ika-labing dalawa

6.2K 186 5
                                    


Sabi nila kapag may problema ka, gawin mo yung mga bagay na nagpapasaya seyo. Bakit ako parang walang karapatan sumaya kahit gustuhin ko?

Nagpunas ako ng pawis pagkatapos kong linisin ang buong pad ko. Pakiramdam ko ay pagod na pagod ako sa dami ng ginawa ko. Nitong mga nakaraang araw kasi ay naiisip ko si Miggy kaya dinadaan ko nalang sa ibang bagay.

Napatingin ako sa orasan ng biglang kumalam ang sikmura ko. Mag aalas onse na pala ng tanghali pero wala pa din ako naluluto na kahit ano. Nagdecide nalang ako na maligo muna at sa labas nalang kumain.

Pagkatapos ng mahabang ritual ko ay mabilis kong dinampot ang bag ko at susi ng sasakyan. Pagkabukas ko ng knob ay halos mapatalon ako ng makita ko si Troy sa labas ng unit ko.

"Have you eaten?" His smile was genuine. Yung kitang kita mo na masaya ang aura niya. I smiled at him.  Sa ilang buwan namin magkasama ni Troy ay palagi pa din ako nabibigla sa kanya. Hello? Madalas naman siya humawak ng phone, pero kahit minsan ay hindi yan nag abiso sa akin. Magugulat ka nalang na nandyan na siya sa harap mo.

"Kakain palang." Kumunot ang noo niya sa akin at titinitigan ako na parang bang sinusuri ako. I can't help not to rolled my eyes.

"Okay, then.." hindi ko maiwasan mag init ang pisngi ng bigla niyang hawakan ang kamay ko at isinabay sa paglabas ng pad ko. Troy maybe possessive and bipolar at times, but I'm telling you all that he's the sweetest. Yung tipong ipinagmamalaki ka niya kahit kanino. Ay, I over think na naman.. ala naman kasing kami. No label.

Nang makasakay kami sa sasakyan niya ay may namuong katahimikan. Hindi ko naman kasi alam ang sasabihin ko. The night na umiyak ako sa kanya ay hindi na siya natahimik kakatanong sa dahilan kung bakit umiyak ako. I can't tell him. Una, problema ko iyon. Pangalawa, hindi naman niya dapat problemahin iyon dahil ala naman kami.

"Are you free this afternoon, Kath?" Biglang sabi ni Troy habang diretso pa din ang tingin sa daan.

"Why?" Napatingin ako sa kanya. Lumiko si Troy sa isang super market. At mabilis pinarada ang sasakyan niya.

"May pupuntahan tayo.." walang sabi ay hinatak na naman niya ako kaya ako naman ay nagpahatak na lang. Pagpasok namin sa loob ay mabilis siyang pumwesto sa isang food stand at bumili ng makakain ko.

"Kumakain kaba nito?" Halos matawa ako sa kanya. Tanungin ba ako eh nabili na niya.

"Ofcourse, I love shawarma.."
Ngumiti ako sa kanya. Ni hindi pa ako nakakakagat ay hinila na naman niya ako papasok ng super market. Napapairap pa nga ako. Grabe naman kasi, gutom na gutom na kaya ako. Tapos hindi manlang niya ako hinayaan kumagat?

Kumuha si Troy ng cart habang hawak pa din niya ang isang kamay ko. Naiilang pa nga ako dahil madaming tao ang nakatingin sa amin. Masyadong clingy si Troy, though gusto ko naman. Pakiramdam ko kasi ay takot siyang mawala ako o maagaw ng iba. O diba? Alang kami pero ang naiisip ko parang kami na.. si Troy lang ang makakapagparamdam sa iyo ng ganyan.

Minsan nga natatakot na ako. Baka kasi isang araw ay mawala nalang lahat ng kung ano man ang meron kami ngaun. Natatakot ako na baka hindi naman ako deserving para sa lahat ng ginagawa niya. Natatakot akong masaktan niya ako.. Pero mas takot ako na masaktan ko siya. He deserves more.. At lahat gagawin ko para iparamdam sa kanya iyon.

"Can you let my hand free?" Tumingin sa akin si Troy at kumunot ang noo. Gosh!napatawa nalang ako. Grabe naman akala mo naman sinabi ko sa kanya na maghiwalay na kami ng landas.

"Why?" Nagpatuloy siya sa paglalakad nang hindi binibitawan ang kamay ko.

"Paano ako kakain?" Ngumuso ako sa kanya. Tumingin pa nga ako sa hawak kong shawarma na kanina ko pa gustong lapangin.

Two Lost Hearts (Completed)Where stories live. Discover now