Chapter 53

69.9K 926 36
                                    

Edited

~

Flashback

"Kuya! Aray! Pakawalan niyo kami!"

Hinagis nila ako sa isang sulok at nilagyan ng packing tape ang bibig. Hindi ako makasigaw. Paano na lang kami?

Nakita kong binubugbog nila si kuya. Wala itong kalaban laban, marami sila, at iisa lang si kuya ko. Nananalangin nalang ako. Nanalangin na lamang ako na sana, magising na ako sa bangungot na ito. Pero wala, nakaupo parin ako dito at sugatan. Kitang kita ng dalawang mata ko ang paghihirap ng kuya ko.

"Hmm! Mm!" Hindi ako makapagsalita ng maayos. Kuya please, please lang... ngayon ka lumaban. Please, lumaban ka para sa akin.

"I knew that this day would come."

Hanggang sa nakita kong naglabas ng baril ang isang lalaki.

"You f*cking raped her? You piece of sh*t!" Sabi nang isang lalaki at itinutok ang baril sa ulo nang kuya ko. No! Please wag!

"Hmm! Hmm!" Wala. Para akong tanga pero wala akong magawa! Wala akong kwenta!

"I think your little sister have something to say eh?" Sabi nang isa sakanila at tinanggal ang tape sa bibig ko. Masakit pero wala pa iyon sa sakit na nararanasan nang kuya ko ngayon.

"M-mga walanghiya kayo. Ako nalang ang saktan niyo pero wag niyong g-gagalawin ang k-kapatid ko!" Sigaw ni kuya at nagtawanan nanaman sila.

"P-parang awa niyo na. B-bakit niyo ba ginagawa ito?!" Sigaw ko

"Didn't you know that your brother raped her?" Sabi nang isa sakanila at nanigas naman ako sa narinig ko.

No, hindi iyon magagawa ni kuya. Lord naman, minsan lang ako humiling, sana naman mapagbigyan mo ako. Kahit ngayon lang, please lang.

I wasn't done praying wen I heard sudden gunshots.


No!


Julia's POV

Pag gising ko pa lamang ay puti na ang nakita ko. Nasa langit na ba ako? Nakaramdam naman ako ng binatukan ako.

"Shunga kang bruha ka! Nasa ospital ka lang wala ka sa langit! Gusto mo ako na mismo magdala sayo dun! Gag*ng to! Pinag-alala mo kami!" Naiiyak na sabi ni Frisa, napansin ko kasing namumula na din ang mata niya.

Nakita ko din sina mama atsaka ang mga kapatid ko sa kabilang side. Ano bang nangyari?

"Anak, ayos ka na ba? May masakit pa ba sayo?" Tanong ni mama at umiling naman ako. Kanya kanya silang tanong. Pero may isang tao lamang ako na hinahanap.

"M-ma, nasaan si Kris?" Tanong ko napaiwas naman sila ng tingin. Anong nangyayare?

"A-ah ano... may kailangan lang daw muna siyang asikasuhin saglit. Pero babalik din daw siya agad." Medyo nauutal na sabi ni kuya Blue.

"Bakit hindi kayo makatingin sa akin? May tinatago ba kayo ma?" Tanong ko. Tinignan ko si Frisa at ganun din ang reaksyon niya. Ano bang nangyayare sakanila?

Tatanungin ko na sana ulit sila nang pumasok ang doctor. Napalingon ang lahat sakaniya nang seryoso ang mukha niya.

"Mrs. Montes I have to ask some questions to the patient for a while. Can you leave the room?" Magalang na tanong niya at tumingin muna sa akin sila mama at kuya bago lumabas. Lumabas silang lahat, na kahit isa walang naiwan.

His SlaveWhere stories live. Discover now