Chapter 27

80.7K 1K 57
                                    

(Edited)

Julia's POV

Habang nasa hospital bed parin ako medyo na aninang kong ang daming nagtatakbuhan sa labas.

"Anong nangyayare?" Nagtatakang tanong ko sakanila. Pagkatingin ko kay Frisa at MJ nag bubulungan.

"Hoy!" Tawag ko dito.

"Ah! A-ah, ano... may... may ano ba? May emergency lang daw sa students."

"A-ah? Edi tara na!" Sabi ko at akmang tatayo na ako ng pigilan nila ako.

"W-wag! A-ah, ano wag kasi masama pa ang pakiramdam mo!" Sabi ni Frisa.

"Magpahinga ka muna Juls, sasabihin nalang naming sayo kapagkatapos." Sabi naman ni MJ sakaniya.

"Hindi ah! Nakakasayaw na nga ako oh!" Sabi ko sakanila. Totoo naman eh, okay na talaga ako. Tsaka sa tingin ko kanina pa ako nakahiga at nagsasawa na rin ako. Gusto ko naman kumilos kilos.

Tsaka lately napapabayaan ko na ata ang pag-aaral ko kaya, pupunta ako dun para naman hindi ko mamiss kung ano man yung sasabihin sa emergency na yun. Pakiramdam ko anytime pwedeng mawala ang scholarship ko.

"Hindi! A-ah, ano... sina Chanyeol na lang daw ang pupunta dun , kami na lang kaya dito ka lang. Magagalit ako kapag umalis ka! Bye!" Sabi niya sabay umalis silang lahat at naiwan akong mag isa.

Ano ba naman yan? Kanina ko pa gustong malanghap ang polusyon sa labas. Nakakainis naman eh!

Bahala na nga! Basta pupunta ako dun. Pumunta ako sa banyo at nagbihis, buti na lamang ay may iniwang damit si Frisa sakaniya, ang P.E uniform nito.

Matapos magbihis ay agad naman itong tumungo sa gym.

**

Pagkarating ko imbis na mahalagang mensahe ang marinig ko, iba. Isang hagulgol.

"... So if you lay any of those fingers of yours on her, be ready to accept the punishment. If you have any intentions of courting her well better think twice."

Nanigas ako sa mga narinig ko, oo sinisigawan niya ako pero iba to, unang beses ko pa lang siyang narinig na sumigaw ng ganyan kalakas at sobrang galit. Pero ang pinagtataka ko kung sino ang 'her' na binabanggit niya.

Ayokong umasa, pero ang lakas nang kutob ko na ako iyon.

Nandito lang ako sa may pintuang banda pero kitang kita ko ang lahat. Nabunggo pa nila ako nung lumabas siya, sila.

Sila yung mga nanakit sa akin. Ako nga, ako nga yung 'her'.

Matapos kong makita at marinig ang lahat ay natulala ako, at nagulat nalang ako ng nasa harapan ko na si master.

"M-master?"

"Who the hell allowed you to come here?" Mahina pero madiin niyang sabi. Para bang may gusto siyang tanungin na hindi niya masabi.

"B-bawal ba ako? S-sige aalis na ako bye."


Siya yung inaabangan kong makikita ko sa paggising ko. Siya yung taong inaasahan kong magliligtas sa akin. Pero ang tanga ko lang kasi nga diba? Slave lang ako hindi girlfriend.

Tumalikod na ako at nakita ko si MJ dun sa medyo malayo. Kinawayan niya ako at nginitian ko naman siya. Pupuntahan ko na sana siya ng bigla akong hilahin paharap ni master.

His SlaveWhere stories live. Discover now