Chapter 14

94.2K 1.3K 55
  • Dedicated to Gellian Malabanan
                                    

(Edited)

Julia's POV


Nandito parin ako sa kusina, hindi ko na lang pinansin ang sinabi niya. Naalala ko yung agreement namin na kailangang magpanggap. Inis.


Flashback

"Yeah, I agreed when she begged me to be her boyfriend. Didn't you know that she's been courting me these past few days?"

Putspa! Muntik muntikanan pang bumagsak ang panga ko sa sahig! Aba! Abusado siya ah! Ang sabi niya magpapanggap lang kami pero hindi naman niya sinabing pagmumukain niya akong obssess fangirl niya! Bwisit!

Hindi pa ako masyadong nakakarecover ng biglang humalakhak siya. Pero imbis na mainis ako... di ko mapigilang mapanganga nang marinig ang tawa niyang napaka-lalim. Gusto kong saksakin yung gilagid niya pero bakit napapangiti ako?

"Put* ano bang nangyayare sakanya?"

"Baka nga nakadroga siya."

"Naka shabu na nga ata ang gag*."

"Nakashabu man siya.. ang sexy ko padin."

"Paksh*t dre natamaan ba siya ng wushu stick ko? Bakit ang abnormal niya ngayong araw?"

"Ang sarap ng bubble tea."

"Kain tayo guys?"

"Itali na kaya natin? Baka mamaya magwala nalang yan."

"Okay lang ba talaga yan? Baka naman pinapak niya yung eyeliner ko kagabi?"

"Malay niyo may problema kaya naglasing?! Judgemental nitong mga to!"

"Oh baka naman ninakaw niya yung pera ko sa bangko kaya siya masaya ngayon?"


"I-is it a big deal if I laugh too much? You all look h-hilarious!" Panglalait niya sa amin habang bumabawi nang hininga.

"Big deal samin yun!" Sabay sabay nilang sabi. At hindi ko na napigilan si ako at nabato ko siya ng sandok.

"Yah! Dangsin michyeoseo?!"

(Translation: Hey! Are you crazy?!)

T-teka ano daw? Napatingin naman ako sa isang member nilang maitim. Hindi naman masyado pero siya yung pinakamaitim sakanila. "Kung baliw ka na daw?" Pagtatranslate niya. Putspa, A-ano daw?!

Hindi pa ako nakuntento sa sadok at binato ko na pati siya ng kalderong hawak hawak ko.

"Oh ayan! 'Wag mo nang intaying pati kalan ihagis ko sayo! Magluto ka mag-isa mong gunggong ka!" Naiinis na sabi ko sabay walk out. Aba! Kanina niya pa nilalait lait ah! Hindi naman kasama sa usapan na lait-laitin niya ako!

Kaso ang tanga ko lang kasi hindi ko alam ang pasikot sikot sa condo niya. Bakit kasi ang daming pinto? Napaka palpak nang walk out mo Julia Jessica Montes!

Bumalik na muna ako dun at nanghatak ng kung sino. Bala na! Nag-ninja moves pa ako para hindi ako mapansin ni master kaso yung pinto!

*Creek*

Ang sarap hampasin nung pinto! Ang ingay putspa! Bakit may mga bagay na ayaw maki-cooperate sa gusto mong mangyari?! Pakiexplain? Ugh!

"Oh? What are you doing here." Sabi ni master at tinaasan ulit ako ng kilay.

His SlaveWhere stories live. Discover now