Ika-apat

7.5K 196 5
                                    

"Why are you holding a scissor?" Napasinghap ako ng biglang nagsalita si Enzo at Tricia. Tumingin ako sa kanilang dalawa na mukhang takang taka kung bakit ako nakatulala habang may hawak na gunting dito sa harap ng The Crib.

"Why are you so late?" Hindi ko maiwasan mapagtaasan sila ng boses kaya parehong napakunot ang noo nila.
Nakakainis! Napapatulala ako ng lalaki na iyon. Kung dumating kasi ng maaga sila Tricia, edi sana, hindi nagkaroon ang lalaki na iyon ng chance para madikitan ako. Gosh! Bakit ba ang bigdeal sa akin noon?

"Hey, why are you so grumpy? Hinatid kasi namin sila Two kila mommy.." kunot noong sagot ni Tricia. Napabuntong hininga nalang ako. Ano ba kasi ang problema mo Katherine?

" lets go.." hinila ni Enzo si Tricia kaya hinila din ako ni Tricia..

Pagpasok namin sa loob ay sumalubong sa amin ang ingay ng live bands. Ang daming tao. Lumiko sila Tricia sa gilid kung saan nandoon sila Sunny at Kenneth Shane kasama ang mga asawa nila.

"ngaun ka lang pumasok Kath?" Sagot ni Sunny. Agad akong napairap sa kanya. Malamang, eh iniwanan nila ako eh.

"Obviously, iniwanan niyo ako eh." Umirap ako sa kanila kaya napahalakhak sila ni Kenneth Shane.

"Hahaha.. sorry, akala namin namaligno ka eh, bakit kaba natulala?" anas ulit ni Sunny. Gusto kong kumuha ng packing tape at itapal sa bibig niya. Nagtanong pa? Eh, binigla lang naman nila ako eh.

" Sabi na sa iyo bilisan mo eh, hindi ko tuloy nakita si Katherine.." nagpout si Tricia habang nakatingin sa akin. Seriously? Pinagtitripan ba nila ako?

Nagkakagulo na ang mga tao sa loob ng bar. Panay nga ang lagok ko sa alak dahil wala din ako magawa. Paano, napalibutan ako ng nakakalibot na mga partners na ito. Talaga bang kaibigan ko sila?hello? Single kaya ako. Respeto!

Umingay lalo sa loob ng may mga live volunteer singers na, grabe! Ang ganda ng naisip nilang concept sa bar. Yung tipong mawawala ang stress mo at the same time ay sobrang marerelax ka. Pakiramdam ko ay nasa loob ako ng isang mini arena at nanunuod ng concert ng random na artist. These people here have talents.. magtayo kaya ako ng agency? I shooked! Another headache.

"Sayaw tayo?" Masayang masaya si Sunny habang yumuyugyog ang ulo dala ng pop na tugtog. Tumigil kasi ang kantahan ng mag aalas dose na at napalitan ng sayawan.

Nagsimulang mag ingay silang lahat habang ako ay nasa gilid lang habang patuloy pa din ang pag lagok ng alak. I have tolerance kasi on drinking. Sa France kasi kapag winter, people use alcohol to substitute for heat. Ano connect? Lol.

"Alam niyo, pag nagsama sama kayo, daig niyo pa tambay sa kanto." Natatawa kong salita sa kanila. God! Mga isip bata pa din sila.

"You are one of us Kath, ganito ka din naman kaingay ah, bakit ba ang tahimik mo ngaun?" Ngumiwi ako kay Maico. Nakita ko naman ang pagpipigil ng tawa nilang lahat. Sabi na eh, pinagtitripan nila ako.

Tumayo si Enzo at Tricia para sumayaw sa gitna. Sinundan naman iyon ni Maico at Sunny. Nanatili lamang si Kenneth Shane at Zion sa tapat ko habang panay ang lambingan. Ang sakit nila sa mata!

"How's the bar?" Natigilan ako bigla ng umupo si Troy sa gilid ko. Umayos ako ng upo at dimiretso ng tingin kila Zion. 

"Congrats, it's perfect kuya." Ngumiti si Kenneth Shane sa kanya.

Ngumisi si Troy at bigla nalang hinila ang baso ng alak ko. Nanlaki ang mga mata ko ng bigla niya itong nilagok. Waahh! That's my glass. Nanduon na ang laway ko. Pakiramdam ko ay nag init ang pisngi ko dahil doon. Indirect kiss kaya yun..

"Hey, that's mine." Pagsusungit ko sa kanya. Mabuti nalang at umingay ulit dala ng paglakas ng musika.

Bumaling sa akin si Troy na blanko ang expression ng mukha. Alam mo yung tingin na ang lamig lamig niya? Yakapin ko kaya siya para naman mag inet siya? Ay, ano ba? Lasing na ba ako? Kung ano ano ang sinasabi ko.

Two Lost Hearts (Completed)Where stories live. Discover now