Chapter 52

66.4K 962 54
                                    

Edited

~

Julia's POV

"Who's that baby Juniel of yours huh?"

Napataas naman ang kilay ko. Sasagot na sana ako nang marinig kong may nagbagsak sa lamesa. Nakita ko don ang teacher.

"Okay, cheating is a crime. Bahala kayo kung gusto niyong mangodigo, basta't siguraduin niyong hindi kayo papahuli dahil expulsion agad ang bagsak niyo, understood? Now pass the answer sheets and the test book." Sabi nito at nanahimik naman ang lahat. Well, I never wished na maging siya ang proctor namin. Siya ang pinaka terror na teacher hindi dahil matandang dalaga pero dahil heartbroken. Kahit nga si master ay takot sakaniya.

Mamaya ko nalang siguro ipapaliwanag sakaniya.

"Do you have another man Jessica?" Nagulat naman ako nang bigla siyang magtanong sabay nagpalumbaba sa sa may table ko.

"Wala! Ano ba namang tanong yan!"

"Then who's that?! Who's that baby of yours?"

"Kapa—"

"No talking Miss montes and Mr. Wu!"

Agad naman siyang napaayos nang upo at nagdadabog na nagsagot nang test papers.

Hindi ako sanay ng ganito eh. Yung nag aaway kami. Feeling ko nagi-guilty ako kasi hindi ko nasabi sakanya yung tungkol kay Juniel.

Natapos ang exam naming sa lahat nang subjects ngayong araw na ito na hindi kami nagpapansinan. Pag papansinin ko siya at lalayasan niya ako o kaya magpapasama siya sa mga kaibigan niya para iwasan ako.

Ngayon naman mayroon pa kaming natitirang isang class sa Filipino. Kailangan naming mag class dahil dito kami super late. Dalawang beses lang kasi kami nagf-Filipino sa isang linggo. Ngayon kahit may exam ay may Filipino class kami Dhil may debate daw kami ngayon which is our final quiz para makumpleto ang grades sa card. Medyo may part din kasi ang Filipino sa kinuha kong practical course.

Lalapitan ko na sana si master nang may magsalita sa harapan.

"Ngayong araw na ito ay igugugol natin ang lahat ng oras sa pagdedebate. Ano nga ba ang ibig-sabihin nang Debate?" Bungad sa amin nang aming Filipino Teacher.

"Ang debate po ay pagtatalo nang dalawang grupo tungkol sa iisang magkasalungat na paksa." Sagot ni Kai na sitting pretty pa din.

"Tumpak! Ang ating huling paksa noong nakaraan ay ang mga uri nang pag-ibig. Kaya naman ang ating paksa ngayo'y 'Sino nga ba ang mas magulo sa relasyon? Ang babae o ang lalaki?' Sinong gustong magsimula?" Sabi nang teacher at agad naming tumayo si kuya MJ.

"Sir, siyempre ang mga babae. Hindi po kasi sila mapirmi sa isang desisyon." Sabi niya at umupo na. Napataas naman ang kilay ko. Tatayo na sana ako nang napatayo naman si Minmin. Kaklase namin siya, hindi ko lang nasabi. Advance siya sa studies kasi na accelerate siya nung bata pa siya. Matalino kasi ang lahi nila.

"The heck! No! Boys are the ones who suck at relationships! They always say sweet things and then they're gonna leave girls when they're done with them!" Depensa niya.

"Maiintindihan ko na hindi ka pa sanay sa Tagalog ngunit inaasahan kong sa susunod na pagkikita ay nakakapagtagalog ka na iha." Sabi nang teacher at tumango nalang siya.

Natahimik ang lahat nang sunod namang napatayo si Kai. "Ang mga babae kaya! Hindi naman namin kayo pinapaasa! Umasa lang talaga kayo! Minsan kasi nasabihan lang kayo ng sweet na bagay, nag aassume na kayo." Sabi niya at mukhang napikon naman si Frisa kaya tumayo siya.

His SlaveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon