Chapter 43

72K 1K 34
                                    

Julia's POV

"Hindi ka namin kapatid... sa ina."

"Blue tama na please." Pagmamaka-awa ni mama sakaniya.

"Anak ka ni papa sa ibang babae." Hindi naman pinakinggan ni Kuya si mama at ipinagpatuloy lamang ang sinasabi.

"Hindi ka namin tunay na kapatid... sa ina."

"Anak ka ni papa sa ibang babae."

Wala.

Wala ni isa ang pumapasok sa utak ko. Nakakabobo. Nakakagulo. Na kahit anong pilit kong ipasok sa utak ko. Wala talaga.

O baka hindi ko lang talaga matanggap.

"P-paano? Mama gusto kong ipaliwanang niyo. Bakit niyo nilihim? Bakit hindi niyo sinabi noon pa? Nasaan ang mama ko?" Umiiyak na tanong ko sakaniya. Nilapitan ako ni mama at hinawakan ang magkabilang pisngi ko. Ramdam ko pa ang panginginig ng kamay niya.

"A-anak, ako... ako ang mama mo." Sabi niya at pilit na ngumingiti saakin. Napapikit na lamang ako. Hindi ko matiis na makita si mama ng ganito.

"Ma naman... tama na. Alam ko na eh. Wag niyo naman ako lalong pinagmumukhang tanga. Gusto ko lang naman malaman yung totoo. Mahirap na bang ibigay iyon?" Pagmamaka-awa ko sakaniya.

Natahimik ang buong silid. Tanging pag-iyak lang at mga hikbi naming ang naririnig sa buong sala. Hindi naman kumikibo sina Jay at Tan na seryosong nakatingin sa amin.

"Ma.... ma makinig ka sa akin." Pagpapakalma ko sakaniya. Kinakabahan ako na baka hindi siya makahinga nang maayos sa paghikbi niya. Madalas pa naman siyang hikain.

Tinanggal ko ang pagkakahawak niya sa pisngi ko at hinawakan ko ang kamay niya. Tinignan ko siya sa mga mata. Patuloy lang siya sa pag-iling at pag-iyak.

"Ayaw mo na ba saakin anak?" Tanong niya sa akin at agad naman akong umiling.

"Hindi sa ganon ma. Gusto kong malaman ang lahat lahat. Kung bakit ako nasa inyo, kung nasaan ang totoong mama ko, kung sino siya? Parang awa mo na ma... nagmamakaawa na ako. Sobrang dami nang tanong ang nasa utak ko. Hindi ko na kayang kimkimin lahat." Pagmamakaawa ko pa sakaniya at nanahimik naman siya saglit. Napapikit ito ng mariin at tumingala na tila nagpipigil ng luha. Nagbuntong hininga ito.

"Ibinigay ka sa akin ng mama mo noong baby ka pa." Pagsisimula niya nang kwento. Hindi ako sumagot at nagihintay na lamang ako sa bawat sasabihin niya. Pinipigil pa niya ang mga hikbi niya.

"Sinabi niya sa akin na anak ka niya sa papa mo. Inamin niya sa akin ang lahat ng tungkol sakanila ng papa mo. Ang tungkol sa lihim nilang relasyon at iba pa. Ang sabi niya ay nagsisisi siya kaya ka niya ibinigay sa akin. Galit na galit ako non. Yun ang dahilan kung bakit kami nag-aaway palagi ng papa mo. Akala ko noong ibinigay ka na sa akin ng mama mo ay titigil na sila. Pero hindi. Palaging wala ang papa mo." Sabi niya saakin at napatingala nanaman ito at nagpipigil ng luha.

"Hanggang sa... sa isang araw. Nalaman ko na lang na may relasyon pa sila at buntis nanaman yung babae. Sa sobrang galit ko pinapili ko ang papa niyo. Akala ko tayo ang pipiliin niya, kaso hindi. Ang kabit niya at ang magiging anak nila ang mas pinili niya. Napakasama niya. Demonyo siya." Kwento ni mama at napahugulgol na siya.

Naramdaman ko nanaman ang pamilyar na sakit na iyon sa ulo ko. Napahawak ako sa parte kung saan nasakit. Hindi mapigilang itanong sa sarili kung "Bakit? Bakit sa lahat ako pa?" Kaya pala hindi ko kamukha sila kuya.

Pakiramdam ko talaga ay umiikot ang sikmura ko. Nasusuka ako pero walang lumalabas. Ang sakit sakit na din nang ulo ko.

"B-bakit ngayon niyo lang sinabi sa akin ma? Bakit?" Tanong ko sakaniya at hinigpitan lamang niya ang hawak niya sa kamay ko.

His SlaveWhere stories live. Discover now