Chapter 10

92.4K 1.3K 40
                                    

(Edited)


Julia's POV

Apat... hindi, lima pala. Limang araw na ang nakalipas at hanggang ngayon ay nandito parin ako sa kalye, oo kalye talaga. Absent din ako ngayon. Pano? Naghahanap nanaman ako ng trabaho, pero this time, kasama ko si kuya. Wala akong nahanap nung mga nakaraan eh. Kaso maghihiwalay na rin naman kami kasi sa Quezon siya maghahanap ng trabaho ako hindi ko pa alam.

"Oh paano patid alis na ako ah! Mag-ingat ka!"

"Oo na! Sige na lumayas ka na! Baka maunahan ka pa eh!"

"Yes po manang! Nga pala baka gabi na ako makadalaw sa hospital ah!"

"Sige na po! Babye! Labyu!" Nagwave nalang siya at tuluyan nang umalis

Alam ko na ang nararamdaman ni kuya nung sinabi niya samin dati na "Ang hirap pala maghanap ng trabaho." kasi sobrang hirap talaga. Promise peksman.

Naglalakad lang ako. Wala umaasang may makikitang kahit isang tindahang tumatanggap ng working student. Kahit sa bakery lang! Basta sasahod!

Nitong mga nakaraang araw din ay ang weird sa pakiramdam. Ewan, feeling ko may nagmamasid sa akin. Lalo na kapag naghahanap ako nang tabaho. Nakasanayan ko na kasing making sa mp3 ni kuya. Alam niyo ba iyon? Wala, rich kids kayo eh.

Sanay akong naka earphones habang nakikinig sa music pero pakiramdam ko ay may sumusunod parin sa akin.

Napailing nalang ako at nag-focus sa paghahanap. Naglalakad lang habang tinitignan ang profiles ko, maganda naman ako ah! Bakit walang natanggap? Hindi ba sila nadadaan sa charms ko?

Sus charms daw, utut!

Nag eemote emote pa ako dito nang may biglang may humarang na kotse. Itim siya tapos medyo mahaba. Nakalimutan ko yung tawag dun eh. Pero mukhang mayaman.

Eh anong drama niya? Titigil nalang sa harapan ko pa mismo?

At slow motion na lumabas dito ang isang napakagwapong nilalang, may pa hangin hangin effects pa at mga sparks pa paligid niya, habang nags-sway ang malapangshampoo niyang buhok at tila may background music na You are my Everything  ng Descendants of the Sun.

Naknangteteng! Siya nanaman?

Kris' POV

I think five days are enough? My so called friends stalked her for five days to see if she'll be accepted to any jobs but as expected, no one accepted her.

I've been gone for days because the factory I also own had a problem. Yes, I own one and am managing it. My father told me to practice so I did.

I'm just searchin' around... and grinned when I finally saw her.

"Hey stop the car."

"Sir?"

"I said stop this car don't you hear me?" Then he stopped the car infront of her. Yeah, that's right.

I then went off the car and walked towards her. She's just looking at me like she's trying to remember something with her eyes wide open.

"Yah!" Then that made her back to her senses.

"Gilagid, wait.. baba!? Gunggong?"

What the f*ck did she just said?!

Julia's POV

"Gilagid.. wait baba!? Gunggong?"

Per- putek! Anong sabi ko?! Gilagid? Baba?! Julia naman oh! Ano bang kaluluwa ang sumanib sayo?! Yung lalaking palaging nakaitim na gwap-este! Pangit pala! Yung sinabihan ko ng pangit!

Lord utang na loob, wag naman na sana niya dagdagan pa ang mga problema ko. Pagod na pagod na din akong manermon sakaniya. Lord please, baka singilin niya pa ako ngayon nang pampagamot niya sa pasa niya, wala akong pambayad!

Pero matagal na naman iyon hindi ba? Limang araw ko din siyang hindi nakita at wala naman akong balak na kitain siya dahil baka pinapahanap na din niya ako sa mga tropa niya. Baka bubbugin nila ako!

Magsasalita na sana siya nang tapatan ko siya ng naka cross kong fingers na para bang tinataboy ang isang masamang kaluluwa.

"Please! Maawa ka! Wag ngayon! Gipit na gipit ako!"

Lord magsisimba na talaga ako every week, wag niyo lang akong kunin ngayon. Gangster daw siya diba? Jusko naman Julia, bakit ngayon lang yan pumasok sa utak mo?!

Itinaboy naman niya yung kamay kong naka cross sign at sinigawan ako.

"Yah! Neo, michyeoseo? I'm just here to offer you a job."

(Translation: Hey, are you crazy?)

Job?

"Job as in yung trabaho?" Medyo napalakas siguro ang sabi ko. Nagugulat lang naman ako sa inaasal niya, may masama ba don?

"Are you deaf or what? You don't have to shout! I'm just infront of you!" Saway niya sa akin. Teka, hindi ba siya marunong magtagalog? Nakakadugo siya ah! Ang dami ko nang problema pagi-english-in niya pa ako?!

Magsasalita na sana ako nang magsalita na siya.

"Be my slave and i'll pay for all of your expenses."

"Be my slave and i'll pay for all of your expenses"


"Be my slave and i'll pay for all of your expenses"

"Be my slave and i'll pay for all of your expenses"

Seryoso ba siya? Baka manlaki ang mga mata niya kapag nalaman niya kung gaano kalaki ang babayaran ko? Hospital bills pa nga lang lumuluwa na ang mata ko, tubig, kuryente at renta pa nang bahay? Pero kung ipipilit niya, okay lang na-

"Be my slave."

Tucha, slave?!

"Slave? Diba pwedeng maid na lang? Alalay? P.A ba? Bakit naman alipin pa?"

"Are you taking the job or what?"

Kung tatanggapin ko ito.... bayad na lahat ng utang ko. Lahat ng gastuhin sa ospital, mga gamot ni mama, allowance namin ng kapatid ko.

Kumbaga, solve na lahat nang problema ko!

Kaso, aalipinin niya naman ako... mawawala nga ang problema ko, baka naman madagdagan nang bago! Tsaka, slave talaga? Parang ang... ang laswang pakinggan! Hindi kaya... tae, maiiisip ko palang, nandidiri na ako eh! Wag naman sana yun! Baka kung ano anong i-utos nito!

Lahat ng babayarin o ang pride ko?

"Think about your family Julia!" Bulong nang konsensiya ko.

"Think about yourself Julia!" Bulong naman nang kabilang konsensiya ko.

Ayoko din naman maging selfish, kaya... "I'll accept the job Mr. Blonde."

Ngayon ko lang naalala na hindi ko pa alam ang pangalan niya. Nasanay na ako na gunggong o baba ang tawag sakaniya sa utak ko eh.

"Tsk, you really don't know me? Okay then let's get in my car and talk about your job."

Lord, sana po makauwi pa ako sa bahay nang buo.

~~AgentBlue143

His SlaveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon