ika-dalawamput isa

5.8K 152 7
                                    

Dalawang linggo na ang lumipas simula nung birthday ni Troy. Hindi siya madalas umuwi dito. Hindi ko din alam kung saan siya nag sususuot. Kinuha ko pa nga ang number niya kay Tricia pero hindi ko naman siya matawagan or maitext manlang. Gustong gusto ko na magpaliwanag sa kanya about sa nangyari noon. Pero gusto ko sabihin naman sa kanya ng personal.

Madami ang nagsasabi sa akin na ako lang ang makakabuo ulit sa kanya. Even Kenneth Shane told me na ako lang ang susi para makapag move on siya. Bakit pakiramdam ko ayokong mag move on siya? Ang gusto ko kasi ay maayos yung kung ano meron kaming dalawa noon. A part of me ay nanghihinayang para sa amin. Pero kahit kelan ay di ko pinagsisihan na si Miggy pa din ang pinili ko. Maayos ko naman yung nasira sa amin ni Troy. Hindi ko lang alam kung kailan at paano.

"Ayos muna lahat ng gamit mo Kath?" Nagising ako sa ralidad ng biglang pumasok si tita sa kwarto ko.

Isasama niya kasi ako ngaun sa Benguet dahil may medical mission silang mag asawa. Tutal naman ay wala akong ginagawa ay sumama na ako. Tsaka, aarte paba ako? Isa na din iyon paraan sa pagtanaw ko ng utang na loob sa kanila.

"Opo." Isinara ko ang zipper ng bag ko at ngumiti sa kanya.

"Good." Ngumiti si tita at lumabas na ng silid. Ako naman ay sumunod nalang sa kanya. Pag baba namin ay natigilan ako ng makita ko si Troy at Patrick sa dinning at kumakain ng almusal. Tumingin si Troy sa akin at mabilis na ibinalik sa pagkain ang mga mata niya.

"Miss hot, kasama ka din?" Kumunot ang noo ko kay Patrick dahil sa tanong niya. Kasama din? So it means kasama sila? Tumango lang ako at umupo na din sa tabi niya. Hindi ko alam kung paano ako magsisimula kumain. Hindi rin ako makapag angat ng tingin dahil damang dama ko ang paninitig ni Troy dahil magkatapat kami.

"Kath, sa sasakyan ka ni Troy sasakay. Si Patrick kasi ang magdadrive sa amin." Salita ni tita sa akin. Bumaling ako kay Troy na nakatingin lang sa akin at walang emosyon. Napabuntong hininga nalang ako. Wala naman akong choice diba?

"Tita, kung gusto niyo po si Troy nalang ang magdadrive sa inyo, sa akin nalang sasabay si miss hot." Napabaling ko ng magsalita si Patrick at saka ako kinindatan. Napasinghap tuloy kami ng padabog binaba ni Troy ang tasa ng kape na hawak niya.

"Eh kung iwanan nalang kaya si Patrick?" Masama ang tingin ni Troy kay Patrick. Hindi ako nagsalita o nagbigay ng kahit anong reaksyon kahit biglang tumawa si Patrick na parang tanga.

"Tumigil nga kayong dalawa! Para kayong mga bata. Nakukunsume ako!"   Tumayo si tita habang umiiling. Dahil sa sobrang katahimikan ay tumayo na din ako. Nakakailang naman kasi ang usapan ni Patrick at Troy. Seriously? Kaharap nila ako pero kung mag usap sila how they bang random girls ay parang wala ako. Nakakainis!

"Lumulundag ang tits ni Troy.." Panghaharot ni Patrick kay Troy ng nasa labas na kami. Pumasok na si tita at tito sa sasakyan pero naiwan pa din kami nakatayo. Ni hindi ko nga alam kung paano papasok sa sasakyan ni Troy.

"Ilang tangina ba dapat ko sabihin seyo para isarado mo yang malaking bunganga mo?" Iritableng sagot ni Troy sa kanya sabay pasok sa drivers seat ng sasakyan niya. Humagalpak ng tawa si Patrick tsaka bumulong sa akin.

"Okay lang yan Kath, kinikilig lang yang gago na yan.." Pagkasabing pagksabi non ni Patrick ay nakarinig nalang kami ng malakas ma busina.

Umiling nalang ako ng humahalpak ulit ng tawa si Patrick. Nang makapsok na si Patrick sa sasakyan nila ay bumaling ako sa kotse ni Troy. Hindi ko alam kung sa harap o sa likod ba ako papasok. Sa huli ay sa likod sana ako papasok pero nagsalita si Troy.

"I'm not your driver." Matigas na ingles ang gamit niya kaya naman napahinto ako. Umirap muna ako bago lumabas ulit at lumipat sa harap harap niya. Eh ano naman kasi malay ko kung gusto ba niya ako makatabi. Ang hirap naman kasi spellengin ng ugali nito. Bipolar talaga!

Two Lost Hearts (Completed)Where stories live. Discover now