ika- dalawampu

5.7K 174 1
                                    


Napahawak ako sa ulo ko ng makaramdam ako ng bahagyang kirot. Fuck that alcohol! Unti unti  akong dumilat dahil nakarinig ako ng ingay sa labas. May ano? Simula kasi ng tumira ako dito ay wala kang ingay na maririnig maliban nalang kung nandito si Troy at si Patrick.

"Good morning Kath.." Nanlaki ang mga mata ko ng makita ko si Patrick sa sala na may ginagawa na kung ano. Kumunot pa ang noo ko ng makita mo ang paligid na madaming decoration. What is happening?

"May ano?" Takang tanong ko kay Patrick. Halatang halata sa kanya na nagulat siya sa tanong ko. Tumayo siya at tinignan ako ako ng nakakaloko.

"Seryoso?hindi mo alam?" Napasinghap ako ng bigla niyang pitikin ang noo ko. Muntanga! Itatanong ko ba naman kung alam ko?

"Ano nga?"

"It's Troy's birthday.." Napanganga ako sa sinabi niya. Bakit hindi ko alam? Bakit wala akong alam? Umupo ako sa gilid at nagmuni muni. Ngaun din kasi ang death anniversary ni Miggy. At ngaun din yung araw na iniwan ko si Troy. So it means birthday niya nung iniwan ko siya ng bigla bigla?

Nanghihina akong pumasok sa kitchen para uminom ng tubig. Nang matapos ako ay naisipan ko mag bake nang cake para sana ibigay sa kanya mamaya.

"I said I don't want to celebrate! I fucking hate this day!" Napasinghap ako ng may marinig ako na sigawan mula sa labas. Lumakad ako palapit sa pinto at bahagyang idinikit ang tainga ko sa pinto. Sa maliit na butas doon ay nakita ko si Troy kasama ang mommy nila at si Kenneth Shane.

"But we invited our family and friends, kuya." Sagot ni Kenneth Shane sa kanya.

"Kayo ang nagdecision nyan. Bahala kayo dyan!" Matigas na salita ni Troy at nagdiretso akyat sa kwarto niya. He hate this day. Did I did this to him? Nakakatawa lang na lahat ng tao ay birthday ang iniintay na okasyon samantalang siya ay parang baliw na ayaw ng araw na ito. Sabagay, kahit ako naman ay ayoko ng araw na ito.

Pinagpatuloy ko ang ginagawa ko. Hindi ko alam kung mapapagaan nito ang loob niya pero gagawin ko pa din. Kabit manlang sana sa ganitong paraan ay maramdaman niya how sorry I am.

Natapos ako sa cake ko at masayang ipinasok sa ref. Lumabas na ako sa kitchen para sana tumulong sa kanila sa kung ano pa ang dapat gawin. Simple lang ang birthday pero naging special kasi mga taong malapit talaga sa kanya ang umasikaso.

"Tapos naba? Is everything okay?" Napatingin ako kay Kenneth Shane na sobrang stress ang itsura. Hindi niya malaman kung ano ang uunahin niya. Nang makalapit siya sa akin ay bahagya siyang natigilan at ngumiti ng tipid. Ngumiti nalang din ako at pinagpatuloy ko ang pagbuhol ng mga lobo na ilalagay ko sa pool. Nang matapos ako ay ngumiti ako at isa isang binalibag sa pool ang lobo. Pakiramdam ko ay para akong bata na na naglalaro.

"Miss hot, enjoy na enjoy ka ah?" Natigil ako ng magsalita si Patrick na ngaun ay kasama si Troy at nakahalukipkip. Nag iwas ako agad ng tingin ng mapansin ko ang malamig na titig niya sa akin.

"Hindi naman, natuwa lang ako.." Iniligpit ko ang kalat ng ginawa ko at bumaling sa kanila. Ngumisi ng nakakaloko si Patrick at ininguso si Troy kaya naman napairap ako.

"Ang sexy mo pala matuwa.." Taas baba ang kilay ni Patrick kaya naman bahagya akong napangiti at umiling.

"Tabi nga!" Tinabig ni Troy si Patrick at nilagpasan. Si Patrick naman ay panay ang akma sa likod ni Troy kaya hindi ko maiwasan mapahalakhak ng mahina.

"May nakakatawa?" Napaseryoso ako ng tayo ng biglang lumapit si Troy sa akin. The usual, ang lamig lamig ng tingin niya sa akin. Umiling ako kaya naman dumiretso ulit siya ng lakad ang nilagpasan ako.

Pagkalagpas na pagkalagpas niya ay bigla akong napabuntong hininga.

"Ang sungit non." Natatawang lumapit sa akin si Patrick sabay kuha sa mga kamay ko ng mga kalat na pinulot ko. Bahagya niyang nahawakan ang kamay ko kaya pareho kaming natigilan.

Two Lost Hearts (Completed)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora