Chapter 4

113K 1.6K 113
                                    

(Edited)

__

Julia's POV

Lumabas na muna ako at naglakad-lakad sa school garden. 

Break time na rin kasi. Kanina ko pa din hinahanap sina Tan at Jay kaso sa sobrang laki ng school hindi ko talaga sila mahanap. Pinuntahan ko sila sa classroom nila kasi sabi ng classmate niya wala na daw sila. Lumabas na daw.

2 classes na yung natatapos ko ngayong araw and luckily... I survived! Achievement yun! Jusko naman kasi, kapag dadaan ako parang may mga bubuyog sa paligid mo. Bulong here, bulong there...hay, ang bilis talagang kumalat ng chismis.

And guess what? Sikat na ako sa University!

Dahil hinahunting na ako ng mga fans nung mga lalaking yun. Hindi ko naman sinasadya na maging ganon eh. Sadyang masama lang ang pakiramdam ko-nang sikmura ko eh. 

Nakpaupo nalang ako sa isang bench at kumain ng sandwich habang nakasalpak ang earphones sa tenga.

Now Playing MAMA 

By: EXO

Careless, careless
Shoot anonymous, anonymous
Heartless, mindless
No one, who care about me?

Kakantahin ko na sana yung korean part nang may marinig akong magsalita. Napatingin naman ako doon at nakakita ng babaeng may hawak ng mogu-mogu at dalawang pack ng Sumo. Omg, hindi ako nag-iisa na may alam sa biscuit na Sumo!  

"Hi!" Sabi niya tapos kumaway kaway sa mukha ko. Heto naman si ako, tulala naman daw ako sa kacute-an niya. Promise, ang cute niya. Halatang may halo ang lahi niya pero di ko alam kung Chinese o Korean.

"Uhm... pwede bang makiupo?" Aniya at hindi pa ako nakaksagot ay umupo na siya sa tabi ko. Kinuha niya ang kamay ko at nilagay doon ang isang mogu mogu at isang pack ng Sumo, ay isang pack lang? Akala ko para saakin lahat. Hay. 

"Kanina pa kita tinititigan." Aniya at napataas naman ang kilay ko. Bakit dumadami na ang stalkers ko? Hater ko din ba to? "Stalker ka ba?" Tanong ko at napatanga ako sakaniya ng bigla siyang tumawa. 

Lah, baliw to.

"Hindi, I mean kasi kilala ka na sa Campus. Maraming may ayaw sayo. Nakita kitang nag-iisa kaya nilapitan kita." Aniya at ngumiti sa akin. 

Okay lang kahit baliw, pretty naman. Parang ako. Char! Hahaha!

"A-ah ano, okay lang. Hehe. Anong pangalan mo?" Ani ko at ngumiti na din.

"I'm Frisa, Frisa Cojuanco (@AddictGoddes) 17 years old." Sabi niya at inabot ang kamay niya para makipag shake hands sa akin. Napatitig naman ako dun, hindi ko akalaing may ganito pa palang tao dito! I'm so happy! Akala ko forever akong mag-isa sa University na ito.

Ang lambot naman ng kamay niya! Hindi ata manlang pinaghuhugas ng pinggan to. Nakakahiya naman sa kamay ko na medyo may kalyo. Wag kayo, medyo lang. Hehe.

"A-ako nga pala si Julia. Julia Jessica Montes. Pero mas gusto ko na Julia itawag sa akin. Ayoko sa Jessica. Ang corny kasi." Ani ko at tumango tango lang siya. 

Habang nagkukwento siya about sa buhay niya, hindi ko mapigilang mapatingin sa Sumo sa kamay niya. Ubos ko na kasi yung akin, hindi naman niya kinakain yung kaniya. Hindi naman sa PG ako ah, ngayon nalang ulit kasi ako nakakain neto. I mean, hindi ko na siya mahanap sa tinadahan nagyon. 

"A-ano, gusto mo ba?" Tanong niya at napahiya naman ako. Hay. Hahanap ako mamay sa grocery store malapit sa amin. "No., di na. hehe." Ani ko at ngumiti lang siya sa akin. Oh please, stop smiling. Ang ganda mo.

"Ayaw mo talaga?" Aniya pa at napagisipan ko naman na baka wala akong makita mamaya kaya tinaggap ko nalang. Masama ding tumanggi sa biyaya. "Naku, salamat ah. Favorite ko to." Ani ko. 

"Ang cute mo." Aniya. Nanlaki naman ang mata ko. Ayokong nasasabihan na cute talaga. Ang weird kasi. "I mean, akala ko may pagka-bitch ka, pero hindi naman. Puro kasi egative naririnig ko tungkol sayo." Aniya. 

Mas na-down naman daw ako sa sinabi niya. Grabe.

Napagpasyahan namin maglakad na kasi malapit na magstart yung next class namin nang may nag appear sa harap namin na group of girls and...gays? Eh?

Tinitigan nila ako ng masama kaya binalewala nalang nila ako pero nang paalis na ako ay hinarangan nila ako. 

"Pwede bang wag kang bastos! Halatang wala kang manners!" Sabi nung isa sakanila. Napataas naman daw ang kilay ko.

"Talking about manners, kayo ang wala non. Alam niyo bang staring is rude?" Ani ko at lalagpasan na sana sila ng harangan nanaman nila ako. 

"How can you say that! We're richer than you, malamang mas may manners kami!" One of them said at mas napataas ang kilay ko. Jusko, hindi lang manners ang kulang, utak din.

"For your information, hindi sa pera nababase ang manners kasi hindi iyon nabibili. Yung utak mo ginagamit dapat yan. Aamagin yan kapag nakatago lang yan jan sa ulo mo, sige ka, ikaw din." Ani ko at bago pa sila maka-extra, hinila ko na si Frisa paalis. Siyempre kami panalo kaya kami unang magwo-walk out. 

Pambihira unang araw, puro away napala ko. Ugh. Paano ako tatagal dito?

"Hays, hindi na ako naka extra eh, di mo ko pinasali. Nag-isip pa nga ako ng pasabog lines." Sabi ni frisa. 

"Ay, sorry naman. Hindi mo naman sinabi. Sana kinalabit mo ako. Hahaha!"

Nagulat ako dahil kanina pa kami usap ng usap pero ngayon ko lang nalaman na may parehas pala kami na 3 classes. Kasi dito yung mga grade 10 pataas parang collage na ang dating, Ikaw na mismo ang lilipat ng class.

Kaimbyerna.

Kris' POV

I'm now holding her Info. 

Name: Julia Jessica Montes

Age: 17 years old

Siblings: 

Blue Montes, 20 (Occupation: Dcoctor)

Jonathan Montes, 17 (Senior High student, Grade 11)

Jay Montes, 17 (Senior High student, Grade 11)

Address: Block 143 di mahanap street baranggay hindi nag eexists City 

Rank: Salutatorian (Scholar) 

Favorites: 

Food: Corn, Strawberries, Ice cream, Spaghetti

Others: Books, Kpop

Blood type: O

Hobbies: Studying

Talent: Singing

Allergic to: Oysters

"As I scan through this, I keep on being interested on you, Jessica"

~~AgentBlue143

His SlaveWhere stories live. Discover now