Ika- labing isa

6.4K 170 3
                                    

Forever? Does that thing really exist? Hindi ko din alam. Hindi ko maiwasan kiligin pag naiisip ko ang kalandian ni Troy sa akin. Geez! Talaga bang nakakakilig siya pag naglalandi?

"You look very happy.." Napairap ako ng biglang pumasok si Andi sa office at may ngiting nakakaloko.

"Eto naman, pag nakangiti very happy na? Happy lang muna.." sagot ko sa kanya sabay tingin sa laptop ko.

Nabalik ang tingin ko kay Andi ng humagalpak siya ng tawa sabay upo sa swivel chair niya. Ala kasi si Vina ngaun, siya naman ang nagleave para umuwi sa province nila dahil may sakit ang nanay niya. Kaya siguro ako naman ang iniinis ni Andi.

"Ang pabebe mo.." natatawang sagot ulit niya. Umirap ako sa kanya at hindi na pinansin. Minsan kasi, mentras pinapansin mo si Andi ay lalo ka niyang papansinin. I don't want that. Ang that pabebe word? Duh! Kagabi ko pa yan naririnig ah?

Nagkatinginan kami ni Andi na biglang may kumatok. Sino naman iyon? Hindi kasi kami sanay na may kumakatok sa pinto. Si Vina nga diretso lang ang pasok.

"Who's that?" Tanong ko kay Andi. Kumunot ang noo niya sa akin.

"You think kilala ko Katherine?" Bumalik ang tingin niya sa files na inaaral niya. Ako naman ay tumayo at umiling lang sa kanya. Nagsusungit na naman po siya.

I was about to open the door ng biglang bumukas ito ng kusa. Napaatras pa nga ako ng bahagya ng bigla nitong inuluwa si Troy.

Pagpasok na pagpasok niya ay mabilis niyang nilibot ang paningin niya. Kumunot pa nga ang noo niya ng makita niya si Andi na nakatingin sa kanya.

Mabilis siyang umupo sa couch at prenteng sumandal doon. Tumabi ako sa kanya.

"Excuse me.." napatingin ako kay Andi ng bigla itong tumayo at tuluyan ng lumabas sa silid.

Ngumisi pa nga si Troy habang nakataas ang kilay niya habang pinapanuod ang paglabas ni Andi sa pinto. Bipolar talaga!

"What brings you here?" Tanong ko sa kanya. Huminga siya ng malalim at hinilot ang sentido niya. He looks tired.

"I'm hungry." Seryosong sagot niya. Ako naman ay napailing dahil doon.

"Bakit hindi ka kumain? Sana dumiretso kana sa restau."

"Ikaw kasi ang naisip ko." Lumapit siya sa akin at tsaka yumakap sa beywang ko habang pinatong niya ang ulo niya sa balikat ko. Ako naman ay nastatwa na naman sa ginawa niya. Grabe talaga siya kung mang gulat. Wagas! Tumingin ako sa kanya. Ang amo amo niya talagang tignan pag nakapikit ang mga mata niya.

"Bakit ako?mukha ba akong pagkain?" Natawa ako bigla at hinimas na din ang kanyang buhok. Natawa siya kahit nakapikit pa din ang mga mata niya.

"Silly, gusto ko kumain kasama ka.." nakapikit pa din siya kaya naman malaya kong nailabas ang pag iinit ng pisngi ko. Hindi ko alam kung anong meron kami ni Troy pero masaya ako ngaun. Sobra!

"I love it when I made you blush.." nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. Nakita niya?ako ba ay pinagloloko ng singkit na ito?

"T-tara nga, mukang gutom na gutom ka nga.." I stuttered. Naiiling ako sa kanya. Piipilit kong tanggalin ang kamay niya na nakayakap sa akin pero lalo lang niyang hinigpitan ang kapit.

Pagkatapos ng pangungulit sa akin ni Troy, na nakakasanayan ko na ngaun ay lumabas kami para kumain. Nasasanay na ako sa ugali niyang bipolar. Tsaka yung pagiging possessive niya kahit ala naman kami. Ang hindi lang ako masanay ay sa pangbibigla niya sa akin. Minsan kasi may action si Troy na magugulat ka nalang talaga. Yung hindi mo aakalain na ganoon pala siya.

Two Lost Hearts (Completed)Where stories live. Discover now