Chapter 17

85.8K 1.1K 39
                                    

(Edited)

This chapter is full of FrisYeol only (Frisa ang Chanyeol)

**

Chanyeol's POV

Nandito kaming dalawa ni Frisa sa isang cafe. Naglalaro kami ng isang larong pinagamatang "staring game" . Ang unang kukurap ay mamamatay.

Pero siyemore joke lang yun, paano ba naman kanina pa walang umiimik ni isa sa amin. Ni hindi nga niya ako matignan ng maayos sa mata.

Ano bang problema niya?

Kanina lang kung maka yakap saakin wagas ngayon namang ako na ang nalapit sakanya siya naman ang nalayo? Bakit ba ang gugulo niniyong mga babae?

Frisa's POV

Nakakainis! Paano kanina pa kating kati ang dila ko na magsalita... kaso alam mo ba yung feeling na gusting gusto mo magsalita kaso nga wala ka naming naisip na mai-topic?

Anong gusto niyong sabihin ko? "Hey Chanyeol! Alam mo ba crush kita dati! Kaso dati lang yun kaya pwede bang layuan mo na ako? Ayoko na kasing bumalik yung feelings ko sayo eh." ganun? Mas mabuti na rin siguro itong hindi kami nag iimikan.

Mas safe na rin kasi. Mas malaking chance na tumigil ang kanina pang parang may nagkakarerang kabayo sa puso ko. Mas may chance na makalimutan ko siya.

Sa kalagitnaan ng pag iisip ay bigla siyang umimik.

"Uhm, Frisa?" Agad akong napalingon sakaniya, shet shet shet, alam niya ang pangalan ko? "Malamang kanina pa kaya Frisa ng Frisa sina Julia at Tan. Assumera ka din eh noh?"

Bakit napaka kj mo konsensiya?! Hayan nanaman ehh nag fi-feeling nanaman ako. Masama na bang umasa kahit mga ten minutes lang?

"Frisa?"

"Ay! Sorry may iniisip lang."

"Oo nga eh mukhang malulunod na nga ako sa lalim ng iniisip mo." Gusto ko sanang sumagot na "Ano ka ba, Ikaw kaya ang iniisip ko." Kaso nakakahiya naman.

"Bakit pala? Gusto mo na bang umalis o may importanteng lakad ka? Don't worry okay na kung maiwan ako dito sige na alis na bye ingat!"

"Pinapaalis mo na ba ako?" Sabi niya na parang lumungkot ang mukha.

Napatapik ako sa bibig ko nang mahina. Parang ang sama ko tuloy. Naiilang lang naman ako kasama siya eh!

"H-h-ha? Hindi ah! Nag-aalala lang kasi ako na baka... baka na-nakaka abala na ako sayo."

"Hindi ka naman abala sa akin ah? Sino bang may sabi?" Sabi niya habang tumatawa ng mahina. Hala, ang gwapo parin niya?!

"W-wala"


"Kahit kailan hindi ka naging abala lalo na nung mga panahong hinahanap hanap kita."

Okay, kumalama ka Mr. heart. Wag na wag kang lalandi ngayon. Mamaya ka nalang kiligin hah? Baka bigla bigla ka nalang magwala sa harap niya. Mega turn off yun.

"Alam mo ang cute mo talaga mamula?" Dagdag pa niya. Emeghed.

Lord, alam ko pong naging mabuting anak at mag aaral at mamamayan ako nang Pilipinas, at maraming salamat po dahil ibinigay niyo sa akin ang pagkakataong ito. Hindi ko po ito malilimutan.

Bigla naming umulan nang malakas. Oh Lord? Galit ka ba o iyan ang reply mo? Paano na kami makakauwi niyan?

Nakalimutan ko rin sabihin na kami lang dalawa ang nasa loob ng cafe except sa mga staff nila. Ewan ko ba kung bakit, ang weird nga eh, pwede nang pang set up ito nang horror films.

His SlaveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon