ika- labing tatlo

6.1K 174 1
                                    

"You are stunning Katherine.." napangiti ako kay Vina. Sabay kasi kaming nagpasalon dahil ngaun ang opening ng bagong mall sa BGC.

"Geez Vina, you are more stunning.." kita ko kung paano namula ang mukha ni Vina.. it's true, Vina is stunning and pretty, no wonder why Andi is so obsessed with her.. yun nga lang indenial sila. Kaya nga tinatawanan ko nalang si Andi kapag sinasabihan ako ng pabebe. Akala mo naman siya hindi.

"You're taking so lon--" hindi na nakapagsalita si Andi nang makita niya kami Vina. Opps! I mean nang makita niya si Vina.

Ngumisi ako at tinapik ang balikat ni Andi. Ang arte arte kasi! Kung gusto naman niya bakit ayaw pa sabihin. Gosh! Why can't they be just true?

Umalis si Andi at Vina para mauna na sa mall. Ako naman ay hinihintay si Zion at Kenneth Shane. My God! Ayaw kasi ako ni Troy pasabayain kay Andi so he asked Kenneth Shane to fetch me. Grabe lang diba? At ang mas grabe ay oo lang ako ng oo sa kanya.

At first. Sabi ko sa sarili ko bakit na masayado akong napapasunod ni Troy?bakit napabilis niya ang tibok ng puso ko? at bakit palagi nalang akong napapasaya ng mga actions niya? Sa huli, naramdaman ko na mahal ko na pala siya. Hindi na kami mga bata para sa tagaun nang feelings or so whatever! Yun nga lang. It's hard to assume. Mahirap kasi na bigyan mo ng kahulugan ang bagay na ginagawa seyo. Mas masarap kasi sa feeling na sinasabi din seyo kung bakit ganon siya seyo.

"We're so sorry Katherine.." Nabaling ang atensyon ko kay Kenneth Shane na kasabay si Zion na patungo sa akin. I smiled at them. Among the group sila ang partners na favorite ko. Don't ask me why, dahil kahit ako mismo ay hindi ko alam ang sagot. Hindi din ako bias dahil kapatid siya ni Troy. It's just that, iba kasi ang samahan ng couple na ito.

"Okay lang, thirty minutes lang naman ako naghintay." Ngumisi ako. Lalo ngang nalukot ang mukha ni Kenneth Shane sa akin dahil sa sinabi ko. I was just joking, masyado siyang tense.

Nagkibit balikat lang ako at nauna nang naglakad sa kanila. Napatingin pa nga ako kay Zion na ngumisi sa akin ng nakakaloko. Gosh! Tinaasan ko siya ng kilay kaya bahagya siyang napahalakhak. Kung si Maico lang si Zion iirap lang ako dahil malandi naman talaga iyon. Pero si Zion? Mysterious kaya 'yan kaya ang creepy kapag siya ang ngumiti ng nakakaloko.

Nang nasa byahe kami ay walang umimik, wich is so new. Si Kenneth Shane, tahimik? Naninibago ako. Siya kaya ang number one radio sa girls dahil sa ingay niyan. Anyare ba?

Nang makarating kami sa BGC ay medyo nakaramdam ako ng kaba. Nakikita ko na kasi ang mall mula dito sa pwesto namin. Bakit ba ako kinakabahan?tapos tahimik pa yung kasama ko.

Nang makatapat na kami sa mismong entrance ng mall ay di ko mapigilan ang pagkamangha. Grabe! As in red carpet at may ilang media ang nandito kaya madaming liwanang dala ng flash ng camera.

Mabilis kaming lumabas ng sasakyan ni Zion. Hindi ko nga mapigilan na pamulahan ng pisngi ng namataan ko si Troy na iniinterview ng ilang media. My God! He's so handsome with his suit. Kitang kita mo ang confidence at happiness sa kanya. I can't help myself not to adore him more. He's too perfect. This mall was his big break. I'm happy dahil nakabangon na siya mula sa pagkakalugmok niya.

"Mr. Troy Andrei Villarama, are you dating someone?or do you have a girlfriend? " Nagpigil ako ng hinga ng ngumisi si Troy at mabilis akong tinignan. Si Zion at Kenneth Shane naman ay tahimik lang sa gilid ko at pinagmamasdan kami.

"Secret.." Natatawang sagot niya kaya nawala ang ngiti ko. Pakiramdam ko ay bahagya akong nakaramdam ng kirot na dumaan sa dibdib ko. I feel like I need to take a deep breath. This is why I don't want to assume. Tatalikod sana ako ng bigla ulit sumagot si Troy na ikibilis ng tibok ng puso ko.

Two Lost Hearts (Completed)Where stories live. Discover now