Una

11.3K 254 13
                                    


"Kuya, you want to stay here?" I looked at my sister na nag aalalang nakatingin sa akin. I smiled at her and shooked my head. She's married, ayoko nang guluhin pa siya.

"Malapit na matapos ang party.. dito ka nalang.." she used her charm. Napatawa ako nang bahagya. Until now isip bata pa din siya. Eh mukhang mas matured pa si Zeta sa kanya.

"Ayan.. ngumiti ka din.." lumawak ang ngiti niya. Pumunta ako sa sink tsaka hinugasan ang kamay ko.

"Para kang bata Shin.." kumuha ako ng baso at nagsalin ng tubig. Nakapuppy eyes pa din siya habang nakatingin sa akin.

"Grabe ka kuya! Bata pa naman ako ah.." ngumuso siya kaya natawa ulit ako. Lumapit ako sa kanya and patted her head.

"Gumagawa ka na kaya ng bata." Pinipigilan ko ang ngiti ko dahil sinamaan niya ako ng tingin at napanguso siya.

Walang nagawa si Shin. Tinigilan niya din ako sa pangungulit na dito ako mag stay sa bahay nila. I know she just missed me, but, hindi na kami katulad noon. May pamilya na siya. Besides, pwede naman kami magkita anytime.

Bumalik kami sa gazebo kung saan nagkakasiyahan sila. Nanlaki nga ang mga mata ko ng makita ko ang guitara ko na hawak ni Shin ngaun. She took it!

"Kuya kanta ka.." napalingon silang lahat sa akin kaya mabilis ako nag iwas ng tingin. Damn. Hindi ako kumportable. I don't know why, pero pakiramdam ko ay ang layo ko sa kanila. I mean, ang baba ng tingin ko sa sarili. Though, ala naman sila pinagbago. Kung paano nila ako ituring noon, ganoon pa din ngaun.

"Oo nga dude, talent mo yan diba?" Nakangiti si Maico habang karga yung isa sa kambal niyang anak. Napatingin pa nga ako kay Katherine na seryoso lang nakatingin sa akin.

"I  can't." Sagot ko sabay yuko. Dinig ko ang pagpalatak nila pero hindi ko ininda.

Lumakad ako sa pool side nila sa may gilid to have some time alone. Medyo hindi pa kasi mag sink in sa sistema ko na malaya na ako.

Umupo ako sa gilid at nilubog ang paa ko sa pool, agad gumapang sa akin ang lamig dulot ng pagkakalubog ng paa ko. Naiisip ko pa nga ang mga nakasama ko sa loob. By this time siguro nanunuod sila ng tv or panay ang kwentuhan. Nakaka miss din pala sila.

I closed my eyes. Medyo nakaramdam din kasi ako ng pagod.

" Can I sit beside you?" Halos mapaliyad ako sa gulat ng may magsalita sa likod ko. Fuck! It's her. The race inside my chest is blowing me again. Ano mayroon sa babae na ito at napapakaba ako ng ganito?

Hindi ako nagsalita. I don't want anyone to be near me, but I don't want to be rude.

Umupo si Katherine sa tabi ko. I almost stop breathing when her sweet smell coated the air. Damn.

"Kapatid ka ni Kenneth Shane?" Seryosong tanong niya. Napakunot ang noo niya. Nahalata niya siguro ang pagpipigil ko ng tawa. Gosh! Ala naman siyang ginawa o sinabi pero natatawa ako.

"Yes.." I try my best to talk normal. Yung casual lang. Ayoko kasi mag open masyado sa kanya. We're not close, though, she seem nice.

Kumunot ulit ang noo niya at nilaro laro ang paa niya na nakalubog sa tubig. Hindi na siya nagsalita. Ok iyon. I don't like nosy girls. What the hell? She's not a prospect to begin with. Ayan kana naman Troy. Don't put yourself into another trouble. Ngumisi ako! Ganon ba ako naexcite na magka girlfriend? Of course, I'm turning thirty two this year. But I don't want commitment right now. Kailangan ko muna magsimula. Kailangan ko muna hanapin yung sarili ko na matagal na ding nawala.

"Saan ka galing?" Biglang tanong ni Katherine. So hindi niya alam? Hindi niya alam na nakulong ako? I looked at her blankly. Ayan na naman ang puso ko. Yung ngiti niya. Parang gustong malusaw ng yelo na binubuo ko para sa kanila. Lalong lalo na sa kanya.

"Mommy, are we not going home yet?" Napabaling si Katherine sa anak niya habang kinukusot ang mga mata. Tumayo si Katherine at lumapit sa anak niya. She kissed her son forehead.

"Ok, I'll just wait tito Andi, he's on the way." Kumunot ang noo ko. Who the hell is Andi? Bakit hindi yung asawa niya ang susundo sa kanila? Bakit ala siya dito? Sino ba siya? Ang daming tanong ko para sa babae sa harap ko.

Tumango ang anak ni Katherine at pumasok pabalik sa loob ng bahay. Umiwas bigla ako ng tingin ng lumakad pabalik dito si Katherine. May parte sa pagkatao ko na gustong tumayo na at lumakad palayo. But I was off guard dahil nasa harap ko na agad siya.

"Sorry, Miggy must be so tired." Tumalungko nalang siya. Pakiramdam ko ay nagtayuan ang balahibo ko sa batok dahil doon.

"So, where are we?" Nakangiti siya. Ramdam ko iyon. Why is she so nosy about things? Hindi ba niya nararamdaman na ayoko siyang kausap? Na ayokong mapalapit sa kanya?

"Are you flirting me?" Sumeryoso akong tumingin sa kanya. Agad nawala ang ngiti niya. I can't help. Coz' if she is. She need to stop. Ayoko sa may sabit. I mean, may asawa na siya diba?

"What? I'M JUST TRYING TO BE FRIENDS WITH YOU! I'm not flirting! assuming ka naman masyado!" Napatayo siya at halos maghestirical. Bigla akong kinabahan. Did I offended her that much? Sobra kasi ang inis niya e.  Gusto kong matawa dahil sa itsura niya! Yung maamo niyang mukha kanina ay naging matapang na tigre ngaun. Napaka transparent niya sa emotions. Mababasa mo agad ang ugali niya.

Agad napalabas silang lahat sa gawi namin. Panay ang mura ko isip dahil doon. Tumayo ako mula sa pagkakaupo sa pool.

"What happened here?" Nag aalalang tanong ni Zion. She looked at Katherine na mabilis ang paghingina dahil sa inis.

Walang sumagot samin dalawa. Humalukipkip ako at tinignan siya.

"Secousse!" kumunot ang noo ko. Umirap muna siya bago ako tinalikuran. Ano daw? Tumalikod siya at mabilis naglakad. Nagulat naman ako ng bigla nalang silang natawa. Napatingin pa nga ako kay Maico habang hawak ang cellphone niya.

"What was that?" I asked them curiously. Lalong natawa si Maico.

"Jerk ka daw!"

"What language did she used?" Hindi ko ininda si Maico.

"She used French kuya.."

Napailing ako sa kanila. I can't help not to smile. She got me..

Two Lost Hearts (Completed)Where stories live. Discover now