Chapter 30

84.8K 1.2K 110
                                    

(Edited)

Anonymous' POV

"She's your sister son. She's your younger sister. Please take good care of her. She's angry at me and I admit that I'm wrong. I can't do what a mother has to do to her daughter, so please take care of her. That's my only favor to you. And I hope you can do that. I... I'm too late." She said as smiled at me and slowly closed her eyes. Last tears fell from her eyes as I hugged her for the last time.

I tried to control my self. Yes mom, I will. I will take care of her.

Frisa's POV

Kanina pa kami nakatanga dito sa coffee shop na pinag-ayaan sa akin ni Chanyeol. Kanina pa ako panakaw nakaw nang tingin sakanya at ganun din siya. Mukha talaga kaming tanga.

Ganyan naman talaga kapag si Crush ang kasama eh. Kahit nauutot ka hindi mo magawa. Nakakahiya.

"Uh, sige aalis na ako." Paalam ko dito. Wala naming nangyayare kaya mas mabuti pa na umalis na ako kesa may masabi pa akong kagagahan.

Nasa may entrance na ako nang biglang may humila nang palapulsuan ko at sumigaw nang..."Teka!" Nagulat naman ako kasi nung hinila niya ako ay naglanding yung mukha ko sa dibdib niya.

"Ano kasi... ano... kasi... baka... ano eh... shit ka Chanyeol? Ano na!" Sabi niya at napakamot nalang ng buhok niya. Halatang halatang frustrated siya. Ano kayang problema niya?

Ako kaya?

O diba assuming na ako. Ganun talaga kapag si crush ang kausap. Gano'n ka din naman diba? Tatanggi ka pa eh.

Tatanungin ko na sana kung anong problema nang magsalita siya. Nang mga katagang nakapagpalindol ng puso ko.

"Ano... pwede bang manligaw?"

Lalo akong napatanga sa tenga niyang tila naghe'hello' sa akin. Tae, natatae ako bigla.

"Ano... pwede bang manligaw?"

"Ano... pwede bang manligaw?"

"Pwede bang manligaw?"

"Manligaw?"

Naramdaman kong hinawakan niya ako nang mahigpit. Gusto ko nalang biglang umupo dito sa may basahan nila sa entrance kung saan nakaukit ang salitang 'welcome'.

"Uhm... Risa?"

Nagtataka nalang akong tumingin sakanya. Risa? "Yan muna itatawag ko sayo hanggang hindi pa tayo." Sabi niya at nginitian ako. Syet

Lord, napakabait ko pong mamamayan at salamat po talaga sa blessings niyo sa akin. Pagpalain po kayo nang... nang... basta po thank you.

"Ano na? Oo o yes?" Ewan ko pero wala talagang lumalabas sa bibig ko. Parang... parang gusto kong ipasak yung bibig ko sakaniya. Ay shet, wag ganon Frisa, pakipot din tayo ah?

Nakatulala lang ako sa gwapo niyang mukha. Hindi ko alam kung anong isasagot ko eh. Ang sabi ko naman kasi dati, iiwasan ko na siya para di na magbalik yung "feelings" kuno ko sakanya. Kasi nga ayokong masaktan sa huli. Masama bang maging maingat?

Ewan ko kung papayag ako kasi hindi ko alam kung seryoso ba siya o pinaglalaruan niya lang ako. At kung hi-hindi ako dahil sayang. Sayang, kasi gusto ko pa talaga siya.

Gusto palang naman, wag kayong over over jan.


His SlaveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon