tatlumput dalawa

6.1K 146 5
                                    

"See you at the OB tomorrow." Tumango nalang ako kay Andi. Samahan ko daw siya bukas sa OB kasama ang girl na sinasabi niya. Ang arte ayaw pang sabihin kung sino. As if naman kilala ko. I thought Vina and Andi will end up together. Nalaman ko nalang na wala na pala si Vina dito.

Tumingin ako sa wrist watch ko sabayan ng matinding paghikab at pag inat ng katawan. Maybe I need to exercise. Siguro dahil lang sa pagmumukmok ko sa kwarto kaya ko nararamdaman itong weird na nararamdaman ko.
Or takot ka lang malaman ang totoo?

Hays..

Niligpit ko ang mga papeles dito na naka kalat at pinatay ang laptop ko. Sinigurado kong nakaligpit ang lahat bago ko pinatay ang ilaw at lumabas.

"Hi!!!!" Napasinghap ako bigla. Napahawak pa nga ako sa dibdib ko dahil sa sobrang gulat.

"What the hell, Tricia?!" Malaki ang ngiti ni Tricia habang nakatingin sa akin. Ganon din si Enzo na nasa likuran niya.

"What are you doing here?" Inilock ko ang office at sinabayan silang naglakad. Napanguso si Tricia sa akin sabay kapit sa braso ko.

"Galing kami kila mommy e, ayain ka sana namin sa The Crib." Tumigil kami sa tapat ng lift. Si Enzo ay pinindot ang down arrow habang si Tricia ay naghihintay pa din ng sagot ko. Medyo nagdadalawang isip kasi ako pumunta don. What if nandon si Troy? Eeerr.. Why am I still bitter?
Okay na naman siya. Kinausap pa nga niya ako kahapon eh.

Take care, Kath..

Three fucking words! Pero naghurementado ako ng husto. Siguro kailangan ko na nga din na masanay na magkasama kami sa paligid. Maliit ang mundo namin ni Troy. And I don't think maiiwasan na magkita kami.

"Huy!" Natigilan ako sa mga magulong naiisip ko ng bigla akong sikuhin ni Tricia. Tumango nalang ako sa kanya kaya naman pumalakpak siya. I wish my life could be happy and peaceful like Tricia has.

Nang makarating kami sa tapat ng The Crib ay bumalot agad ang maingay na musika. Maraming kabataan ang nag kakagulo sa labas na hindi mo malaman. Napatakip pa ako ng ilong ng may nadaanan kaming grupo ng kalalakihan na akala mo humihitit ng katol kung makabuga ng usok. Kids at their age. Kung ako ang nanay nila! Kukurutin ko sila sa singit isa isa.

"Katherine!!" Pagpasok namin ay medyo wala pang tao. Maaga pa naman kasi para magkagulo dito. Napairap ako kay Sunny sa lakas ng sigaw niya sa akin. Halos ilang pulgada lang ang layo namin pero makatawag akala mo nasa ibang mundo ako.

"I missed you girl." Ngumiti nalang ako kahit nakaramdam ako ng iritasyon sa ingay ni Sunny. Seriously Kath? What the fuck? "Parang tumaba ka.." Pahabol niya kaya nakaramdam ako ng pag kailang. Totoo ba? Pakiramdam ko nga din ay tumaba ako. Hindi naman ako mahilig kumain pero lagi akong nakaktulog sa office.

"Seriously Sunny? Is that the way you say you missed me so much?" Hindi ko mapigilan ang iritasyon sa akin. At hindi ko din alam kung bakit ako naiirita!

"Totoo naman Kath, your boobs is more bigger  now.." Napayuko ako ng biglang lumabas si Maico na hindi ko alam kung saan galing. Ramdam ko ang pag akyat ng dugo sa mukha ko. Natawa naman si Enzo at Tricia nang batukan at paghahampasin ni Sunny si Maico.

Umupo ako habang lahat sila ay nakatayo pa din. Pakiramdam ko ay hapong hapo ako kahit ala naman ako masyadong ginawa. Literal na tumahimik si Maico at Sunny ng may tumikhim sa likuran ko. Agad akong napaayos ng upo at di malaman kung hihinga ba o ano.

Natatawang nag peace sign si Maico sa likuran ko kaya napakunot ang noo ko.

"Hi Kath.." Tumingala ako ay nakita ko si Kenneth Shane na malaki ang ngiti sa akin habang katabi si Troy na nakakunot ang noo at malamig na nakatingin sa akin. Nang makita niyang nakatingin ako ay mabilis siyang nag iwas ng tingin.

Two Lost Hearts (Completed)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang