Chapter 32

83K 1K 42
                                    

(Edited)

Frisa's POV

Nakahiga pa rin ako sa kama kakatapos ko lang kumain eh. Nakahilata lanag naman ako at iniisip si Chanyeol.

Busy pa ako sa pagiisip ng pagpopropose niya sa akin. Tatlong araw na din ang nakalipas pero parehas padin ang impact sakin.

Pati na rin ang inaakto ni Sehun.

Naguguluhan ako. Hindi ko maitatanggi na may crush ako kay Sehun pero mas malala pa kasi sa crush ang kay Chanyeol. Iba. Magkaiba ang impact nilang dalawa pero parehas naman silang masaya kasama. Crush lang naman, kayo naman!

"Anak..."

"Pa!" Salubong ko sabay yakap sakanya nang mahigpit. Namiss ko siya! Minsan na lang kasi kung makauwi sa papa eh. 'Lam na, bussiness is bussiness.

"Kamusta naman ang pinakamagandang babae sa balat ng lahat ng balat?" Sabi ni papa sabay umupo sa kama ko. Haha! Palagi nalang siyang ganyan. Sweet. Nakapang office attire pa si papa. Siguro kakarating lang, hindi ko kasi siya nakasabay sa pagkain.

"Hahaha! Papa naman eh! Heto po humihinga pa rin naman. Kumain na po kayo?" Tanong ko.

"Ah, oo kanina kakatapos lang. Ang sabi nga ni yaya, tulog ka na raw kaya chineck ko at nadatnan kitang parang nagiisip ng malalim, ano naman yang iniisip mo?"

Sa 'di malamang dahilan ay biglang pumasok sa isip ko yung panliligaw ni Chanyeol. At naman, uminit bigla ang mukha ko. Sasabihin ko ba?

"Ahm, pa..."

"Ikaw anak ah! Naglilihim ka na..." Sabi niya na may nagtatampong tono. Teka! Alam niya?!

Paano?

"P-po? He-he-he."

"Binibiro lamang kita! Baka kasi may nanliligaw o boyfriend ka na, hindi ko pa alam. I felt like I'm a useless and unresponsible father. Lalo na't babae ka pa." Sabi niya nang mag malungkot na tono. Ganyan si papa kapag stressed. Naglalambing. Niyakap ko siya.

"Ano ka ba 'pa! Para saan pa't palagi kang nasa work at nagpapakapagod kung hindi ka naman mabuting ama diba? Tsaka manliligaw pa lang naman ang meron." Pag amin ko.

"Hah? Kailan pa? Sinong nagtangka?" Biro niya at napatawa naman kami parehas.

"Pa naman eh..." Paglalambing ko

"Hahaha binibiro lang kita anak. Malaki ka na at alam kong kaya mo nang magdesisyon sa mga bawat kilos mo. Siguraduhin mo lang na sincere yang manliligaw mo ah! Dahil kung hindi... marami akong alagad sa paligid." Sabi niya at tumawa naman ako.


Over protective, pero sweet. Si papa lang 'yon.

"Hahaha opo. I love you pa!"

"I love you too anak. Gabi na, matulog ka na at may pasok pa bukas." Sabi ni papa ay pinahiga na ako. Hinalikan niya ako sa noo at lumabas na.

My dad is my dream husband and father. Kaya hindi ko alam kung bakit naatim ng mama kong iwan kami.

Chanyeol's POV

"Pre..." Tawag ko sakanya at ibinigay ang isang beer in can kay Sehun, binuksan niya lang yun at ininom.

Sa aming lahat, si Sehun ang pinaka iwas sa babae. Hindi dahil bakla siya pero ayaw niya dun. Bukod kay Julia ay wala na siyang pinansin.

Pero napaisip ulit ako nung makita ko yung ginawa niya kanina. He never kissed a girl. Kahit cheeks lang, lalo na sa lips. Hindi siya naging malambing sa babae. Bukod sa mama niya.

His SlaveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon