Chapter 60

59.3K 817 39
                                    

(Edited)

Julia's POV

Nandito kami ngayon ni master sa bahay nila. Kasama namin ang mga kaibigan niya. Bonding daw sabi nila.

"Hoy! Ako ba ginagawa mong shunga?! Akin na nga!"

"Putcha ayoko! Last na ito! Bumili ka nang iyo!"

"Akin na! Pera ko tapos ikaw kakain?! Gusto mong pasakan ko nang thumb tacks ang gilagid mong ungas ka?!"

"Si bossing lang ang may malaking gilagid sa atin gunggong!"

"Hayup! Kapag narinig kayo ni bossing, patay kayo."

Akala ko kapag nakasama ko sila mas makakapag isip ako tungkol sa desisyon ko. Pero mali talaga eh. Wrong choice.

Sa dalawang araw din na pagiisip. Napagdesisyunan ko na. Isang linggo. Isang linggo nalang.

Flashback

"Honestly, we don't have the advanced technology here iha. Well...there's only one way to cure your illness iha."

"Ano po yun doc?" Tanong ni Kuya Mj.

"I know a doctor in US. he handled this kind of illness and 2 out of 5 patients were cured. I'll give you the address of the hospital." 

Napatingin naman ako kay kuya MJ. Alam na nilang lahat, pati sila mama. Ayokong maglihim sakanila dahil alam ko ang pakiramdam. Si kuya Blue ang unang nakaalam since mas nahalata niya dahil nga doctor din siya, then he told them.

"But I'll be honest with you. But as I've said, not all of his patients survived. Kumbaga 50/50 ang buhay mo. It's your choice kung itutuloy mo. Yung mga malalakas lang ang nakakaligtas pero the rest? Hindi nila kinakaya ang operasyon."

"Uhm, pagiisipan po muna namin doc. Pwede ho bang mahingi ang hospital name?" Tanong ni kuya at nagsulat naman na ang doctor. Ibinigay na niya sa amin iyon at nagpayo pa ito nang ilang gamut at mga bawal.

"Thanks doc. I guess we'll be going."

"Salamat po."

**

"Juls, magisip ka. Aalis ba tayo sa bansa para gumaling ka o mananatili ka dito?" Tanong ni kuya Blue nang sabihin sakaniya ni Kuya Mj ang sinabi nang doktor.

"Anak. Mas mapapanatag ako kung sasama ka sa kuya mo sa ibang bansa. Mawawalay man tayo, basta gumaling ka ayos lang." Sabi ni mama sa akin.

"Pero...paano si Kris ma? Pano siya?"

"Anak, kahit ngayon lang. Please isipin mo muna ang sarili mo."

Hindi ko alam pero naiyak nalang ako. Isipin ko na malalayo ako kay master ko naiiyak na ako. Mangyari pa kaya?

Pero pano kapag umalis nga ako? Gagaling ba ako? Kapag gumaling ako magiging ayos na ang lahat. Pero paano kapag hindi na ako nakabalik?

"Isang linggo ma, kuya. Isang linggo nalang, please."

End of Flashback

E-enjoyin ko nalang ang isang linggo kasama siya. This is my first day.

"I-shoot mo na tol!"

"Teka nga! Hoy! Dun ang ring niyo!"

"Hahahaha! Salamat sa points brad!"

His SlaveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon