tatlumpu

5.7K 150 1
                                    


"A-ano yun, Kath?" Napapikit ako ng maramdaman ko ang basag na boses ni Troy. No! You can't change your plan Katherine. It' now or never. Tama si Patrick. I should know better now. Iba na ang situation. He's going to be a father. Ang masakit lang ay hindi ako ang nanay. Hindi ako ang nagdadala ng anak niya. Hindi ko mapigilan ang sarili ko na sisihin kung bakit nangyari ito ngaun. Kung binigyan ko siya ng dahilan noon. Hindi sana nag kanda leche leche ang buhay namin ngaun.

Huminga ako ng malalim at mabilis nag iwas ng tingin sa kanya. Ang mga mata niya ay puno ng takot at pangamba. Natatakot ulit ako mawasak siya. But I have no choice. We can't be together. Hindi ko kayang maging masamang tao para lang makuha ko ang gusto ko.

"T-troy.." I stuttered. Gusto kong magmura dahil doon. Hindi ko kasi alam kung bakit nauutal ako. Nagdesisyon na ako diba? Bakit parang ayaw ng bibig ko na ilabas ko ang mga salitang nasa isip ko?

"Kath, lets go home.. Lets cuddle.. Lets rest.. I'll cook you dinner." Mahinahon na salita niya kaya kumikirot na naman ang puso ko. How can I reject this man? How? What we have now is the right love but at the wrong time. Siguro ay wala talagang panahon para sa amin. Pinagtagpo lang kami para gamutin ang sugat sa isa't isa. Pero ang nakakatawa. Pagkatapos namin paghilumin ang mga sugat namin. Kami din pala ang gagawa ng bagong sugat.

Mabilis akong umiling sa kanya. Kitang kita ko ang pagkalaglag ng panga niya dahil sa sunod sunod na pag iling ko. Dammit Kath! Talk! Bakit walang gustong lumabas na salita sa bibig ko? You know better right? Do the right thing! It maybe sucks, pero yun ang tama. Yun ang dapat.

"Kath.." Halos magtindigan ang balahibo ko dahil doon. Napapapikit pa ako para namnamin ang boses niya sa pagbigkas ng pangalan ko. Bahagyang umabante si Troy kaya napaatras ako ng dalawang hakbang. Kitang kita ko ang paninigas ng katawan niya dahil sa ginawa ko.

Huminga ako ng malalim at pumikit muli. Pagdilat ng mata ko at natuon sa lapida ni Miggy ang mga mata ko. Biglang nalang pumatak ang luha ko ng bumalik sa alaala ko ang batang Miggy na naghahanap ng ama. Yung batang naghahanap ng kalinga at pagmamahal ng isang ama. I can't be selfish. Kahit masira ako, hindi hinding ko ipagkakait iyon sa walang kamuwanguwang na bata.

"Troy, t-tama na.." Hindi ako makatingin sa kanya. Halos hindi ako makahinga dahil sa pagpipigil ng luha. Nag igting ang kanyang panga at bahagyang namula ang mga mata. Medyo dumilim ang langit badya ng pagbagsak ng ulan. Hindi gumalaw o nagsalita si Troy. Pain is all I can see on him.

Tumingala siya sa langit ng ilang saglit at huminga ng malalim. Nang magtama ang paningin namin ay natameme ako sa blangkong expression na pinakita niya. The expression I used to see when he was cold and lost. The distant looks makes me shiver.

"Paanong tama na?" Kahit galit ang expression niya ay malambot ang mahinahon pa din ang salita niya. 

"Hindi ko kasi maintindihan.." Mahinahon pero malamig na sabi niya. Hinilot niya ang bridge ng kanyang ilong at napapikit muli. Ang abong mga mata niya ay parang nanghihina at pagod.

"Itigil na natin yung tayo, Troy. " hindi ko nakitaan ng ano mang pagkagulat o reaksyon ang mukha niya na tila ba alam na niya ang sasabihin ko. He smiled bitterly at bahagyang umiling. Hindi ko alam kung bakit parang mas nasaktan ako sa reaksyon niya.

"You're are giving up again?" Umiling siya at namula ulit ang mga mata. Umiling lang ako. Hindi naman ako sumusuko para sa sarili ko. Hindi niya maiintindihan iyon dahil hindi niya naman naranasan ang nadanas ko.

"I am." Pinilit kong maging matatag kahit tinutusok na ang puso ko sa bawat salita na binibitawan ko. I don't want. Pero kailangan. Hindi ko alam ang nararamdaman kong sakit. Nasasaktan ba ako dahil nasaktan ko siya? O nasasaktan ako dahil parang sumusuko na din siya? Damn it! Ako ang may gusto nito. Hindi itong ang unang beses na isinuko ko siya. Nakaya ko nung una at alam kong makakaya ko iyon ngaun.

"I'm sorry Kath.." Natigilan ako ng bigla siyang tumakbo sa akin at niyakap ako mula sa likod. Mabilis nanghina ang tuhod ko dahil doon. Oh Troy! Don't make it hard for me. Don't make it hard for us. Pilit kong kinakawala ang mga kamay niyang nakayakap sa akin. Panay na aking pagmumura pero mahigpit pa din ang yakap niya sa akin.

Nawalan na ako ng lakas dahil sa walang tigil na pag iyak. Hinayaan ko nalang siyang nakayakap. Though, my desicion is final.

"I'm sorry Troy.. Tapusin na natin yung tayo. Hindi na pwede eh, kahit ipilit natin hindi na talaga pwede." Basag na basag ako sa bawat bigkas ng salita. Naramdaman ko nalang ang pagluwag ng yakap niya hanggang sa tuluyan na niya akong pinakawalan.

"Magiging tatay kana. Man up Troy, sabihin na natin na mahal natin ang isa't isa pero may responsibilidad kana. Ayokong maging hadlang sa mga responsibilidad mo na iyon."

Mabilis ang iling ni Troy pero nag iwas ako ng tingin.

"Pero pwede mo akong samahan sa responsibilidad ko Kath, I love you... Hindi ko naman tatakbuhan ang bata. I will be the father. I will claim the child. Ano problema?" Nanginig ang boses ni Troy sa bawat salita. Umiling ako. He will never get my point.

"Enough, bata lang ba ang iniisip mo? paano si Vicky, Troy? Paano sila?I've been there Troy. Alam ko ang pakiramdam ng maiwanan sa ere."

"So ako ang iiwan mo? Can't you be selfish with me just for once?" Ramdam na ramdam ko ang pait at iritasyon sa kanya. Mabilis akong tumango kaya nag igting ang kanyang panga.

"Hindi ko hinihiling seyo ang kahit ano. Just stay with me. Yun lang Kath," mahinahin at puno ng pait ang boses niya. " kahit kailan kita hawakan palagi mo nalang akong binibitawan.."

Patuloy ang pag agos ng luha ko. Ala na akong makapang salita. Sobrang nasasaktan ako.

"Kahit kelan ako lumaban hindi ko naramdaman na naging kakampi kita. Lumalaban ako para sa atin dalawa pero palagi mo nalang akong sinusukuan.." Nag igting ulit ang kanyang panga at mabilis ang paghinga na tila ba pinipigilan ang mga emosyon na gusto ng kumawala sa kanya.

"Bubuin mo ako pero wawasakin mo din. I know I'm an asshole pero pinakita ko naman seyo na mahal kita diba? Nagkamali ako ng madaming beses pero ikaw lang ang hindi ko pinagsisihan kahit palagi mo nalang akong sinasaktan."

Panay pa din ang luha ko at hindi na makatingin sa kanya. Hindi ko siya kayang tignan dahil baka bumalik ako sa kanya. Mali siya! Kaya ko siyang ipaglaban ngaun pero sa ibang situation.

Lumapit si Troy and lifted up my chin para magpantay ang tingin namin. Ang kaninang madilim na langit ay unti unti na din umiiyak kasabay namin. Iiwas sana ako ng tingin pero diniinan niya ang hawak sa baba ko.

"Can't you do the same thing, Kath? Pwede bang lumaban ka naman para sa atin? Kasi hindi ko na kayang lumaban mag isa eh. Tao din ako at napapagod. Eto ba talaga ang gusto mo? Gusto mo ba talaga na hanggang dito nalang tayo?"

Umiwas ako ng tingin. I can't fucking say no! Pero hindi din ako pwedeng umoo! Damn! Hindi ba pwedeng matapos nalang kami ng walang ganito? Lumakas ang ulan kaya halos mapapikit na ako. Magang maga na ang mga mata ko dahil sa luha. Troy stand still at nakaktitig pa din sa akin na para bang hindi siya naapektuhan ng ulan.

"Answer me, Kath.." Diretsong tanong niya. Hindi ako sumagot pero tumango ako. Damn these tears! Why are they betraying me? Ngumiti ng mapait si Troy at pagod akong tinignan.

"Alright then.." Huminga siya ng malalim at binatawan ako. Mabilis siyang tumalikod at naglakad palapit sa sasakyan niya. Napayakap ako sa sarili ko at mabilis na napahagugol na naman. Ayokong pagsisihan ang desisyon ko pero iyon ang nararamdaman ko. So this is goodbye..

Two Lost Hearts (Completed)Where stories live. Discover now