Chapter 56 (teaser)

61.1K 800 31
                                    

(Edited)


Third Person's POV


Napamura sa inis si Kris ngunit hindi niya maitanggi na nagpapasalamat siya sa taong nag-doorbell. Kung hindi sila naistorbo ay baka hindi na napigilan nang binata ang kaniyang sarili.


"I'll go." Sabi nang binata at inayos ang damit nang kasintahan.


"Sama ako. Ayoko mag-isa m-master."


Hinawakan ni Kris ang kamay ni Julia pababa. Sinilip muna nila si Juniel ngunit laking gulat nila nang makitang magulo ang kwarto nito at wala si Junie sa loob.


"Sh*t, where did he go?" Tarantang tanong ni Kris sa sarili at agad silang napababa sa hagdan. Binuksan nila ang ilaw at magsisimula na sanang maghanap nang marinig nanaman nilang nagdoor bell.


*Dingdong Marian*


"Hey wifey, can you get the door? I'll go find Juniel." Sabi ni Kris at tumango nalang si Julia. Malaki ang bahay nina Mj kaya't medyo mahihirapan sila.


Sa kabilang dako, si Julia ay kinakabahang lumapit sa pinto. Hindi niya alam kung bakit ngunit sobrang kinakabahan siya.


Dahan dahan niyang binuksan ang pinto at nakita ang isang may katamtamang laki na kahon. Binuhat niya iyon ngunit magaan lamang iyon. Napatingin siya sa paligid ngunit wala siyang nakita ni anino nang maaaring mag-iwan nito.


Dinala niya iyon sa loob at binuksan. Agad niyang naibato ang kahon nang makita ang laman. Tila naubusan siya nang boses dahil hindi ito makapag salita.


"Wif- what the f*ck happened?!" Nag-aalalang tanong ni Kris at nilapitan si Julia na nanginginig na nakaupo sa sahig.


"M-may ma-" Agad na kinua ni Kris ang kahon at halos mabanggit na niya lahat nang mura sa isip niya sa nakita.


Isang duguang damit ang nasa loob na may kasamang baril. Ibinagsak niya iyon sa sahig at tinulungang makatayo si Julia.


"Who the hell would do this?!" Naiinis na tanong ni Kris sa sarili ngunit tila apatanga silang dalawa nang makarinig sila nang iyak nang bata. Agad silang tumakbo sa kung saan iyon nanggagaling.


At nakita nila si Juniel na nakatali sa isang upuan. May piring ito sa mata at bibig ngunit maririnig mo ang pag iyak nito.


"J-juniel!" Sigaw ni Julia at agad na kumuha nang gunting para magupit ang tali.


Umiiyak na yumakap ang bata kay Julia. Tila hindi parin sila makapaniwala sa nangyayari.


Agad silang napalingon sa braso ni Juniel na may sulat.



"Are you ready to die?"


~~AgentBlue143

His SlaveWhere stories live. Discover now