ika-dalawamput pito

6K 146 4
                                    

"Hey.. What's keeping you up?" Hindi ko mapigilan na lumapit kay Troy ng maalimpungatan ako. Nakatulog na ako at lahat pero nandito pa din siya sa study table ay may ginagawang drafts. Nagtataka nga ako eh, hindi pa siya bumabalik sa firm pero ilang araw ko na siyang nakikitang puyat dahil sa drafts na ginagawa niya.

"Did I wake you up?" Malambing na sabi niya habang patuloy pa din sa ginagawa. Lumipat kami sa condo ni Troy. Her mom agreed about that para na din daw maiwasan ang gulo kapag pumupunta doon ang relatives.

Somehow, napaisip ako sa situation. I know Troy's mom wants him to be there. Matagal nalayo si Troy sa kanila beacause of the past. Gustuhin ko man manitili si Troy sa kanila ay si Troy mismo ang ayaw pumayag. He wants to be with me. I want him too. Pero may tamang panahon para sa amin. Alam ko din naman na gusto niya makasama ang parents niya pero mas pinili niya ako.

On the other part. Natutuwa ako. He kept his word. He made me feel that I'm family. That he is my family.

"Hmmm.. Why are you still awake?" Pagiiba ko ng usapan. Pumikit su Troy ng marrin at kinusot ang mga mata niya. Napasinghao pa nga ako ng hilahin niya ako at inupo sa kandungan niya. He hug me from the back kaya medyo nailang na naman ako.

"You're shaking." Mahinang bigkas niya kaya naman pakiramdam ko ay nagtayuan ang balahibo ko sa init na binibigay niya.

"I want to finish the drafts. So I can start to build our home." Mahinang bigkas niya na parang pagod na pagod. Ako naman ay mabilis ang pagtibok ng puso dahil sa sinabi niya. Our home?

"Our home?" Hindi ko maiwasan mapangiti. He has a plan for us. Parang nakaramdam ako ng excitement dahil doon.

"Yeah.." Pagod siyang tumayo. Napahalakhak pa nga siya ng bigla akong napasigaw dahil binuhat niya ako. Damn this guy! Palagi nalang ako ginugulat. Minsan nga naiisip ko na ang pambibigla niya sa akin ang ikakamatay ko.

Marahan at maingat niya akong nilapag sa kama habang siyang ay naghubad ng pang itaas. Minsan nga naiisip ko kung balat kalabaw ba si Troy dahil nakakayanan niya ang lamig ng AC sa kwarto. Napalunok ako ng tumitig siya sa akin gamit ang malamlam na mga mata.

"Hmmmm.." Pumwesto siya sa ibabaw ko. Napalunok ako ng bigla niya halikan ang labi ko sabay balikwas pahiga sa tabi ko.

"What's wrong?" Napangisi siya dahil sa sinabi ko sabay yakap sa akin. May mali ba sinabi ko? Eh akala ko kasi ano eh-

"I'm kinda tired already, bukas na tayo gumawa ng baby.." Nag iwas ako ng tingin dahil sa sobrang kahihiyan. Nahihiya ako kasi pakiramdam ko ay ako pa ngaun ang nagiinitiate na gawin namin iyon. Mi Gosh Katherine!

"Bahala ka." Masungit na sabi ko kaya naman lumakas ang halakhak niya at mas lalong dinikit ang katawan ko sa kanya!he's a bad guy. Really. I'm so turned on then yayakapin niya ako gamit ang hubad niyang katawan at tutulugan lang pala ako? Urrrgh!

Nang umaga na ay gusmising ako ng wala si Troy sa tabi ko. Hindi naman na ako nagtaka dahil nasasanay na ako. Nag jojog kasi siya sa umaga habang ako ang naglilinis at ligpit sa bahay.

Pareho na kaming busy dahil nagapply na din ako bumalik sa company nila Enzo. Troy did the same thing. Next week sabay kami papasok at magsisimula. Medyo nagiging hands on na din siya sa The Crib kaya ayos lang.

Nagluto ako ng almusalan para naman pagdating ni Troy ay makakain na siya. Plano ko kasing pumunta sa bahay nila Tricia para marefresh na din siguro ako sa mga dapat kong gawin. Good thing ay nandito sila sa manila dahil ililipat na nila ng school si Two, hindi naman ako makapunta kay Andi at paniguradong isang damakmak na tsismisan lang ang mangyayari sa amin. Si Andi pa naman yung tipo na madaldal pa sa babae kapag kausap.

Two Lost Hearts (Completed)Where stories live. Discover now