Chapter 34

81.8K 1K 42
                                    

(Edited)

Chanyeol's POV

"Hoy ano na? Tatanga nalang tayo dito?"

"Oo nga! Ang aga aga mong nanggising tapos tutulala ka lang jan! Utang na loob naman!"

"Pag yang laway mo tumulo jan babatukan kita nang bente siyete!"

"Peste ka din eh, nasa banyo pa ako kung makakatok ka akala mo may sunog! Naudlot tuloy!"

"Teka nga! Tae naman kayo eh! Kinakabahan nga ako!" Reklamo ko at sabay sabay naman nila akong inirapan.

"Oh come on dude! Magaling ka mag gitara diba? Jan mo gamitin ang talent mo!"

"Kung makukulangan ka ng props at kailangan mo ng pera sabihin mo lang. Susuportahan kita jan." Si Suho yan siyempre. Poreber mayabang naman yan sa pera.

"Ewan ko kung anong pumasok sa puso mo at nandito tayo." Sabi lang ni Baekhyun.

Isang lingo na ang nakalipas at isang lingo ko ring pin-ractice ang tutugtugin ko ngayon. Isang linggong pananakit nang daliri at kuko. Plucking kasi ang pinag-aralan ko at hindi strumming kaya mas mahirap.

Sinimulan ko na lang ang pagp-pluck ng string ng gitara ko. Monday ngayon ay supposed to be ay may pasok sabi nang DepEd pero ewan ko lang dahil ang sabi sa balita ay may bagyo daw at suspended lahat nang levels, samantalang ang araw araw. Gulo naman nang buhay. Pero sinabi na din nang University na wala pa din samin kasi inaayos yung faults doon sa univ. Ewan ko kung paano aayusin, basta walang pasok.

Natatawa nga ako nang minsang kausapin ko si papa. Yun yung sinabi ko sakaniya na may liligawan ako at ang tatay ko ay muntikan na akong buhusan nang mainit na tubig. Ang bata bata ko pa daw, samantalang inanakan niya si mama eh nasa 19 palang si mama non! Pero nung nagdaan ang araw ay sinabi niya din na ...

"Ligawan mo na habang maaga pa, kasi baka makaistorbo ka nang tulog kapag gabi na."

Nag simula naman si Lay sa pags-strum din parang background ko. Sina Kai at sehun ay Sumayaw lang ng simpleng dance. Tapos si bossing ang nagbi-beat box. Hindi yung beat box na gamit bibig ah? Yung instrument mismo.

"Uso pa ba ang harana?" Tumingala ako at umaasa na nandun siya sa may terrace ng kwarto niya. At hindi naman ako nabigo nun... Nginitian ko siya at nakita kong namula siya

"Marahil ikaw ay nagtataka

Sino ba 'to, mukhang gago

Nagkandarapa sa pagkanta

At nasisintunado sa kaba"

Alam ko na naman na hindi kagandahan ang boses ko pero kung para rin naman sakanya gagawin ko. Sa rap lang ako expert eh.

Meron pang isang babaeng lumabas at tumabi sakanya, Nasa mid 30's na ito at mukhang kilig na kilig rin.

"Meron pang dalang mga rosas

Suot nama'y maong na kupas

At nariyan pa ang barkada

Nakaporma naka barong sa awiting daig pa minus one at sing along"

Nakasuot pala ako ng poloshirt tapos white na tshirt sa loob, Hindi naman mainit kasi nga umaga pa. Tapos pantalon na oks lang tignan, all in all gwapo pa rin ako. At kung hindi lang ako manliligaw ay kanina ko pa sila pinagtawanan dahil nakabarong nga sila.

His SlaveWo Geschichten leben. Entdecke jetzt