ika- dalawamput walo

5.5K 133 2
                                    

Huminga ako ng malalim ng magising ako. Naramdaman ko pa si Troy na nakayakap sa akin na parang takot na takot na mawala ako. Hindi naman talaga ako nakatulog ng maayos. Pakiramdam ko ay pumasok ako sa isang bangungot kagabi at nagising ako. Still the same. Pakiramdam ko ay nasa bangungot pa din ako.

Nag usap kami ni Troy kagabi about kay Vicky. Hindi ako nagpakita ng mahinang expression habang kausap ko siya. Kilalang kilala ko si Troy. Kung ano ang iniisip niya ay iyon lang gagawin niya. He doesn't care about others. Pero kagabi. Kalahati din ng pagkatao ko ang nawarak ng makita ko ang saya niya ng malaman niyang magiging daddy na siya.

Nagdesisyon ako. Itutulak ko si Troy sa magiging mag ina niya. Dadahan dahanin ko ang pagtaboy sa kanya. Masakit. Oo alam ko iyon. Pero hindi ko kayang maatim na angkinin si Troy habang may batang walang kamuwang muwang ang nangangailangan sa kanya. As I've said. Ayokong maramdaman ng anak niya ang naramdaman namin ni Miggy. Hindi ko hahayaan iyon kahit ang kapalit ay madurog ang puso ko.

Lumipas ang araw at naging maayos at normal ang lahat. Although, alang normal sa amin ni Troy. Hindi ko man sabihin sa kanya. Pero nagbago ako. Unti- unti.

"Huy!" Halos mapalundag ako ng bigla akong kinalabit ni Andi. Kumunot pa nga ang noo niya ng makita ako.

"Palagi kang lutang. Problema?" Seryosong tanong niya. Alam niya ang situation ko. Lahat sila. He has the nerve to asked me kung ano problema?though, not the part na unti unti kong bibitawan si Troy.
Umirap ako sa kanya.

"Nagugutom ako." Pagsisinungaling ko. Ang totoo naman ay busog na busog ako. I just want to breathe. Gusto kong magmuni muni.

Napasinghap ako ng biglang nagvibrate ang cellphone ko.

From: Troy...

- ummhh--

Napakunot ang noo ko sa message niya. Palagi nalang niya ako tinetext kahit ala nang sense minsan.

"Edi, kumain ka." Sagot ni Andi ng hindi ako nililingon. Binalewala ko ang sinabi niya at nagreply kay Troy.

To: Troy...

- I'm fine Troy.. Samahan mo si Vicky later. Check up.. For the baby..

Mabigat ang pakiramdam ko habang nagtatype ako. It's not because of the baby, dahil kasama niya si Vicky. Natatawa ako sa sarili ko. Now I'm being possessive. Ni minsan hindi ko naramdaman ang selos dahil pang batang pakiramdam lang iyon. Pero bakit nararamdaman ko iyon ngaun? I sighed.

From: Troy...

- I don't want you think it's for Vicky. I'm doing this for the baby.. I love you Kath. It will always be you..

Ngumiti ako ng mapait. Of course I know that. Hindi ko lang matanggap na magkakaanak siya sa iba. Hindi ko matanggap ang pakiramdam na ako ang hadlang para maging pamilya sila. Years ago, I never thought I would be this happy nung naging kami ni Troy. Months later nagbago ang lahat. Kung gaano kabilis yung samin. Ganoon din kabilis mawala. Ayoko ng ganitong pakiramdam.

"I thought you're hungry?" Napasinghap ulit ako ng magsalita si Andi. Hindi na ako kumibo. Kinuha ko nalang ang bag ko at mabilis na lumabas sa office. Pakiramdam ko ay lutang na lutang ako.

Naglalakd lakad ako sa mall. I can't decide where to go. Sa huli, naisipan ko nalang pumasok sa isang coffee shop. Pumwesto ako sa gilid at umorder ng frappe.

"Here's your frap mam, enjoy!" Ngumiti ako sa waiter na naghatid sa akin ng frappe. Bakit ba nararamdaman ko na naloko ako kahit hindi naman? Hindi naman nangyari yung kay Troy at Vicky nung kami pa pero bakit dama ko na naloko ako? I shooked my head and sighed. Masyado na akong apektado ng situation.

Two Lost Hearts (Completed)Where stories live. Discover now