ika- dalawamput apat

6.2K 176 9
                                    

"Magandang umaga sa inyo." Lumabas ako ng kubol pag kagising ko. Medyo nag alala kasi ako ng wala si Troy sa tabi ko pagkagising ko. Hindi ko maiwasan ang maging masaya sa nangyari sa amin dalawa. Fuck! Ang sarap pala sa pakiramdam ng malaman mo na may pag asa pang maging kayo.

"Aba, ang ganda yata ng ngiti mo iha? Tagumpay ba ang unang gabi?" Malaking ngisi na Apo at tila ba sinuri ang bawat kilos ko. Bahagya akong napayuko dahil alam kong namumula ang pisngi ko. Hindi ako sumagot sa sinabi ni Apo, lumingon lingon lang ako para hanapin kung nasaan si Troy.

"Manang, eto po." Kumunot ang noo ko kay Seryo na may bit bit na dalawang bao na puno ng pagkain.

"Okay lang ako Seryo, sana di kana nag abala pa." Ngumiti ako sa kanya at tinanggap ang dalawang bao na dala niya. Napakamot ng ulo si Seryo.

"Nako manang, hindi po sa akin galing ang mga yan."

"Kanino?"

"Kay manong Troy po.." Bahagyang namula ang pisngi ni Seryo kaya medyo napangisi ako. Mabilis siyang tumalikod at pumunta sa kung saan.

Umupo ako sa malaking kahoy na upuan sa gilid at sinimulan kumain. Medyo nag tataka nga ako dahil walang masyado taong sa labas na very un usual. Wala na kasing ulan at medyo pasikat na ang araw. Bakit alang tao dito? Nilibot ko ulit ang paningin ko. May kung anong nalungkot pa ngang bumalot sa akin ng makita ang ibang bahay na medyo nasalanta ng ulan.

Pagkatapos kong kumain ay niligpit ko ang ibang kalat sa paligid. Hindi ko pa din maintindihan kung bakit ako lang ang tao dito. Biglang nagtayuan ang balihibo ko. Somehow, there's a feeling suddenly creeps me out. Iba pala talaga kapag napunta ka sa ibang lugar na malayo sa nakasanayan mo.

Naglakad lakad ako. Nakarinig ako ng malakas na hiyawan ng mga bata kaya sinundan ko nalang iyon.

"Marunong pala gumawa ng bahay si Manong Troy.." Sigaw ng malilit na bata. I felt saddened when I saw their smile. They remind me of Miggy. Huminga ako ng malalim. However, I'm okay now, though.

Lumakad ako papalapit sa kanila. Hindi nga nila napansin ang presensya ko dahil tutok na tutok sila kay Troy na inaayos ang kabilang bahagi ng isang kubol na medyo malaki ang nasira. I smiled. I feel there's something new to him. His aura brighten up my day. The cold look of him was gone.

Nakahubad si Troy habang kinukumpuni ang isang bahagi ng bahay. Hindi ako lumakad o gumawa ng kahit anong ingay. Nakatayo lang ako dito habang nakangiti sa kanya.

"Maswerte ang babae na mamahalin niya." Napasinghap ako ng may magsalita sa likod ko. Lumingon ako kay Apo Budin na serysong tumabi sa akin. I wonder kung bakit ang lakas lakas pa din niya tignan sa kabila ng matanda niyang edad.

"Nakikita ko sa bata na iyan na puro siya kung magmahal. Mayroon siyang malamig na bahagi ng matagpuan namin kayo. Ang lalaki na yan ay dumanas ng masasakit na bagay, hindi mo makakaila yan sa kanya. Pero kitang ko sa kanya na binubuo niya ang sarili niya mula sa pagkakaligaw."

Seryosong ani ni Apo. Natahimik ako. Is he what? Manghuhula? Tumingin sa akin ang matanda. Something in his eyes ay nahahabag sa akin. Naguluhan ako bigla. Bakit ganoon ang tingin niya sa akin?

"Pareho kayo ng pinagdaanan kaya pinagtagpo kayo ni Ala, lakas niyo ang isa't isa. Naniniwala ako na ang bawat isa sa inyo ay ang daan mula sa pagkakaligaw. Mahalin mo siya iha, kagaya ng sobrang pagmamahal niya sa iyo."

Hindi ko alam kung ano ang sinasabi ni Apo. Tinapik niya ang balikat ko kaya marahan akong ngumiti sa kanya. Something inside me bothers a lot. Sa lalim ni ng sinabi ni Apo ay hindi ko masyadong masundan, ang tanging naintindihan ko lang ay sobrang pagmamahal sa akin ni Troy.

Two Lost Hearts (Completed)Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu