Chapter 31

78.9K 1.1K 75
                                    

(Edited)

Miss A or AB nalang ang itawag mo sa akin. Mas comfortable ako dun! :)

~~

Julia's POV

"Hey Jessica."

Nakaramdam ako ng mainit na hangin sa may mukha ko, amoy mint. Parang ang sarap higupin nung hangin.

"Jessica wake up."

Ngayon naman may naramdaman akong kumakaskas sa ilong ko, ang lambot, parang marshmallow. Ang sarap kagatin, napapangiti nalang ako bigla.

"Wake up baby, we have to go to school."

"Wake up baby, we have to go to school."


"Wake up baby, we have to go to school."


Naalimpungatan naman ako sa baby niya, kailangan bang ang aga aga ay magpapakilig siya? Baka masanay ako at hanap hanapin ko na.

Pagkadilat ko ay nanlaki ang mata ko dahil mukha agad niya ang nakabalandara sa mukha ko. Ang gwapo!

"You're such a sleepyhead." Sabi niya habang natawa ng mahina at bumitiw sa pagkakayakap sa akin tapos bumangon na.

His chuckles are such music in my ears.

"Paanong, sa ano- ba-"

"I just came here my slave, no need to worry, I didn't sleep with you without permission. It's already 6 in the morning." Sabi niya at inabot ang kamay niya sa akin. Kinuha ko naman iyon at tumayo na tsaka nag unat.

"Susunod na po ako master." Sabi ko at pumasok nang banyo.

Matapos kong maligo at magawa lahat nang kailangang gawin ay lumabas na ako para magluto. Nakita ko siyang nakahiga sa sofa at mukhang umiidlip pa.

Ako dapat ang nagising sakaniya eh, 'yon ang nasa contract, pero hindi ko naman nagagawa nang maayos ang trabaho ko. He already paid everything, pero wala pa ata akong nagagawang matino.

Napahinga nalang ako nang malalim. Am I that useless?

Narinig ko siyang nagsasalita sa sala. Nagdedaydream ba siya o nags-sleeptalk lang?

"You dreamed of me the whole night my slave." Sabi niya na nakapagpapula naman sa akin.

"Master, medyo tumataas na ang confidence niyo these days ah?" Sabi ko nalang.

" 'Mmm m-master? Master! Mmm...' that's how you sound earlier my slave." Ginagaya pa ata niya yung boses ko nung sinabi niya yun atsaka tumawa do'n. Tae, sinabi ko ba talaga iyon?

Nakakahiya!

Nang matapos na ang niluluto ko ay inilapag ko na iyon sa lamesa. Sinubukan ko pa ngang magtimpla nang kape para sakaniya. Wala kasi siyang 3-in-1 na nasa sachet. Ako pa ang magb-brew nang coffee beans. And believe me, first time ko iyon.

He started to take a sip, at nagulat ako nang halos maidura na niya ang kape. Gano'n ba yon kasama?

"Ang pait!"

"Oh! Nagtagalog ka!"

"Why does this coffee taste like this my slave?"

"Sorry naman, first time ko gumawa nang ganiyang klase'ng kape eh. Hindi naman kasi mahilig sa kape ang pamilya namin. 3-in-1 lang ang alam kong timplahin." Sabi ko.

His SlaveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon