Chapter 23

81.8K 1.2K 52
                                    

(Edited)

Julia's POV

Nagising ako nang may maramdaman akong may nagbuhos sa akin ng tubig. Sobrang lamig!

"Ano ba!?"

"Are you shouting on me my slave?!" Malamig pero nakakatakot na sabi sa akin ni master. Anong nangyare sakanya? Bigla bigla nalang nagbago ang klase nang pagtingin niya sa akin.

"H-hindi naman, nagulat lang ako. Bakit naman ka-" Bago ko pa man matapos ang sasabihin ko ay nag salita na siya.

"Get up and cook for my breakfast."

"At bakit naman kita susundin?" Nakapamewang na sabi ko, umaasa na ngingiti siya at sasabihin "Joke, let's eat."

"What are you to me?" Malamig na sabi niya. Ano nga ba ako sakanya?

Slave.

"Alipin mo?"

"And what am I to you?"

Ikaw? Paasa kang hayop ka para sakin. "M-my master." Sagot ko.

"And what should a slave like you, do to her master like me?" May diin niyang tanong.

Ilang minuto pa ay pumasok sa utak ko ang nais niyang iparating. Oo nga naman!

Slave ka lang Julia

"Sundin ka."

"Then do what you're supposed to do slave. I don't like people whose stupid and keeps on repeating what they have told to do." Malamig niyang sabi. Ano bang nangyayare sakanya?

Okay naman kami kagabi ah? Pati hinalikan niya pa nga ako. Sinabihan niya pa ako nang adorable, tapos nang mga sweet lines tapos...

"Then do what you're supposed to do slave."

"Then do what you're supposed to do slave."

"Supposed to do slave."


"Slave."

Sabi na nga ba. Naghihiganti lang siya. Bakit ba naman kasi hindi ka nakinig sa utak mo Julia. Hindi naman talaga siya ang kaaway mo dito. Yang puso mo. Yang puso mong madaling umasa sa mga taong sweet sayo.

"I woke up that the door was open so don't ask me how I got out." Sabi niya at narinig ko ang malakas na pagbagsak ng pinto.

Yumuko ako at hindi ko namalayan na may likidong tumulo sa pisngi ko. Putek lang kasi heto nanaman ako umiiyak. Sabi ko na eh, sabi nang wag magpadala sa damdamin mo Julia! Sabi nang wag ka nang magpaka gaga para sakaniya! Sabi nang wag kang umasa!

Too bad, I already fell. But nobody's there to catch me.

Marahas kong pinunasan ang luha ko at pumunta sa kabilang kwarto kung nasaan ang gamit ko atsaka nag hilamos at nag-toothbrush. Lumabas ako ng kwarto ko pagkatapos at dumiretso ako sa kusina. Binuksan ko ang kalan at nilagay ang frying pan doon, at nagluto ng bacon, pagkatapos nun at inilagay ko sa plato alangan namang sa lamesa agad diba? Mag hihiwa na sana ako ng sibuyas para sa sarsyadong itlog na lulutuin ko ng magsalita siya.

"I don't want that as my breakfast, I want oatmeal." Sabi niya. Tataasan ko na sana siya nang kilay nang maalala ko ang sinabi niya. I have no right to refuse, kaya nagluto nalang ako nang panibago. Ako nalang ang kakain nang bacon, paborito ko naman iyon.

Lumabas na ako nang condo niya since nakabisa ko na ang mga pinto doon at pumunta sa pinakamalapit na mini supermarket. Matapos kong bumili ay bumalik na ako sa condominium niya, nagpainit na ako ng tubig at naglagay ng onting halaga ng oatmeal sa isang tasa. Nung kumulo na yung oatmeal ay nilagyan ko ng mainit na tubig yung nasa tasa tsaka konting asukal at gatas.

His SlaveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon