya. Hindi naman talaga palasalita si Zion.

Pag dating namin sa dinning ay natigilan ako.

"Are you okay?" Napansin siguro iyon ni Kenneth Shane. Nakita ko kasi si Troy na humahalkhak habang kausap si Kreon na may tinitignan sa cellphone nila na kung ano.

Halos magtago ako ng biglang tumayo si Troy at Kreon sabay lapit sa akin. I got stiffened dahil naguunahan sila.

"Don't move.." napanganga ako ng bigla lumapit si Troy sa akin sabay tapat ng cellphone niya.

"Gotcha!" Halos habulin ko ang hininga ko ng tumingin sa akin si Troy habang nakangisi.

"Ang daya! Tito Troy, got Snorlax.." natatawang bumaling si Troy kay Kreon kaya pakiramdam ko ay nakahinga ako ng maluwag. What the hell? Who's Snorlax?

Napansin siguro ni Kenneth Shane ang pagtataka ko kaya bahagya siyang natawa.

"Don't mind them, they're just playing urrgh! I don't know the name.." napahalakhak siya kaya bahagya akong napatango. Bumalik sa dinning si Troy at Kreon. Apura pa nga ang daldal ni Kreon pero tawa lang ang sagot ni Troy.

Two Lost Hearts (Completed)Where stories live. Discover now