tatlumput apat

6.3K 158 1
                                    


Unti unti kong dinilat ang mga mata ko. Bahagya pa akong napapapikit dahil sa puting liwanag na sumalubong sa akin. Nakaramdam ako ng kaonting panghihina pero hindi na katulad kanina.

"You okay?ano nararamdaman mo? May masakit ba?" Napangiwi ako ng bahagya akong gumalaw. Dahan dahan akong umupo habang tinutulungan ni Andi at dahan dahan niyang isinandal ang ulo ko sa headrest ng kama.

"Ano nangyari sayo?" Tanong ulit ni Andi. Pumikit ako at inalala kung ano ba ang nangyari. Galit na mata ni Troy, yung kamao niya na nakakuyom. At nawalan ako ng malay.

"Nahihilo pa ako. Ano nangyari?" Sagot ko sa kanya. Huminga ng malalim si Andi. Tumitig ako sa kanya ng mapansin kong may maliit na itim at may cut ang labi niya .

"What happened to you?" Takang tanong ko. Nag iwas ng tingin si Andi sabay upo sa gilid ng kama ko.

"Ummhhh---" seryoso akong hinihintay si Andi ng biglang pumasok ang doctor sa room ko. Mabilis tumayo si Andi habang seryoso naman yung babaeng doctor na lumapit sa akin.

"Ano nararamdaman mo ngaun?" Ani ng doctor habang nakatingin sa akin. Pinakiramdaman ko saglit ang sarili ko.

"Okay naman po, medyo nahihilo lang.." Sagot ko. Nagulat ako sa paglawak ang ngiti ng doctor.

"Ano po ba nangyari sa akin? Lately kasi nakakaramdam ako ng ganito. Hindi ko naman pinapansin dahil alam ko po sa stress lang ito. Mamatay naba ako doc?may sakit ba ako?"

Umiling ang doctor sa akin habang natatawa. Kumunot ang noo ko sa kanya. Kasi halata naman sa kanya nagpipigil ng tawa. Si Andi naman ay nasa gilid ko at seryoso lang.

"No, that's normal kapag nagdadalang tao.." Ano daw? Pakiramdam ko ay nabuhay ako sa sinabi ng doctor sa akin. Yung kaninang  hilo ko ay biglang nawala. No! This can't be.. Tinaboy ko na siya eh.. Mauulit na naman yung nangyari sa amin ni Miggy. I can't bear that.. Pero kahit alam ko kung bakit ganito ang nararamdaman ko indenial pa din ang utak ko sa totoo.

"Hey, stop crying.. Makakasama iyan sa bata." Salita ng doctor kaya lalo akong napaiyak.

"Doc, ako na po ang bahala sa kanya. Can you please let us talk?" Sagot ni Andi. Ayaw pa din paawat ng luha ko. Ano to? Bakit ganito? Bakit ngaun ko lang nalaman? Coz you don't want to know. Alam mo naman, natatakot ka lang tanggapin.. Tumango ang doctor kay Andi at mabilis lumabas.

"Andi, this can't be.." Mahinang bigkas ko sa kanya. Kumunot naman ang noo ni Andi sa akin. Kaya bahagya akong tumigil sa pag iyak. Bakit nga ba ako umiiyak? Hindi ko din alam..

"Bakit?ayaw mo ba?" Seryosong tanong niya.

"Of course, hindi!"

"Eh, bakit umiiyak ka?" Natatawang sagot niya kaya sinamaan ko siya ng tingin. Syempre natutuwa ako. Pero-

"Alam mo naman ang pinagdaanan namin ni Miggy. Ayoko lang maulit ulit iyon Andi." Umirap ako ng lalo siyang tumawa.

"Bakit ba tumatawa ka?" Parang tanga! Nagdadrama pa ako dito tapos tatawanan lang ako? Sapakin ko kaya ito ng isa?

"Know I know why you're so fond of me, akala ko ang gwapo ko lang talaga. Kung bakit parati ang mood swings mo, kung bakit palaging orange juice ang iniinom mo, kung bakit palagi kang natutulog sa office. Now it made sense.."

"Binabantayan mo ang galaw ko?" Namangha naman ako sa tanong ni Andi. Hindi ko kasi alam na napapansin niya pala iyon.

"Nah, I just need to."tipid na sagot niya kaya lalong kumunot ang noo ko.
He just need to? Bakit naman?

"Kung natatakot ka mag isa, don't be." I saw his geniune smile kaya naman medyo gumaan ang pakiramdam ko. But that doens't mean na magiging ok ako. I know nanjan sila para sa amin ng magiging anak ko. Pero gusto kong maging buo kami bilang pamilya. How could that be possible now?

Two Lost Hearts (Completed)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora