Chapter 33

78.1K 1.1K 52
                                    

(Edited)

Julia's POV

Iisipin ko nalang na kasama namin sila sa iisang condo, para na kaming na jungle! Na may kasamang hot animals. Ay ano ba Julia!

Padabog siyang pumasok sa condo at nakitang may maleta din sa loob. Ang dami naman ata nilang dalang maleta?

"And who told you that I agree with this d*mn decision of yours?! I don't even get your purpose! You have your mansions and you'l live in my condo?!" Sigaw ni master na rinig sa buong condo pero putsa. Imbis na matinag sila sa sigaw ni master ay sabay sabay silang nagtinginan saakin.. wait... sa akin?!

"Ate Julia..." Sabay sabay nilang sabi. Bakit ba lagi nalang silang sabay sabay? Nakaka awa tuloy atsaka ang hirap tanggihan.

"Ate Monteth (Montes) dito muna kami plith?" Tanong ni Sehun na nagpapacute. Sehun wag ka namang ganyan...

"A-ah, h-hindi ko naman condo to eh kay k- mast-baby kayo magpaalam." Sabi ko pa. Naku! Biglang kumapit sa braso ko si Xiumin. Si Xiumin na sobrang cute, ugh!

"Ate Julia... sige na please!" Pamimilit niya pa.

Hindi ko alam pero awtomatiko akong napatango.

Ay tae, ano ka ba naman Julia! Bakit ka tumango? Ang lakas nang loob mong um-oo eh hindi naman sayo ang condo! Tsaka magkakagulo ang buong condo kung nandito sila!

Pero diba? The more the merrier?

Bahala na nga!

"Pumayag si ate Julia!" Sigaw nila sabay kuha ng mga maleta nila at pinasok sa kwarto ko. Teka, bakit sa kwarto ko?!

"A-ay! Dun na lang pala kayo sa guest room!" Bigla kong napasigaw

"Hindi kami kasya don." Sabi ni Tao.

"A-ah, kasi... ahm.."

"Tsk, six of you sleep in the guest room and the rest on baby's room." Naiinis na sabi ni master. Tama! Ang talino niya talag-- Ano!

"San ako matutulog?!"

"On the sofa." Walang ganang sabi niya at parang haring umupo sa sofa.

"Hah?!"

Kasi naman yung sofa nila ay maliit lang. Yung pang dalawang tao lang ang makakaupo sabay 5 ganun yung nandito. Eh may harang yun sa both sides niya kaya hindi ko siya pwedeng pag duktong dugtongin. Alam kong maliit lang ako pero hindi padin ako kasiya!

"You agreed right? Then you'll be sleeping in my room until they go."

"You'll be sleeping in my room."


"You'll be sleeping in my room."

"You'll be sleeping in my room."

Ayoko na! Habang tumatagal kasing natutulog ako katabi siya, mas lumala lang yung nararamdaman ko. Ayokong sobrang lumala. Baka sobrang hulog ko hindi na ako makabangon!

"T-teka nga! Bakit ba kayo dito makikitira?" Wow hah Julia, nahiya ka naman sa 'makikitira' mo. Ikaw din naman nakikitira lang. Sus.

"Uhm... ano, naputulan kami nang kuryente at tubig. Wala kasi parents namin." Sabi ni Suho a naniwala nalang ako kahit di kapani-paniwala. Si Suho ang pinakamatino sakanila eh.

Biglang may narinig kaming kaluskos, at nakita namin sina Chen at Baekhyun sa may lalagyanan ng dvd's ni master.

"Tara nood tayo! Movie marathon!"

His SlaveWhere stories live. Discover now