ika- siyam

6.7K 190 4
                                    


I can't remember the time na ganito ako kasaya. Troy and I were ok now. I guess? Hindi naman niya sinabi na mahal niya ako. He just said that he likes. Walang label, walang commitment. But, at some point ok lang sakin iyon.

Tsaka, ala pa talaga akong balak pumasok sa relasyon. I still have problems to take care of. Lalo na si Miggy.

Kung ano kami ngaun ay ineenjoy ko nalang. Ni sa hinagap ko nga ay hindi ko naisip na magiging ganito kami kalapit ni Troy. Am I breaking the ice in him? I hope so. Gusto ko kasing bumalik si Troy. Yung Troy na nakilala ko sa kwento.

Napatingin ako sa pinto ng condo ko ng biglang may nag door bell. Ang tanga ko talaga! As if naman makikita ko ang tao kung nakasara naman.

" Hi." Alanganin na bati ni Troy kaya napakunot ang noo ko. Bakit siya nandito?

"Hello?" Sagot ko sa kanya. Bahagya siyang natawa at mabilis pumasok sa loob. He leave me with my mouth hanged open. Palagi nalang talaga niya akong binibigla.

"What are you doing here?" Tanong ko sa kanya sabay ligpit ng gamit ko. He smiled at umupo sa sofa na nakaharap sa akin. Tumaas ang kilay niya.

"I'm fetching you. Sabay kita sa site." Eto na naman ang ngiti ko na bigla nalang lumalabas sa matatamis na salita ni Troy. Hindi ko nga alam kung normal niya iyon o pakitang tao lang. Alam mo yung feeling na kahapon lang eh sinusungitan ako tapos ngaun ay parang prinsesa niya na ako? Pakiramdam ko ay lunod na lunod ako at hindi makaahon sa nangyayari.

"Pero sa office ako. Ayaw mo naman na nasa site ako diba?" Ngumuso ako sa kanya. Tumayo siya mula sa pagkakaupo. Lumakad siya patungo sa likuran ko at niyakap ako mula doon. He's sweet aren't he?

"That was before Kath, iba na ngaun.." hinapit niya ako sa beywang ko kaya para akong robot na nagpakaladkad na naman sa kanya . Bakit ba hindi ako masanay sa mga sweet actions niya towards me?

Pagdating namin sa site ay madami ng tao. Nagulat pa nga ako ng nandoon si Enzo kasama si Tricia at si Keila.

"Tita Kath.." napatingin sa amin ang mag asawa na halata ang gulat sa mga mata. Paano naman, pinagsiklop ni Troy ang mga kamay namin kaya wala akong kawala.

"Is anyone wants to update us? Ano nangyari?" Natatawang bungad ni Tricia sa amin. Halos sumabog ako ng tinignan ako ni Enzo at ngumisi. My God! Highschool ba ako?

"We're just friends." Si Troy ang sumagot sa kanya. Kumunot ang noo ng dalawa. Si Keila naman ay nakatingin lang sa amin. Ang cute na bata.

"Friends don't hold hands.." ngumisi si Enzo kay Troy. Napatingin ako kay Troy ng nag igting ang kanyang panga.

"Some friends do, I used to hold Tricia's hands before.." nawala ang ngiti ni Enzo dahil doon. Nag iwas naman ng tingin si Tricia. Ako naman ay natulala sa kanya. He's rude, and kinda insensitive.

"Chill.. we're ok now?" Bakit ba ang sungit sungit ng lalaki na ito ngaun?duh! Ramdam na ramdam ko ang tensyon sa amin habang naglilibot sa site. Paminsan minsan ay nag uusap si Troy at Enzo pero tungkol lang sa constructions lahat. Humiwalay pa nga kami ni Tricia dahil ala kaming masundan sa pinag uusapan nila.

"Are you okay?" Nag aalalang tanong ko kay Tricia ng makaupo kami sa quarters nila. Ngumiti lang tipid si Tricia.

"Yes, I just feel sorry about Troy.. pakiramdam ko ay isa ako sa dahilan kung bakit ang cold at distant niya ngaun.. He's a very nice and lovable man before. It's---"

Hinagod ko ang likod ni Tricia, damang dama ko ang frustration sa bawat bigkas niya ng salita. My oh my, she's so kind and understanding. No wonder why those guys infront of us fell for her.

Two Lost Hearts (Completed)Where stories live. Discover now