Chapter 7

102K 1.5K 50
                                    

 (Edited)

Julia's POV

 Nandito kami sa classroom at hinihintay ang pagtunog ng bell para sa break time. And as expected kami lang ni MJ ang magkasama. Yup, MJ. MJ talaga. Close na nga kasi kami.

*bell rings*

"Hay salamat! Tara break na tayo." Ani ko nang papalakad na ako at nagulat nalang ako nang hilahin niya ako paharap sakaniya.

"Pambihira, hindi pa nagiging tayo, break na agad?" Aniya at medyo nagpakabobo muna ako ng saglit dahil hindi ko agad nagets.

"What th-break, I mean lunch na! Ang drama neto." Ani ako at natatawang nilagpasan siya.

Nagpalipat din siya ng class kanina lang dahil boring daw ang classes niya. Hindi ko alam kung paano niya ginawa iyon, siguro mayaman talaga siya.

Pagdating namin sa cafeteria, napahinto ako dahil napansin kong ang sama ng tingin ng karamihan sa akin. Ugh, nakakawalang ganda-este gana.

"Ano gusto mo? Libre kita." Tanong niya. Mabilis naman akong umiling. "Huh? Hindi na! Nakakahiya naman sayo." Ani ko which is the truth. Abnormal at corny siya pero ayokong abusuhin ang kabaitan niya.

"Hindi! Okay lang yan! Sa totoo lang kasi, hindi ko na alam kung anong gagawin ko dito sa pera-este kayamanan ko eh." Aniya at napa-facepalm ako ng patago.

"Wag mong masamain ah? Pero may mailalabas ka pa bang hangin jan? Bagyo na eh, ang tindi ng lakas ng hangin." Ani ko at natawa nalang kami pareho.

Umorder na naman siya pero nakaupo lang ako sa isang table na walang ibang nakaupo. Actually kanina meron, pero nung nakiupo ako nagsialisan sila. Galing. Automatic.

Kaya naman napagisipan namin na sa garden na lang kumain. Medyo madami din kasing nagtitinginan sa amin... sa akin sa cafeteria.

*Sa garden*

"Hala! Ang dami mo namang binili. Gutom ka ba?"

"Madami na ba yan? Kasi naman nakalimutan kong magtanong kung ano yung gusto mo kaya binili ko nalang yung sa tingin kong gusto mo."

"So sa tingin mo matakaw ako?" Ani ko. "Oo naman! Tignan mo nga yang bilbil mo, bakat sa shirt mo. HAHAHAHA!" Aniya at napatingin naman ako sa tyan ko. Hindi naman eh! Hala, mataba na ba talaga ako?

Bahala na! Basta busog ako!

"Leshe ka! Okay lang yan, atleast busog ako. Wala naman akong mapapala sa diet eh!"

"Hahaha! Niloloko lang kita, nagpapaloko ka naman! Sexy mo kaya! Oh, subo mo na nga! Dami pang sinasabi eh." Siya sabay subo ng isang dakot ng fries sa bibig ko. Tokwa! Ang dami nasayang! Yung foods.

Pero sinabihan ako ng sexy ni crush. Kung ikaw yun kikiligin ka din! Hihihi.

"T-tekasfdghjkl. Ugh! Eto sayo!" Sabay gumanti ako at isinubo ang isang buong burger sa bunganga niya.

Stupid lang ang walang ganti.

Kris' POV

"Bossing? Pano na yan! Mukhang may kasama na siya? At lalaki pa! Tsk tsk tsk." Chen said. I don't know if he's teasing me or what, but I don't care.

His SlaveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon